Jealous.
I feel so bored. Help.
Wala akong magawa magdamag. Puro kain, tulog at panunood ng tv lang. Mag-isa ako sa bahay ngayon. Hindi parin umuuwi sila dad sa company vacation nila with Bry and Hiya.Tumingin ako sa kalendaryo. It's the 15th of April. 3 days na ang nakalipas. Humiga ako agad sa aming sofa at binuksan ang tv at nilipat ang channel sa cartoons. Naalala ko ang sinabi ni Johann. Para kang bata. Natawa na lamang ako. Tinignan ko ang orasan. "11:30 na pala ng umaga." ani ko. Dumiretso ako sa kusina para magluto. I don't like cooking kasi it's not my forte. I really suck at it, kahit na dati ay gusto ko pa maging chef.
So balak kong magluto ng buttered shrimp at chicken. Ngumiti ako dahil sa paborito ko ang seafood. Kinuha ko ang mga sangkap na kailangan ko sa refrigerator at nilapag ang mga ito sa kitchen table. Napasimangot ako dahil buong manok ang meron. Inuna ko ang manok dahil ang alam ko ay mas matagal itong maluto. Kinuha ko ang chopping board sa mataas na shelf, pati na ang kutsilyo sa tabi ng lababo. Hinugasan ko na ito at nagsimulang hati-hatiin ito. Mas gusto ko ang leg part at thigh kaya eto lamang lulutuin ko. May tumutunog. Nagtaka ako at hinanap iyon. Nataranta ako at kanina pa tunog ng tunog ay hindi ko parin mahanap. Ang kutsilyong hawak ko'y tumama sa aking mga daliri't palad. Sh*t.
Nang makita ko na ay napakamot ako sa aking ulo. Phone ko lang pala. Bumuntong hininga ako. Tinignan ko agad ito at may tumatawag. Unknown number? Hinayaan ko na lamang iyon. May kumatok agad ng malakas sa pinto.
"Ay mga malaking tao!" sigaw ko nang magulat sa nasa harap ko. Napatakip ako sa aking bibig at nakita ko naman ay inirapan ako ng isa sa kanila.
"Hoy! Hindi ako malaki ah." sabi ng isa at tumawa ang iba. Si Trystan. Teka, bakit sila nandito?
"Ah. Si Johann nagyaya pumunta. Nagtataka lang kami bakit alam niya kung saan bahay niyo." napatingin ako bigla kay Kyan. Weird. Mind-reader?
"Miss ka na daw kasi ni—" natigil si Zaire nang takpan ni Johann ang bibig niya. "N-ni Harmony." banggit ni Johann at ngumiti sa akin.
Napatingin naman ako sa likod niya, doon ay may kumakaway na napaka-cute na bata. Gusto ko siyang yakapin. "Sinong yayakapin?" tanong ni Kyan na nasa tabi ko na agad.
"Ay yakapin ka!" nagulat ulit ako. Tinitigan ako nito, "A-ako? Yayakapin mo?" sabay turo sa sarili niya. Sumenyas siya ng yakap at nakangiti lamang sa akin.
"Asa ka." sabay naming sabi ni Johann at kinutusan niya si Kyan. Natawa lamang ang iba. Mga weirdo.
Nagtaka ako at biglang may sumigaw ng pangalan ko na lalo kong ikinagulat. "ESTEFANYA RAQUIEL ROSTANA NANDITO NA ME!"
Napasapo ako sa aking ulo. Ayan na si madaldal. "Anong me? Us kasi. Dalawa tayo diba?" aniya ng isa pa.
Madaldal at makulit tandem pala.
"S-sino sila?" tanong ni Vivienne at tumuro sa mga lalaki. "Atsaka, ano yan? Anong nangyari?" banggit pa niya at tumuro naman sa aking kanang kamay. Nanlaki ang mga mata nila. Bakit kasi napansin pa niya ito?
Sumimangot ako at inaya na silang pumasok muna. Dali-dali namang nauna pa sa akin si Johann. Papasok na sana ako at susundan na siya nang bigla siyang bumalik at hinatak ako papasok. Problema nito?
Dinala niya ako sa harap ng lababo at nilinis ang sugat ko. Pagkatapos noon ay iniwan niya ako sa harap ng lamesa at umupo siya sa may sala kasama ng iba. Napakamot ako sa aking ulo.
BINABASA MO ANG
Destiny
General Fiction"Tinadhana.." Never ako naniwala sa tadhana, hindi rin naman ako naghahanap ng taong bubuo sa mga parteng nawala sa buhay ko. Pero dahil sa kanya at sa mga nangyayari, posible pala na kusa itong lalapit at hahanapin ka.