"Jo."
"Ano nanaman yon?" reklamo ko. Kanina pa ako kinukulit nito eh. Nagpatuloy ako sa pagguhit ng isang larawan. Minsan lang ako gumawa ng ganito. Ang hilig ko talaga ay martial arts at basketball. Nagkataon lang na may nahalungkat akong papel sa mga gamit ko, hindi siya tapos pero mukhang larawan ng isang babae.
"Penge ako please." aniya ni Trystan. Anong hinihingi nito?
"Ha? Anong penge? Ng alin?"
"Pengeng talent." sabay kindat sa akin. Amputek. Tinitigan ko siya ng masama.
"Sira!" sabi ko at hinampas siya sa likod. "A-aray! Sakit nun ah." Ayan kase. Gulo mo eh.
"Halata, umaray ka nga diba?" pang-aasar ko sa kanya. Tinatapos ko na ang larawan. If-frame ko 'to mamaya.
Biglang dumating si Zaire at Kyan. Mukhang bumili nanaman ng pagkain. Dalawa-dalawa ang dalang plastic bag. Sinalubong sila ni Trys at dumiretso sa kusina.
Lumapit sakin si Kyan, "Anong trip nanaman yan tol?" sabi niya. Parehas lang talaga sila ni Trys. Hindi ako umimik, nagpatuloy lang ako at nang matapos ay kumuha ng picture frame sa kwarto.
"Ayan!" may galak kong sinabi. Nginingitian ko silang tatlo. Ang binalik lamang na mga mukha sa akin ay blanko. Umirap ako at tinititigan sila. "Grabe naman kayo, I feel the love talaga." Wala parin silang reaksyon, nakatingin lamang sila sa larawan na isinabit ko sa pader. Idol talaga nila ako.
"Pre, di kita idol ok? Wag ka feeler." biglang sabi ni Kyan. Potek, kung hindi lang ito matalino eh. Nakakabasa ng iniisip ng iba. Susmaryosep!
"Ewan ko sa'yo. Wala naman akong sinasa—" hindi ako natapos nang biglang sumingit si Zaire, "I-kain mo nalang pre. Gutom lang yan." at dumiretso sila sa lamesa. Ayos talaga 'tong mga mokong. Pinagmamasdan ko parin ang iginuhit ko. Hindi ko namamalayan ay may namumuong ngiti sa aking mga labi. May naaalala ako sa mukha nito. Pinipilit kong maisip kung sino siya, kung sino ang kamukha niya, kaso hindi ko magawa. Sumunod na lamang ako sa kanila.
May nakahandang pork steak, grilled beef at shrimp sa mesa. Presentable pa ang ayos nito. Nakatulala si Trys at Kyan, mukhang manghang-mangha sa nakahain sa harap nila. "Laway niyo." sabi ko at napahaplos sila sa bibig nila. Tinawanan namin ni Zaire ang dalawa at natawa din si Kyan. "Trys, may laway ka ngang tumulo oh." hirit ni Kyan sabay tumuro sa lamesa. Hinampas ni Trys ang katabi at kumuha na ng pagkain. "Bon appetíte!"
"Shet. Ang sarap nung pagkain. Tol, turuan mo ko ha?" sabi ni Trys kay Zaire. "Tinuruan na kita dati. Kamusta naman diba?" balik nito. "Sarap kaya ng uling." pang-aasar ni Kyan at nagsimula ang halakhakan.
*****
Nakahiga, nag-iisip, nag-aalala.. "Kamusta na kaya siya?" bulong ko sa sarili. Nilipat ko ang larawang iginuhit, ipinatong ito sa lamesitang nasa tabi ng aking kama. Pinagmamasdan ko parin ang mukha nito. "May kamukha ka talaga eh." banggit ko at pinipilit parin na maalala ang pangalan ng babaeng naiisip ko. Napakunot ako ng noo nang kumatok ang mga mokong sa pinto. Alas-onse na ng gabi, mang-iistorbo pa sila. Paulit-ulit silang kumakatok, wala na akong nagawa kundi tumayo at pagbuksan sila ng pinto.
"Hoy ano nanama—" Ñeta.
"Shet sorry pre." nagkoro nilang sinabi. Anong ginawa nila? Binato nila ako ng mga unan. Sumakto yung isa sa mukha ko, sa pader, at doon sa isang picture frame. Nabasag iyon, dali-dali akong kumuha ng walis at dustpan para alisin ang mga bubog na nagkalat. Tinulungan na rin nila ako sa paglinis. Nakita ko ang larawang naroon, biglang may nangingilid na luha ang namumuo sa mga mata ko. Ayoko, ayoko... Sinasabi ko sa aking sarili, ngunit hindi ko na mapigilang umiyak. "Pre." ani ng isa sa kanila. Hindi ko na alam kung sino ang nagsalita, nalulungkot ako ng sobra. "Iwan niyo muna ako, please lang." sabi ko at umalis na sila sa aking kwarto. Patuloy na tumulo ang aking luha. Hawak ko ang litrato...

BINABASA MO ANG
Destiny
General Fiction"Tinadhana.." Never ako naniwala sa tadhana, hindi rin naman ako naghahanap ng taong bubuo sa mga parteng nawala sa buhay ko. Pero dahil sa kanya at sa mga nangyayari, posible pala na kusa itong lalapit at hahanapin ka.