Fhara's POV
"Good Morning, Fhara!" Bati sakin ni Cheyene pagdating ko sa school. Nandoon siya sa gate ng VIU at hinihintay ako. Madalas kaming ganun, naghihintayan sa isa't isa, pero kapag malapit ng mag bell at wala pa ang isa, okay lang na pumasok na ang isa.
"Good Morning din, Cheyene!" Masayang bati ko rin sa kanya.
"Kamusta ka na? Okay ka na ba? Ano ba nangyari sayo kahapon?" Nag aalalang tanong niya sakin.
"Wala yun. Huwag ka ng mag-alala, okay na ko. Sorry nga pala sa inasal ko kahapon, ha?" Nginitian niya lang ako.
"Okay lang yun. I understand." Ngumiti siya. "Buti nga umalis ka na agad, eh."
Sobrang hina ng pagkakasabi niya sa huli kaya hindi ko naintindihan.
"Anong sabi mo? Hindi ko narinig, eh."
"H-ha? Sabi ko buti naman at okay ka na." Tapos ngumiti siya. Parang di naman yun ang sinabi niya. "Pasok na tayo?"
Tumango nalang ako at pumasok na kami.
Pagdating namin sa room, nakita namin na nag-uuwian na ang mga kaklase namin. Tinawag ko ang isang kaklase namin.
"Catlene!" Di yata ako narinig kaya inulitt ko ang pagtawag sa kanya. "Catlene!"
Lumingon siya. Narinig din ako.
"Tawag niyo ko? Bakit?" Tanong niya.
"Bakit kayo aalis sa room? Malapit ng mag-time, ah?"
"Nag-announce kasi si Directress na wala daw pasok ngayon kasi may emergency meeting ang mga prof."
"Talaga? Yes!" Natutuwa kong sabi.
"Sige, dito na ko ha? Hinihintay na kasi ako ni Dave."
Si Dave yata ang boyfriend niya. Gangster din ata yun, eh.
"Bakit? Wala rin bang pasok ang mga taga-Yukusai?" Tanong ni Cheyene.
"May program sa kanila. Pwede mga outsiders." Actually, pwede naman talaga anytime pumasok ang outsiders dun basta may backer kang malakas, lalo na kung babae ka.
"Ganun ba? Fhara, punta tayong Yukusai? Dalawin natin si Ryle... lei." Sabi ni Cheyene. "Sige, tara!" Paalis na sana kami kaso biglang tinawag si Cheyene ng isang kaklase namin.
"Cheyene! Saan ka na naman ba pupunta? Ang project na hinihingi ni Prof. Heronilla di pa natin naibibigay. Bukas na niya kailangan yun! Tsk. May topak pa naman ung prof na yun. Gawin na natin ngayon." Sabi ni Eliza.
"Ngayon na? Hindi ako pwede ngayon!"
"Bakit naman? Kailangan natin yun gawin ngayon kasi ngayon lang ang free time natin. Tara na!" Hinila naman siya ni Teresa. Tumingin sakin si Cheyene na parang nag-iisip. Haay, alam ko na iniisip nito!
"Okay lang ako, Cheyene, sumama ka na sa kanila. Patay kayo kay prof kapag hindi kayo nakapagpasa bukas. Itutuloy nalang namin ang date namin ni Railei na hindi namin nagawa kahapon." Biglang kumunot ang noo ni Cheyene.
"No, hindi pwede!" Nagulat kami sa pagsigaw ni Cheyene. Nahalata niya naman yata yun. "I m-mean... ano... H-hindi ka pwedeng p-pumunta dun mag-isa. Alam mo naman ang Yukusai, diba? Puro gangsters yun!" Explain niya.
"Akala ko naman kung ano na! Ano ka ba, parang first time ko namang pupunta dun. Kaya ko na to! Sumama ka na sa kanila." Tapos tinulak ko na siya papunta kila Eliza at Teresa. "Bye!"
"P-pero..." Narinig ko pang sabi niya. "Aish! Kasi naman kayo, eh!"
Natawa nalang ako. Malamang nasinghalan niya na naman ang dalawa. Kawawa naman.
***
Pagdating ko sa Yukusai, pinagtinginan ako ng mga tao. Ikaw ba naman kasi ang makakita ng babae na naglalakad mag-isa sa school ng mga gangsters. Kung meron mang mga babae dito, mga gangsters din sila na nag-aaral dito o hindi naman kaya, mga kasama ng ibang gangs. Pero kilala naman nila ako na girlfriend nga ni Railei.
Ang gang kasi ni Railei na Death Gang ay hindi basta basta. Isa sila sa Top 10 na kilalang gangs dito sa Cavite. At siya ang leader nila! Galing ng Boo ko, no? 7 silang member ng Death Gang. Kaya dito sa Yukusai, isa sila sa mga nirerespeto, at siyempre kasabay nun ang pagrespeto sa girlfriends nila. Swerte ko talaga sa Boo ko.
Maya-maya pa ay nakarating din ako sa room nila. Sure akong nandun siya kasi hindi naman yun makikisali sa mga program na ganito, Foundation Day yata nila ngayon.
Nakasarado ang room nila pagdating ko pero alam kong may tao sa loob kasi may naririnig akong nag-uusap. Pinakinggan ko muna kung sila nga kasi baka hindi pala sila yun, bigla akong pumasok, nakakahiya.
"Ibig sabihin ba nun Bro... " Kung di ako nagkakamali boses yata yun ni Bullet, member ni Rai.
"Oo." Boses yun ni Boo! Sila nga 'to! Hinawakan ko na ang doorknob.
"Gago ka, Knife! Hahaha! Paano na niyan si--" Binuksan ko na ang pinto at lahat sila napatingin sakin na parang gulat na gulat. "Fhara..." Sabi ni Chain na halos pasukan na ng langaw ang bunganga.
"Hello!" Hindi pa rin sila nagsasalita. "May... problema ba?"
Mula sa pagkbigla, napalitan ng galit ang emosyon ni Railei.
"Kanina ka pa dyan?" Umiling ako. "Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo rito?"
Lumapit siya sakin.
"Bakit?" Mas lalong kumunot ang noo niya.
"Sagutin mo nalang ako!" Nagulat ako sa ginawa niyang pagsigaw. Nahalata niya rin yata yun. "I'm sorry, ayoko kasing may nakikinig sa usapan namin."
Yumuko ako, hindi pa rin ako makaget-over sa sigaw niya. This is the first time he raised his voice on me.
"No, its okay. Mali yata ang timing ko sa pagpunta." Pagkasabi noon ay tumakbo na ako paalis pero nainis pa ko lalo kasi hindi man lang siya nag-effort na habulin ako.
Railei Kim, ano bangnangyayari sayo? Ano bang dapat kongmalaman? Bakit nitong mga nakaraang araw, pakiramdam ko, lumalayo ka na sakin?
BINABASA MO ANG
Revenge Of A Gangster
AksiMythical Gang was a well known gang in G Society- a place for gangsters. It was led by Athena, entitled as gangsters' princess because of her skills in fighting. But the gang was disbanded because Athena fell in love with another gangster named Knif...