Bakit? Sa lahat lahat! Bakit nag kita pa kami ulit?. Ang daya din naman kasi ng tadhana eh.. kung kailan unti unti ko na sya nililimot saka naman kami pag tatagpuin at sa iisang lugar pa kami tsk!
Maatapos akong mag walk out kanina nandito ako sa bahay mas mabuti siguro kung umiwas muna ako at di sya makita kasi masyado akong nagulat sa nangyari kanina di talaga expected yun ng maganda nyong lola mga loyal readers! hihi.
So yun nga balik ulit tayo sa emote2xhihi. Yungb lalaking yun! nakuha pa nyang ntgumiti pagkatapos ng lahat! abat ang kapal din ng mukha nya no? Di man lang ba sya nahiya sa ganda ko? Char! Joke lang hihi. Sana naman bukas di na kami magkita.
Nasan ba si inay at parang di ako ginugulo ngayon? Ayst! baka tumambay na naman yun kasama mga gang nya tsk! itong si inay talaga mas inuuna pa talaga yung pag wal2x ya doon kes mag luto sa bahay anon po? anong oras na at wala pang nakahandang pagkain tsk!
Bumangon nalang ako at at pumaunta sa kusina para mag luto ng hapunan di ko namalayan 7pm na pala todo emote pa kasi eh!.
Matapos akong mag luto sakto namang dumating ang begatling kong inay!
"Anak andito kana pala? hihi buti naman at nakapag luto kana nagutom ako sa wrestling namin ni Josefina! Eh sinabihan ba naman akong talunan sa tong-its!" Naku tong si inay di na nasanay kay aling Josefina! Eh reyna kaya yun ng tong-its dito! Tsk!.
"Naku inay wal2x pa more kasi! Halos araw-araw naman siguro kayong nag rarambolan ni aling Josefina" Ako habang inaayos ang pagkain sa mesa.
"Ayst hihi! Eh sa ayaw din mag patalo ng babaeng yun. Oweeemjii!!! anak mukhang ang sarap nitong mga niluto mo ah! hihi" Si inay habang nag lalaway na parang asong ulol sa pagkain. Ewwness!
" Wag ka ngang mag laway inay kaderss! Kumain ka nalang kaya dyan".
Pagkatapos namin kumain umakyat na ako sa kwarto ko after tumae sa CR. Ewan ko ba dun mukhang expired na yata yung mga kinain namin? Last year pa yun nasa ref eh? Hmp! Never mind nalang hihi. At si inay? Di kop alam anong nangyari dun bigla nalang bumula yung bibig nya! Ano kaya trip ni inay ano? hihi
Nakahiga na ako at itong mata ko ayaw matulog at ito namang utak ko ayaw tumigil kakaisip nung kanina! Yung lalaki talaga na yun ininvadena nya utak ko! Gigil mo si ako eh. Bakit? Bakit ba hindi ko sya malimutan?Bakit ba sya parin ang laman ng puso at isip ko? Dati naman butiti lang laman nito eh! hihi Oo aaminin ko nung nakita ko sya ulit kanina bumalik lahat! Lahat ng nararamdaman ko para sa kanya! Akala ko ok na, Akala ko nakalimutan ko na talaga sya ang akala ko di nako masasaktan apag nagkita kami pero lahat ng iyon ay akala ko lang pala. Di man kami nagkalapit o naglausap kanina bumalik na lahat eh! isang beses palang naming kita at heto nanaman ako naalala ko tuloy yung mga salitang
~Flashback~
Masaya akong nag lalakad papunta sa lugar na mag mimeet kami ni Dwane at ngayon ko sana balak sagutin sya. Oo nililigawan nya ako kasi sabi nya natutunan na daw nya akong mahalin mag kaibigan talaga kami ni Dwayne noon at Oo noon palang alam kong nahulog na ako sa kanya.Mahal ko sya pero di ko yon sinabi sakanya kasi sa mga panahon din yun may nililigawan sya at di rin nag tagal naging sila. Sobra nga ang iyak ko nun eh kasi sobrang sakit kasi yung taong mahal na mahal mo may mahal ng iba at ang masakit pa doon eh! Ako pa ang naging tulay para mag katuluyan silang dalawa ni Amanda Del fier. Alam kong mahal na mahal nila ang isat isa kasi ang saya saya nila sa tuwing mag kasama sila habang ako andito nakatingin at nagtatago sa lihim kong pagmamahal kay Dwayne (Dwayne Brodie Sangster).
BINABASA MO ANG
The BAKIT? List
RomanceAndaming katanungan sa mundo na puro BAKIT? Aba malay ko! hihi! Echoss lang.. Maraming BAKIT? na mahirap sagutan lalo na sa pagibig..Bakit ba nag mamahal ang isang tao? Well siguro ang iba gusto lang may kaharutan.hihi pa experience lang daw!. Ang F...