Chapter 4: Mother's Death

12.2K 310 16
                                    


Fhara's POV

Nandito na muli ako sa condo unit ko at pinipilit ang sariling matulog pero sa dami ng laman ng isip ko ngayon, I doubt kung makatulog ako ng maayos.

Habang nakahiga, muli na namang bumalik sa isip ko ang mga sinabi ng ama ko kanina.

Psh.

Seryoso ba siya? Gusto niyang hawakan ko ang kompanyang yun? Nagpapatawa siya.

I will never handle that company, nor even take one step inside. I despise it.

Napapikit nalang ako habang inaalala ang mga nangyari 5 years ago. I was only 14 years old back then.

(Flashback)

"Ma! Tapos na kaming magtraining ni Papa!" Masayang ko balita ko kay Mama.

"Tapos na kayo? Aba, ang bilis niyong matapos ngayon, ah!? Sabi ni Mama. Bigla namang lumabas si Papa galing sa Training Room habang pinupuNasaan niya ang pawis niya.

"Eh ang galing na kasi ng anak natin. Parang okay na nga kahit hindi na siya turuan." Sabi ni Papa.

"Talaga, Honey?" Natutuwang sabi ni Mama kay Papa. "Saan pa ba magmamana yan? Siyempre sa Mama niya!" Sabi ni Mama at kinindatan ako. Gangster din kasi dati si Mama.

"Mali ka, Honey, sa Papa niya siya nagmana ng galing pero sayo siya nagmana ng ganda." Nagtawanan nalang kaming tatlo sa sinabi ni Papa.

"Sige na nga. Di naman ako mananalo, eh. Pero Fhara, proud talaga si Mama sayo." Niyakap ako ni Mama.

"Pati si Papa, proud sayo!" Tapos niyakap din ako ni Papa. "Ang galing galing talaga ng anak namin!"

Tuwang-tuwa talaga ako pag pinupuri ako nila Papa. Mas lalo tuloy akong ginaganahang mag training pa.

"Siyempre po! Magagaling mga pinagmanahan ko, eh! Saka kailangan ko pong galingan kasi ako ang hahawak ng Kurunawa. Diba Papa?" Ngumiti naman si Papa.

"Wala ng iba, Fhara." Tapos ginulo ni Papa ang buhok ko.

"Oh tama na yan. Honey, maligo ka na. Papasok ka pa diba?" Tumango naman si Papa at pumunta na sa CR.

"Mama, pupunta lang po ako kila Tara. Babye!" Hinalikan ko sa pisngi si Mama at lumakad na papunta kila Tara.

Si Tara ang best friend ko. Actually, sinunod nga lang ang pangalan ko sa kanya kasi magbest friends at gangmates ang mama niya at si Mama. Tapos nung nanganak si Tita kay Tara, isang buwan lang ang nakalipas, pinanganak na rin ako ni Mama. Galing, no?

Dahil malapit lang naman ang bahay naming kila Tara, nakarating agad ako sa kanila.

Pagkapasok ko sa gate nila, nakita ko agad si Bryan. Siya ang pinsan ni Tara. Kasing edad lang din namin siya. Nasa ibang bansa ang parents niya kaya kila Tara siya nananatili.

"Hi, Bryan!" Bati ko sa kanya.

Kausap niya ngayon sa garden nila ang bestfriend niyang lalaki at ang girlfriend niya kaya naisipan kong batiin na rin sila.

"Hello rin sa inyong dalawa!" Ngumiti lang sila sakin. Usually, hindi ako bumabati sa mga hindi ko close pero dahil madalas ko naman din silang makita dito sa bahay nila Bryan, binati ko na rin sila.

"Si Tara nasa kwarto niya, kanina ka pa hinihintay." Ngumiti nalang din ako sa kanya at pumunta na sa kwarto ni Tara. Feel at home na ko sa bahay nila kasi simula yata pinanganak ako, tinuring ko na 'to na pangalawang bahay ko.

Nang makita kong bukas ang pinto sa kwarto ni Tara, pumasok na ko agad. Nakita ko siyang may hawak na binocular at may sinisilip sa labas ng bintana niya.

Revenge Of A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon