Fhara's POV
Pagtapos ng nangyari kanina ay dumiretso agad ako dito sa condo unit ko. Hindi ko mapigilang mapangiti ng mapait habang inaalala ang naramdaman ko kanina.
Dalawang taon.
Dalawang taon ko ng iniiwasan at pinipilit kalimutan ang pakiramdam na yun pero dahil lang pala sa isang maliit na away ay mararamdaman ko na naman ito. Mararamdaman ko na naman ang pakiramdam na parang gustong-gusto mong makakita ng dugo ng ibang tao. At gusto mo lalabas ang mga dugong yun sa pamamagitan lang ng kamay mo.
Kung hindi pa dumating si Railei kanina, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa mga babaeng 'yun.
Haaay.
Bakit pakiramdam ko may mangyayari? Pakiramdam ko—
Kring. Kring. Kring.
Natigil ang pag-iisip ko nang tumunog ang telepono ko. Agad ko itong pinuntahan at sinagot.
"Hello. Who's this?"
"Lady Fhara, si Crane po ito."
Crane. Ang assistant ng magaling kong ama. Tss.
"Anong kailangan mo?" Malamig kong tanong rito.
"Pinapapunta po kayo ni Mr. Kurunawa sa mansion." Kumunot ang noo ko pagkarinig ng sinabi ni Crane.
Bumalik na pala siya? Ano kayang kailangan niya? Ilang taon na rin ang lumipas mula nung huli naming pagkikita at kung ako ang tatanungin, hindi ko na siya gustong makita ulit.
"Lady Fhara?" Naputol ang pag-iisip ko nang maaalalang kausap ko pa pala si Crane.
Pero na-curious ako sa biglaan niyang pagpapatawag sakin kaya naman...
"Sige. Papunta na ako." At ibinababa ko na ang telepono.
***
"Good afternoon, Lady Fhara." Sinalubong ako ng isang dosenang katulong pagdating ko sa mansion.
Hindi ko sila pinansin. Tinitigan ko lang ang buong mansion. Ilang taon na nga ba simula nung huling tapak ko dito? 5 years, I think?
Tama. 5 years na nga palang patay si Mama.
"Lady Fhara, nasa study room po ang inyong ama. Maari na po kayong pumunta doon." Tumango nalang ako kay Crane.
Tignan mo 'tong si Crane, akala mo talaga matinong tao. Aalis na sana siya pero naisip kong magtanong.
"Crane, ilan na nga ba ang napatay mo?" Halata mong nagulat siya sa tanong ko. May kagulat-gulat ba dun?
"Lady Fhara, bakit niyo naman po naitanong?" Nginitian ko nalang siya.
"Nevermind."
Pumunta na ko sa study room ng magaling kong ama. Huminga muna ko ng malalim bago ko buksan ang pinto.
"Fhara."
Tinignan ko siya. Ang laki na ng pinagbago niya. Hindi ko alam na pwede pala siyang maging ganyan sa limang taon lang. Ang dating malaman niyang katawan, ngayon ay sobrang payat na. Nakasalamin na din siya pero di pa rin nawawala ang authority sa mukha niya.
"Bumalik ka na pala." Umupo ako sa upuan na kaharap niya. May table sa pagitan namin.
"Did you miss me?" Tanong nito pagtapos ay ngumisi. Tinitigan ko naman siya at tinaasan ng kilay.
"Dream on. Ano bang kailangan mo? Sabihin mo na dahil may gagawin pa ko." Ngumiti lang siya sa sinabi ko tapos parang nag-isip at maya-maya ay tinitigan ako.
"Mukhang napaaway ka, ah." Umiwas ako ng tingin. "Kaya hindi ako naniniwala nung sinabi nila sakin na nagbago ka na daw."
Binalik ko ang tingin ko sa kanya. "What do you mean?"
"Fhara, wala man ako dito pero may mga taong nagbabalita sakin sa mga nangyayari sayo." Bahagya siyang natawa. "Sabi nila sakin nagbago ka na daw. Hindi ko tuloy mapigilang tawanan sila."
"I did change." Seryoso kong sabi sa kanya pero umiling siya.
"Some people may change, Fhara, but not you. Pinanganak ka ng ganyan, sinanay ka para manatiling ganyan, at mamamatay kang ganyan."
Tinitigan ko siya ng masama.
"Talaga? Pero hindi mo ba nakikita? Nagbago na ko."
Mas lalong lumawak ang pagkakangiti nito nang mapansin ang pagkainis ko. Hindi pa ito nakuntento at tumayo saka marahang inilapit ang mukha sa kanang tainga ko.
"Oo nga. Nagbago na yang mga damit mo, yang style mo, yang itsura mo. Iisipin ng lahat ng taong makakita sayo na ikaw ay isang simpleng tao. Pero hindi ako Fhara, hindi ang ama mo na alam at kilala Yung totoong ikaw." He whispered that in my ear.
BLAG!
Pinalo ko ang table niya at tumayo. Hinawakan ko ng mahigpit ang kwelyo ng polo niya pero nanatili pa rin ang ngiti sa labi nito.
"Ano bang gusto mo? Sabihin mo na bago pa kita mapatay." Ngumisi siya.
"Ganyan nga, Fhara. Yan Yung totoong ikaw. Why be fake when being true takes no effort?" Lalo lang akong nainis sa sinabi niya kaya binitawan ko na siya at tumalikod na.
"Aalis na ko." Lalakad na sana ko pero bigla siyang nagsalita.
"Gusto kong pamunuan mo ang Kurunawa Clan."
Ano daw? Ako naman ngayon ang bahagyang tumawa.
"Nagpapatawa ka ba? Bakit ko naman pamumunuan ang pinakamamahal mong negosyo at dahilan ng pagkamatay ni Mama?" Humarap ulit ako sa kanya.
Hindi siya sumagot at tinitigan lang ako pero iba ang titig niya ngayon, parang may kasama na itong pagmamakaawa.
"Bakit?" Pag-uulit ko.
"Look. I have this bullshit kidney cancer... and I'm dying." Nabigla ako sa sinabi niya pero hindi ko iyon masyadong ipinahalata. "Binigyan na ko ng taning ng doktor. Isang taon. Isang taon nalang ang ilalagi ko sa mundong ito. Isang taon nalang pero sapat na yun para maituro ko sayo ang mga dapat mong malaman tungkol sa Kurunawa Clan."
Oo nga at nakakabigla ang sinabi niyang mamamatay na siya, at kahit galit ako sa kanya dahil sa pagkamatay ni Mama, ama ko pa rin siya at may part sakin na nasaktan nung nalaman ko ang kalagayan niya, pero hindi sapat yun para hawakan ko ang kompanyang iyon.
"Wala akong pakialam. Sa inyo na yang kompanya na yan."
Napansin kong nalungkot siya sa sinabi ko.
Psh. Dapat alam niya na na ganyan ang isasagot ko.
"Pero Fhara, sinanay kita para balang-araw ikaw na ang humawak sa kompanya." Ngumiti lang ako at umiling.
"Sana hindi mo nalang ako sinanay." Sabi ko at tinalikuran na siya.
"Fhara! Ibibigay ko ang kompanya kay Crane kung hindi mo kukunin!"
Pananakot ba yan? Psh.
"Better." And with that, lumabas na ko ng study room.
"Lumabas ka na diyan." Sabi ko sa nang maisarado ko ang pinto. Wala pang ilang segundo ay lumabas na si Crane sa may katabing pinto ng study room.
"Malakas pa rin ang pakiramdam mo, ah." Nakangiting sabi niya sakin.
Kung iniisip niyong matanda na si Crane, nagkakamali kayo. Siguro mga nasa 26 or 25 palang siya.
"Sa susunod na mag usap kami ng amo mo, isasama na kita sa loob para naman di ka na mahirapang makinig sa labas." Sabi ko at ngumisi. Hindi naman ito sumagot at tinitigan lang ako ng masama. "By the way, congrats! Mukhang sayo na mapupunta ang inaasam-asam mong Kurunawa."
Mas lalong lumutang ang pagkainis sa mukha ni Crane at alam kong matindong effort ang binibigay nito para maiwasang sagutin ako. Well, he must. After all, I'm still the daughter of his boss.
BINABASA MO ANG
Revenge Of A Gangster
AcciónMythical Gang was a well known gang in G Society- a place for gangsters. It was led by Athena, entitled as gangsters' princess because of her skills in fighting. But the gang was disbanded because Athena fell in love with another gangster named Knif...