The Bakit? list 4

12 1 0
                                    

Nandito na ako sa room namin at kasalukuyang nag didiscuss yung prof namin buti at wala masyadong pinapagawa samin.Himala din at hindi nag susurprise quiz tong kalbong prof namin tsk! Mukhang maganda ang mood ni prof hihi.

Matapos ang klase ko,nagpunta akong canteen para kumain dahil gutom narin ako at syempre dahil gutom ako inorder ko lahat ng paborito ko dito wahaha! Lafang na disss!.

Naghintay lang ako ng ilang minuto at dumating narin ang inorder ko.

"Teka! Asan ba si Jana at hindi man lang nag text sakin".

Nagsimula na akong kumain at saktong may tumabi sakin at alams na sino paba edi si Jana.Anong nakain ng babaeng to at malawak ang ngiti? O di kaya nalipasan ito ng gutom at tuluyan ng nabaliw? Tsk! Trip nitong si Jana diko maintindihan.

"Huy! Gaga na uulol kana ba? Ngiting-ngiti ka dyan?" Tanong ko sakanya.

"Wala no! Di ba pwede masaya lang? Dahil sadyang maganda lang talaga tong araw nato sakin?" Si Jana habang tumatawa. Hala? Ano kayang nangyari sakanya at ganyan sya kasaya? Nabutas na kaya sya? Ahihi!

"Alam mo Jana umorder ka nalang don at baka nalipasan kalang ng gutom! Tama na yan"

"Tsk! Cge na nga. Ingitera ka masyado!Hmp!"

Natatawa nalang ako dito kay Jana. Nagpapasalamat nga ako at naging mag bestfriend kami nito eh! Si Jana lang talaga ang nakakaalam lahat ng tungkol sakin pati nayunh past ko. Sakanya ako umiiyak noong mga panahong mas pinili ni Dwayne si Amanda Del Fier kesa sakin.Si Jana lang talaga yung nakinig at umintindi sakin.

Mayaman sila Jana dahil may negosyo yung pamilya nila at pati narin may sarili narin syang cafe at

Bumalik narin si Jana matapos syang mag order.Kumain lang kami at pumunta na nman sa next class namin.

"Uy Alam mo bang si Dwayne Brodie Sangster na ang bagong president ng CJM Company? Nasabi kasi sakin nila mama kagabi." Sabi sakin ni Jana.

"At ano naman ngayon kung sya ang bagong president sa kompanya nila? Para namang may pake ako no!"

"Alam mo Maria Kitania aka (Marikit) king si Dwayne na ang bagong president ng CJM ibig sabihin lang nun araw-araw na natin syang makikita!"

Bat hindi ko naisip yun? Juskoo naman marupok akong babae! Hihi. So ibig sabihin araw-araw ko syang makikita? At anong gagawin ko magtatago! Ano to? Gaguhan lang? Tagutaguan lang ang peg namin? Buti nga kong naghahabol sya sakin pero hindi eh! Masaya na sya sa buhay nya.

"Ah ganon ba? Edi masaya andaming matutuwang mga bigatling na empliyado don.hihi" Di ko nalang pinahalata kay Jana na nag aalala ako sa mangyayari sakin. Mga loyal readers kayo nalang bahala ano gagawin ko! Chat nyo nalang ako ha?

"Naman no! Sus! Para naman hindi ka matutuwa eh ikaw pa? ang landi mo kaya! Ahaha" Yung totoo kaybigan ko ba talaga tong si Jana.Lakas ng trip nya.

"Isa pa talaga Jana at ipapatapon na kita sa Marawi para ikaw ang gyerahin don" Ahihi.

"Ayssus! Para naman kaya mong ipatapon ako dun! Patawa ka gurl haha" Abat tumatawa pa ang gaga. Inirapan ko na ngalang sya.

Matapos ang klase namin nag pasama si Jana sakin mag mall dahil may bibilhin daw sya.Naglilibot lang kami at huminto ng may nakita si Jana na bibilhin nya. Nagpaiwan lang ako dahil masakit na paa ko kakalakad.Umupo ako sa may bench dahil di na talaga kaya ng paa ko.

Habanh nasa bench ako may tumabi sakin na familiar na babae. Dun ko lang napag tanto ng mapa tingin sya sakin at parang gulat pa.

"H-hey! H-How are you Kitania?" Nakangiting sabi sakin ni Amanda. Anong ginagawa nya dito? Wag mong sabihing magkasama sila ni Dwayne?.

The BAKIT? ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon