Kabanata 1

23 1 7
                                    

                          Pain.

Yumanig. Teka, yumanig?! Agad kong minulat ang aking mga mata. Nanlalabo pa ang paningin ko. Pinilit kong mai-tayo ang sarili sa kama, kaso parang may naiipit sa likod ko. "Sakit!" napakamot ako sa aking ulo. Nang nakakakita na ako ng maayos ay kinuha ko ang aking salamin sa mata sa lamesitang katabi ko na. Nagulat ako sa nagdarambong ingay mula sa hagdanan.

"Ayan na nga ba sinasabi ko eh!" bulyaw ni kuya pagkapasok sa pintuan ng kwarto. Ano nanaman ba nagawa ko? Tumuturo siya sa aking pinaghihigaan.

"A-akala ko may lindol." mahina kong sinabi. Napatakip na lamang ako sa aking mukha.

Si ate ay nagising dahil sa ingay na dala ng nakakaasar kong kuya. Sinigawan niya rin si kuya, "Ang ingay mo, kainis ka!" sabay bato ng mga unan sa mukha nito. Binabato naman ito pabalik sa kanya.

"Ewan ko sa inyong dalawa!" inaangat ko paunti-unti ang aking likod ngunit hindi ko magawa.

Sinilip ako ni ate, "Anong g-ginagawa mo diyan?" nagtataka niyang tinanong sa akin. Halata ko sa kanyang mukha na nagpipigil siyang matawa.

Umirap ako sa kanya't tumingin rin kay kuya. At ayun na nga, tinatawanan nila ako. "Tulungan niyo kaya ako diba?" iritado kong sinabi.

"Sa susunod kasi Panyang, huwag ka na makikitulog dito kay Hiya. Alam mo namang gumugulong ka pababa ng kama." banggit ni kuya habang inaalalayan nila akong tumayo. Hinaplos ni ate yung masakit na parte sa aking likuran. "May pasa ka nanaman sa likod." aniya.

"Whatever." nakakunot ang aking noo habang palabas ng kwarto ni ate. Dumiretso ako sa aking kwarto at nag-ayos ng sarili. Pagkatapos ay pumunta na ako sa hapagkainan namin. Nang makita ko ang ulam ay naghugas na ako ng kamay at may nadinig kami ni ate na tunog.

"Ano yun?" tanong ni Hiya.

Napatingin ako kay kuya. Tinakpan ko ang aking bibig dahil natatawa talaga ako. "Mukhang tiyan ni Bry." sabi ko at tinapik ako ni kuya, "Kain na, baka magaya ka pa sa akin." ani habang tumatawa.

                       *****

Nasa isang café kami ngayon, malapit sa pinagpapraktisan naming basketball court. Minamasid ko ang mga dekorasyon nito. May mga ilaw na nakasabit paikot sa hagdanan sa loob. Ang mga upuan ay napakalambot at maganda ang kulay maroon nito na terno sa kulay dilaw at berdeng pader. Yung mga tao naman dito mukhang busy. Eh paano ba naman, may mga laptop na dala ang mga nakikita kong nakaupo naman sa mga highchair dito. Hindi yung pang-baby. Tinignan ko ang menu na hawak ko. Puro cheesecakes, muffins, frappé at iba pang dessert.

"Nako pre. Kung naghahanap ka ng ulam, sa carinderia ka pumunta, huwag dito."

Tinignan ko siya, "Sira ka ba Trys? Naghahanap ako ng magugustuhan ko." napakamot ako sa ulo.

Ang hirap naman kasi pumili. Naka-pokus ako sa mga inumin nilang tinda. "Kuya." hindi ko pinansin, hirap akong pumili ng oorderin eh.

"Isn't she the girl we met at the park the other day?" napatingin ako kay Harmony. Nakaturo siya doon sa babaeng may kausap sa cellphone. Naka-pusod ang buhok nito, naka-salamin, may white na cropped top at skinny jeans.

"Baka daw ayun magustuhan mo." singit ni Zaire sabay tawa. Umirap ako sa kanya. Bumalik ng tingin kay Harmony, "I don't think so." at namili ako ulit ng makakain.

Lumapit ako sa cashier at nag-order na kami. Nilapag ko sa mesa ang mga pinili namin. May mga tinapay at frappucino. Huli kong inalis sa tray ay isang basong tubig. "Teka, sinong umorder ng tubig?" tanong ko sa mga kasama.

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon