Matapos ang nangyari kanina. Ingat ako sa kung saan ako pumupunta dito sa kompanya at baka mamaya makasalubong ko pa si Dwayne! Chos!. At itong si Jana kanina pa ako kinukulit na mag kwento sa nangyari kanina lang.Syempre nagulat daw sya kung bakit ako hinila ni Dwayne Eh! hindi naman daw kami magkakilala. Tsk! kung alam mo lang Jana mababaliw ka .hihi. Naging kalandian ko lang naman si Dwayne noon.ahihi. Char! di ako malandi no.Hmp!
"Huy Marikit mag share ka naman. Naka One Night Stand mo ba sya noon? hihi" yung totoo? Kaibigan ko ba talaga tong Jana at Ginawa pa akong bayarang babae.
"Gaga! Syempre hindi. Ikaw baka may makarinig satin dito. Sabihin pa na wala tayong ginagawa dito kundi mag chika."
"Sorry naman no? Nagtatanong lang naman ako sayo ayaw mo naman mag kwento" Sa totoo lang na guiguilty ako kay Jana kasi may mga sekreto akong hindi nasasabi sakanya tulad nalang ng sa amin ni Dwayne noon. Sasabihin ko naman sa kanya pero wag muna ngayon siguro pag tapos na kami mag OJT. Chos! Basta sasabihin ko rin sakanya.
Napagod ako buong mag hapon kasi maraming pinapagawa samin. Ng out na kami agad akong umuwi kasi gusto ko nang humilata sa kama ko. Nakauwi ako sa bahay ng 6:30 pm at naabutan ko si inay na nagluluto. Buti naman at nag luto tong si inay dahil gutom narin ako.
"Nay himala ata at hindi ka napasabak sa bugbogan ngayon?" tanong ko kay inay.
"Na tokhang kasi si Josefina kanina. Buti at hindi pinatay yung babaeng yun at dinala lang sa presinto. Kaya wala muna akong sched ng away ngayon hihi!" Si inay habang halatang tuwang-tuwa na natokhang si aling Josefina. May pagka adik din kasi yun. Tsk! kung kailan tumanda saka pa nag adik.
"Buti naman at hindi ka na tokhang inay? hihi"
"Bigatling lang ako pero di ako adik! Ungoy ka!" Ayan natawag pa akong ungoy ni inay hihi.
"Ayst! akala nagaadik ka inay eh. Sayang"
"Alam mo Marikit nangigigil na ako sayo! Bumili ka na ngalang ng flavored beer dahil masarap yun habang kumakain ng Chicken wings." Lumiwanag naman ang mata ko hihi. Gustong gusto ko talaga kumain ng Chicken wings habang umiinom ng beer. Ang sarap. hihi.
" Ah asan yung pera nay? para makabili na ako" ngumisi lang sa inay na parang ulol.
" Alam mo kasi anak na pusta ko yung pero ko kanina kaya pwede bang pera mo nalang ang ipambili?hihi.
Sarap din iuntog nitong si inay ang lakas maka utos wala nmang pera pambili.
"May bago paba inay? palagi naman eh! hihi"
" Cge na nak! bilisan mo at excited na akong kumain ahihi"
Lumabas na akong bahay at nagtungo sa 7/11 na malapit dito. Bumili ako ng limang bote ng flavored beer ahihi. Ng makapag bayad na ako lalabas na sana ako ng biglang may nabanga ako. Buti at di ko nabitawan yung supot na may lamang beer dahil masusuntok ko talaga tong bumanga sakin.
Tumingin ako sa lalaking nakatalikod sakin. Parang familiar to? Laking gulat ko ng lumingon sya sakin at nakita ang kabuoan nyang mukha. Anong ginagawa ni Dwayne dito?
"I'm sorry" at nakangitin pa talaga sya. So sinasadya talaga yon.
"Alam kong sinadya mo na banggain ako. Bakit anong kailangan mo?" Sarkastiko kong sabi sa kanya. Ngumiti na naman sya ng nakakaloko talagang sinusubukan nya ako ha!
"Ang hirap maging maganda andaming sumusunod. Tsk!" parinig ko sakanya.
"Wala. masama bang sundan ka?" Nakangiti parin sya. Naku yang mga ngiting yan ang dahilan kung bakit ko sya minahal.
"Tsk! bahala ka. Gutom ako ngayon baka di kita matantsa."
"Para namang kaya mo akong suntukin. Alam kong mahal mo ako kaya di mo magagawa sakin yan." Nakangiti nyang sabi. Tama nga naman sya dun. Mahal ko parin sya pero dapat di ako pahalata. Dalagang pilipina marikit dalagang pilipina.
BINABASA MO ANG
The BAKIT? List
RomanceAndaming katanungan sa mundo na puro BAKIT? Aba malay ko! hihi! Echoss lang.. Maraming BAKIT? na mahirap sagutan lalo na sa pagibig..Bakit ba nag mamahal ang isang tao? Well siguro ang iba gusto lang may kaharutan.hihi pa experience lang daw!. Ang F...