"Hindi pwede! Ayaw kong makasama ka sa braders, dahil isa ka lang pabida."
Napalingon ako sa nagsalita.
"A-ate Faye??"
"Oo ako nga! Wala nang iba" lumapit na siya sa amin kasama yung bestfriend niya and yung isang guy."Mang-aagaw ka talaga, sa bahay na nga pabida kana, pati ba naman barkada ko aagawin mo pa?!!"
Natameme ako nung sinabi yun ni ate. Hindi ko alam na ganun pala ang nararamdaman niya sa akin.
Tumingin ako sa mga mata niya at nakita ko dun, yung pagkadisgusto, yung hinanakit, at inggit.
Alam ko na madalas siyang pagalitan ng mga magulang namin, pero hindi ko naman ginusto yun. Lagi na lang wala siya sa bahay, gabi na siya umuuwi, dahil sa kakagimik niya kasama ang mga friends niya. At alam kong hindi yun ang braders,
Pero kahit ganun mabait parin naman siya sa akin, never pa niya akong pinagsalitaan ng mga ganung salita, lalo na sa harap pa ng kaibigan ni Ranzel, pero ngayon...
(patulo na ang mga luha ko) "Bakit?" (piyok kong sabi)
Anong nangyare kay ate faye? Bakit siya nagagalit sa akin, may nagawa ba akong mali sa kanya. Ang alam ko lang hindi siya umuwi nang bahay, pero nung huli naming kita ay okay pa kami. Pero bakit ngayon?
"Faye!" napalingon ako sa sobrang lakas ng sigaw ni Ranzel.
Namumula-mula ang makinis at maputi niyang mukha, at mahahalata mo dun ang galit.
Nakalapit na siya sa amin. Binitawan niya ang mga dala niyang pagkain. Lalapit na sana siya kay ate nang harangan ko. Pinigilan naman siya ng dalawang lalaki.
"Babae yan brad" pigil ni pat
"Ze-zel.." pautal-utal na sabi ni ate
Lahat tahimik, walang gustong magsalita, lahat gulat sa mga nangyayari.
Maya-maya biglang may tumawa, napatingin kami kay Cyril, na para bang sa isang palabas na may slow motion" Walang kupas talaga ang galing mo bhez sa pag-arte, feeling ko nanunuod ako sa napakalaking screen. Pang International... Bravo" pumalakpak pa siya,lahat kami nakabukas ang mga bibig.
Si Ranzel naman ay parang na stack sa kinakatayuan niya.
Anong malaking screen? Wag nilang sabihin na.............
"Ah hehehe" umayos na si ate, yung kaninang takot sa mga mata niya ay biglang nawala napalitan ng isang nakakalokong ngiti.
Ibig sabihin isang palabas lang yun? Isang kabaliwan na naman ng kapatid ko.
"Oh? braders? Nabigla ko ba kayo?" saka lang kami natauhan ng magsalita si ate na parang natural na sa kanya ang lahat. "Tingin niyo? Ganung tao talaga ako? Kahit naman ganito ako mag-aayos, mahal ko itong kapatid ko nuh. Kahit na siya lagi bida..wala lang sa akin yun. Dahil alam kong mahal ako ng kapatid ko."
Hindi ko na pinatapos mag paliwanag si ate, yumakap agad ako sa kanya.
"Ate (sobbing) a-akala ko galit ka nga sa akin?? a-kala ko nawala na yung ate ko. Yung mabait kong ate"
Yumakap din pabalik sa akin si ate at hinimas-himas yung likod ko.
"Ano kaba naman hannah hahaha I always ate for you, parang nakalimutan mo na ang pamilya natin ay mga o.a at mga madadrama. Alam mo naman na pangarap kong maging artista someday"
Natawa naman ako sa sinabi niya, which is totoo naman talaga, ako nga isang dakilang O.A ei...
Well for me, madali lang para kay ate na makuha siya bilang artista, baka nga sumikat agad siya. Magaling kase siya, and nasampolan nga kami kanina. Akala ko talaga totoo na.
"Oooopppppppppssssssssss tama na yan were here para magsaya.. wait..... Ranzel? anu ba ang dahilan mo at pinatawag mo ang buong barkada?"
Saka lang ata natauhan si Ranzel nang tanungin siya ni Cyril
"Hahaha your always late sa balita"sabat ni cielo
"Cielo??" tawag ni cyril in very a sweet voice
"Yes??? my dear friend??" ngiting-ngiting sagot naman niya
"Pwedeng wag kang makisali? Kanina pa mainit ang ulo ko and hindi ikaw ang tinatanung ko nuh? Okay!?" (irap niyang sabi)
Yung ngiting nakapaskil kanina sa mukha ni cielo ay napalitan ng pagkaaburido. Mahahalata mo yung disgusto nila sa isa't-isa siguro pag nagsama ito sa isang bubong magkakasunog. Mga palaban ei.
Umirap na lang si Cielo at itong si Cyril ngumiti naman na halatang plastik lang.
Napansin siguro ni Shamcey na nagkakainitan yung dalawa kaya sumingit siya "Kayo talagang dalawa napakasweet niyo, nakakaselos ang lambingan niyo. Tara na't ayusin natin itong mga pagkain nang makakain na tayo"
Nawala ang awkward moment, at masaya na kaming nagsalu-salo.
After naming kumain, syempre di mawawala ang asaran moment. Inasar namin ang bagong couple. na sina Ate Faye.. at kuya Lian, Bagay na bagay. Syempre kaming dalawa pa ni Ranzel ay hindi mawawala sa tuksuhan.
And that time legal na kami sa barkada niya, mahal na mahal ko talaga ang lalaking katabi ko ngayon, kung may word na mas lamang dun.. yun siguro siya.. I really love this man and I really do.
YOU ARE READING
He's my happy ending
Teen FictionNagmahal ako, Nagmahal ako sa isang taong akala ko sya na ang happy ending ko, but sadly I'm here crying over him because of what he did to me. Our love story is not a happy ending :'( Is happy ending exist? Is there someone who'll make it real? or ...