"Oh my gosh! Malapit na akong ma-late!" Sigaw ko nang makita ko ang malaking digital clock sa entrance ng university.
Kainis! Tinanghali kasi ako ng gising, eh.
Isa pa tong mga librong 'to! Sino ba naman kasing matinong prof ang magpapadala sa estudyante niya ng pitong libro? Oh, let me rephrase that. Sino ba naman kasing matinong prof ang magpapadala sa estudyante niya ng PITONG MAKAKAPAL NA LIBRO?! Like duh! As if kaya naming basahin to in just one day! Psh.
Bzzzt. Bzzzt. Bzzzt.
May tumatawag pa. Haggard! Paano ko sasagutin 'to kung hawak ko ang pitong libro ko habang tumatakbo?
Bzzzt. Bzzzt. Bzzzt.
"Oo na, oo na! Ito na!" Naiinis kong sabi nang hindi pa rin tumigil ang pagvibrate ng phone ko.
Huminto muna ko sa pagtakbo at hinawakan ko ang mga libro ko ng isang kamay. Tapos kinuha ko na ang cellphone ko sa bag at sinagot ang tawag kahit hindi ko pa nakikita kung sino ang tumatawag.
"Hello?!" Singhal ko sa kung sino mang nasa kabilang linya.
"My Boo is PMS-ing." Napalitan ng kilig ang init ng ulo ko nang marinig ang boses niya. "May problema ba?"
Kakagising lang siguro nito.
"Ikaw kasi, eh! Malapit na kong ma-late dahil sayo. Pinuyat mo ko."
Narinig ko siyang tumawa ng mahina. Ang sarap talagang pakinggan ng tawa nito, nakakatanggal bad vibes.
"Ano na naman ba ang ginawa ko?" Ganun? Kunwari walang alam?
"Tse! Alam ko namang sinadya mo kong tawagan at kausapin hanggang 4 am. Palibhasa mamayang 2 pa pasok mo. Ang laki tuloy ng eyebags ko."
Tumawa na naman siya.
Tsk! Ginagawa ako nitong clown eh. Pasalamat siya mahal ko siya.
"Sorry. Okay lang yan Boo, maganda ka parin naman kahit mukha kang puyat."
Err. Enebeeer!
"Talaga? Sige na nga, pinapatawad na kita." Oo na! Ako na uto-uto. "Nga pala Boo, bakit ka napatawag?"
"Ah, kasi yayain sana kitang mag lunch mamaya. Okay lang ba? Bayad na rin sa pangpupuyat ko sayo."
Sus yun lang pala.
"Oo naman. Sunduin mo nalang ako mamayang 11:30. Saka, pwede ko bang isama si Cheyene?"
Ilang Segundo ang lumipas pero hindi ko narinig ang sagot niya.
"Uy! Sasama ko si Cheyene, ah?"
"S-Sige, isama mo." Ngumiti ako. Close din talaga sila ng best friend ko. "Nga pala Boo."
"Yep?"
"Late ka na."
Shoot. Oo nga pala! Terror pa naman ang prof ko sa first subject.
"Boo, mamaya ka na nga tumawag. Tsk! Babye na." Narinig ko pa siyang tumawa bago ko tuluyang tapusin ang call. Nilagay ko na ang cellphone ko sa bag ko at tumakbo ulit habang hawak ko ang pitong libro.
Tsk. Sa sobrang kapal ng mga librong 'to, di ko na tuloy makita ang daan. Pero takbo lang, Fhara! Malay mo wala pa dun ang prof mo?
BLAG!
"Ouch!"
"Awts."
"Oh my gee! What did you do to my uniform?"
BINABASA MO ANG
Revenge Of A Gangster
AcciónMythical Gang was a well known gang in G Society- a place for gangsters. It was led by Athena, entitled as gangsters' princess because of her skills in fighting. But the gang was disbanded because Athena fell in love with another gangster named Knif...