Chapter 3

682 13 0
                                    

Mukhang tanga.

Sigurado akong mukha akong tanga ngayon sa paningin ng mga taong nakakakita sa akin. Sa laki ba naman ng ngiti ko. Kulang na nga lang batiin ko lahat ng makaka salubong ko, pero alam ko namang Hindi ako yun.

"Jho!!!!!" Tawag mula sa likuran ko. Agad ko naman itong nilingon para makitang tinatawag ako ng MIA kong batchmate.

"Yes?" Ngiting ngiti kong tanong sa kanya. Tiningnan niya ako na parang nahihibang na ako.

"What's the meaning of that smile?" Agaran niyang tanong.

"Wala" then I smiled again.

"Ako! wag mo akong ine-echos echos Jhoanna Louisse! Baka masapak kita." I laughed with her tone.

"You don't have to know beh. Its for me to know and for you to find out." I giggled.

"Ang landi! Uy nga pala dinner date daw tayo bukas! Birthday ni Ged." She said. Si Ged ay matalik namin na kaibigan ni Marge.

"G! San?" Sayang naman yung pa-foods ng espasol na yun diba.

"Sunduin ka na lang namin bukas sa dorm." She said.

Agad din naman niya akong iniwan dahil may klase pa daw siya. At sasabunin niya rin daw akong ng tanong kapag nag ka oras siya. Dahil matagal  na siyang walang alam sa ganap ng buhay ko. 

"Hi negz!" Gulat ko pa ng bigla biglang sumulpot si Rex sa tabi.

"Gg ka! Anong negs? Gusto mo ispike ko yang makapal mong mukha?"

"Oh easy hot babe! Literal na hot dahil sunog ang balat mo." Then he laughed. Pinaghahampas ko naman siya ng dala kong folder.

"A-aray! ---jho-- fuck"

"Ayan ng magtino ka! FYI INTAL Hindi ako sunog brown ako! Brown!" I said while giving him a death glare.

"Ok! Fine. Sabay na lang tayo mag lunch!" Inakbayan niya ako na para na ring sinasakal pagkatapos ay ginugulo pa yung buhok ko. Abnormal talaga tong si Rex.

Sinikmuraan ko na lang nga. Nagreklamo naman siya sa sakit. Pinagtitinginan naman kami ng mga tao, yung iba ay pasimple pa kaming kinukuhaan ng litrato. Yung iba naman ay harap harapan na, yung iba may flash pa. Anuna bes!?

Pilit kong tinanggal yung kamay ni Rex kaso lang masyado siyang malakas para magawa ko yun. Napansin niya sigurong Hindi ako mapakali dahil sa mga kumukuha ng litrato kaya mas lalo niyang nilapit yung mukha niya sa akin.

"Don't mind them." Bulong niya. At naamoy ko ang hininga niya. Gago ang bango. Stop Jho. Wag mong purihin yung gago na to.

Kasalukuyan kaming kumakain ngayon.

"Alam mo Jho ang baboy mo, Hindi ka ba nahihiya may kasama kang gwapo?" Muntik na akong mabulunan dahil sa sinabi niyang iyon buti na lang at nakainom ako agad ng tubig.

"Gusto mo tusukin ko ng tinidor yang mga mata mo? Tapos hiwain ko yang dila mo?" Mukha naman siyang sukang suka sa sinabi ko.

"Kadiri. As if naman kaya mong gawin yun" at nangiting aso siya sa harapan ko. Kung Hindi lang to gago malamang straight pa rin ako.

"Don't try me Intal." I said. Bago ipinagpatuloy ang pagkain.

"Sabi ko nga tatahimik na. Kamusta ka na batchy?" Seryoso niyang tanong. Bipolar talaga.

"Ang bakla ng batchy ah hahaha. OK lang ako, ikaw naka moved on ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

He shook his head. Then smiled sadly. Kawawang nilalang. Kahit gago marunong din magseryoso.

Let me Be The One (JhoBea)Where stories live. Discover now