Kabanata 2

15 1 4
                                    

                      Fireflies.

"You obviously don't know anything about me." I smirked then laughed. "That's what you thought." aniya. So, what does he know?

Tinuloy ko ang pagkain ng hapunan. Inaya nila akong makikain since gabi naman na daw. I'm pretty sure na grounded nanaman ako for going home late. That's okay with me. Mas gusto ko naman na may kausap, kaysa sa bahay na halos lahat busy. Minsan lang magkaroon ng bonding time. Most likely it would end up at weekends. Well, may mga trabaho na kasi sila.

After eating, naupo ako sa sofa nila. I scanned the walls in the sala. It's full of framed paintings. This is just like what I've imagined. I wanted my dream house's walls to be something like this.

Ang sabi ko pa nga noong bata pa ako sa isang taong pinangakuan ko, kaming dalawa magtatayo ng gusto kong bahay. Funny, right?

He sat beside me. Napansin niyang pinagmamasdan ko ang mga nakapinta. "Then tell me, what do you know about me?" tinaasan ko siya ng kilay. Napakamot siya sa kanyang ulo. Then he leaned back, letting his head rest on the sofa.

"Okay." sabi ko. "If you really know me, name something I love." tinitigan ko siya habang naghihintay ng kanyang isasagot.

"Sunsets." ani at tumingin sa akin. Para akong natutunaw kapag tumingin siya. "And art." hirit niya.

Sumimangot ako, "Aside from those things. Alam mo na talaga yun eh, sinabi ko kasi." I crossed my arms. Inabutan ako bigla ni Harmony ng biskwit. Kumuha naman ako at bumulong ng "Thank you."

Napansin kong nanunuod siya ng cartoons. Hala, Spongebob! Nacurious ako sa episode na pinalabas sa telebisyon. Bigla ako nakarinig ng tawa mula kay Johann. "What's so funny?" tanong ko.

"Para kang bata. Nanunood ka na nga ng cartoons, tapos may dungis ka pa." aniya and leaned closer to me, na ikinagulat ko. Nanlaki ang mga mata ko sabay natawa siya ulit. Kumuha siya ng tissue na nasa mesa at inilapit ito sa mukha ko. Ngumisi siya. Tapos nilagay niya yung tissue sa ibabaw ng mukha ko.

"Alangan namang punasan pa kita?" pang-aasar niya. "Wala naman akong sinabing punasan mo." tinitigan niya ako bigla at naramdaman kong uminit mukha ko. "A-akala ko kasi aabutan mo lang ako ng tissue." ani ko at umirap. Pinunasan ko na ang duming nasa mukha ko. Nakita kong natawa siya ng mahina. So trip mo talaga ako.

Tinanong ko siya ng mga hilig niyang gawin. Martial arts daw at basketball, minsan din ay gumuguhit siya at nilalagay ito sa picture frames. I have not expected that. I mean, sporty siya eh. Didn't know na may hilig rin siyang mag-drawing. Binalik ko yung usapan namin kanina. Tinanong ko ulit siya with the same question earlier.

"Ulit tayo. Name something I love." nginitian ko siya. Nabanggit niya si Wade. "Not anymore." I told him. Ngumisi ulit siya.

Inulit ko ulit yung tanong, napakamot siya sa kanyang ulo. He crossed his arms then looked at me.

"Johann." he said in shock. "Are you serious?" I asked. Napansin kong natataranta siya. Feeling ko lang.

"What I meant is that Johann is dirty." nagulat ulit siya sa kanyang sinabi at nalaglag ang panga ko.

Bigla niya akong hinawakan sa pulsuhan. He showed me my hand, facing the palm at my face. "This.. Johann is dirty." namula siya at tumawa ng kaunti. Sumimangot ako sa kanya. Natawa si Harmony sa kanyang sinabi. Sorry, hindi benta sa akin.

"I was just joking." and he sighed. Hinampas ko siya sa braso, "Ang corny mo!"

May bumukas bigla ng pintuan malapit sa sala. "Bulaga!" sigaw sa akin ng lumabas dito. Napatalon ako sa sofa sa gulat. Nang makita ko kung sino, tinitigan ko ito ng masama at umupo ng maayos. Natawa si Johann at ang iba. Kinuha ko ang aking shoulder bag at naramdamang may nagvibrate. Binuksan ko ito agad. May tumatawag.. Sumenyas ako sa kanila na lalabas muna ako para sagutin ito. Tumango naman sila.

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon