Hannah's Pov
Andito parin ako sa condo nang ate ko. Yeah! May ate parin ako, pasalamat ako sa Diyos, kase despite of an argument 2 years ago she's till here beside me.
Maswerte parin ako :)I smiled bitterly.
Sana nga maswerte :(((
Tumayo ako at pumunta sa terrace, ilang araw na din ako dito simula yung nangyareng scene dun sa bahay. Hanggang ngayon di ko parin tanggap na nagawa sa akin ni mommy yun. Sa kabila ng pag-aaway nila ni ate faye siya ang kinampihan ko, pero gaganituhin niya lang pala ako. Hindi niya alam kung anong paghihirap ang nadanasan ko sa biglang pagkawala ni Ranzel, pero mas pinili niyang masaktan ako kaysa tulungang hanapin si Ranzel.
Ranzel na naman?? Haist!
Kung napapakinggan siguro ni ate faye ang iniisip ko magagalit na naman siya. Pero kase...
Haist!
Mahal ko talaga siya. Mahal na mahal.
Ranzel? Kung totoong nag eexist ka pa, bakit di ka parin nagpapakita?? :((
Tumulo na naman ang luha ko. Pagdating talaga sa kanya walang palya ang luha ko. :/
"Really love him ha?"
"Ate?"
Lumapit siya sa akin, at tumingin din sa labas" Hannah?" tumingin ako sa kanya at nagsalubong yung mga mata namin. "Can we talk?"
Tumango ako sa kanya, pumasok siya sa loob at sinundan ko siya.
Dumeretso siya sa kusina at kumuha ng root beer" Here. Usually nag-iinom ako kapag sobrang stress na ako. Try this"
Inabot ko yung binigay niya sa akin, at ininom yun. "Ate hindi kaba napapagod sa work mo?"
"Napapagod din, but dahil, yun ang hilig ko mas lamang ang enjoy, bakit ba hindi kana lang sumunod sa yapak ko?"
"Di ko pa masasabi ate"
"So? Pinag-iisipan mo?""Ahm pwede.....'" Uminom muli ako ng beer. Tiningnan ko si ate at pinapaikot-ikot niya yung liquid sa loob ng bote. Ano kaya ang sasabihin niya? Ang lalim ng iniisip niya. Pero bago muna yun ang isipin ko, gusto kong mag sorry sa kanya. " Ahm.....Ate?" This is it...Lumingon siya sa akin nang nakangiti. Nahiya ako, kaya napatungo ako. "I'm sorry yung nangyare da---"
"It's okay :) Wag kang mag sorry, walang may kasalanan" At inangat niya yung mukha ko" Ang mahalaga yung ngayon, diba?"
"Thank you ate :)" At yinakap ko siya.Nagtatawanan kami, dahil sa mga nakaraan. Yung pagkabasag nung mahal na painting ni mommy, dahil sa kakulitan namin, yung napaalis si yaya dahil sa kamalditahan namin, at syempre pa yung pag-arte niya nung pinakilala ako sa braders, na akala namin totoo talaga. Grabe ang galing niya dun, kaya no doubt na isa na siyang sikat na artista ngayon. Yeah sikat na artista. After 2 years nagkaroon siya nang pangalan na Queen of sweethearts, dahil sa galing niyang umarte.
Wait hindi ko nababalitaan na nagkaboyfriend siya. Sila parin kaya ni Kuya Lian?"Nga pala ate? Ano nang nangyare sa inyo ni Lian?"
"Lian? Hahahaha Grabe hindi ka maniniwala, hahahhaha" At tumawa siya ng tumawa nung marinig niya ang pangalang Lian.
"Hahahaha Ano nga?" Natatawa na rin ako, dahil nakakadala yung tawa niya
"Ei kase hahahaha, grabe talaga" Naiiyak na siya sa tawa
"Hahahaha Ate naman ei, hahahha ano nga? hahaha Grabe di ko na mapigilan hahaha""Hahahaha kase nga He's Gay!----"
"What!?" Nabuga ko yung alak, dahil sa sinabi niya. " Anong sabi mo?"
"He's gay Hannah"
"Oh my Gosh! So..... Ahm.... Ano...."
"Anong reaction ko? Tumango ako sa kanya "Syempre nagulat, sabi ko nga cut he's joke, pero di pala siya nagjojoke. Kaya ayun nasaktan ako, But now I'm totally okay"
"Ahm.... Wait.... Bakit parang ata?...... Iba yang okay mong yan? Inlove ka nuh? So who's the lucky guy?"
Namula siya, nung sinabi ko yun." Stop it Hannah" Sinundot-sundot ko kase yung tagiliran niya.
"Ei sino nga kase yun?""Okay, okay" At tinaas niya ang kamay niya na sumusuko na. Tinigilan ko naman na ang pagsundot-sundot sa kanya.
"Ahm kase hindi ko alam kung paano nag turn sa ganun, kase after ni Lian, di na ako nagboyfriend dahil nagfocus ako sa work ko. Pero hindi ko alam kung bakit naging ganito"
"Anong pano? Di ko gets ate? Inlove na inlove ka talaga kase ngumingiti ka dyan" At sinundot ko ulit siya.
"Stop it! Haha"
"Ei kase naman, inlove na inlove ka dun sa lalaki. I'm happy for you ate"
"Wala pa nga hahaha"
"Ano yung sinasabi mo na nagturn? Tell me, tell me" excited kong sabi, ang hyper ko na rin, dahil sa beer. Nakakatatlo na ako. Feeling ko yung mata ko may star. Tumingin ako kay ate.
Umayos siya ng upo at ngumiti "Nung una inis na inis talaga ako sa kanya, ayaw na ayaw ko siyang nakikita, pero one time nagising na lang ako, gusto ko na siyang nakakatext, nakakausap. At kapag nasa harap ko naman, tinatarayan ko parin. Ewan ko ba. ""Wow! Ang sweet!, So nililigawan kana?"
Kung kanina sobrang saya niya, biglang lungkot ng mukha niya. Ininom niya yung beer niya." Ooops wala na, kuha muna ako" Umalis na siya pagkasabi nun.
Tumayo naman ako, at pumunta sa terrace."Maybe I should stop, may mahal na siyang iba"
"Ha? Bakit?"
"Wala.... " Ngumiti siya. Binalik ko na yung tingin ko sa labas "Hannah?"
"Hmmmm?"
"Paano kung bumalik na siya? Anong gagawin mo?"
Dug.... dug...... dugdug..... dug..... dug
Bumagal ang kabog ng dibdib ko sa tanong niya" Sinabi niya rin sa akin yan, Tinanong niya rin, " Yung mukha ni ate na naguguluhan, pero nanatiling ang tingin ko sa labas "Hindi ko pa alam ang sagot nung tinanong niya sa akin yan, pero ngayon alam ko na""Anong sagot mo?"
"Mahal ko siya ate, pero 1 year siyang hindi nagpakita sa akin"
"So? You mean?""Aaaackk nasusuka ako ate! Wait!" Nagtatakbo na ako sa loob ng c.r "Aaccckkkk, aaaccckkk"
"You should rest Hannah, madami ka nang nainom"
Inalalayan niya ako makapasok sa kwarto ko, at nahiga na ako dun, paglapat palang ng likod ko sa kama, ay awtomatikong napapikit na ako.Please comment and vote ^^
Labyu♥
ESTÁS LEYENDO
He's my happy ending
Novela JuvenilNagmahal ako, Nagmahal ako sa isang taong akala ko sya na ang happy ending ko, but sadly I'm here crying over him because of what he did to me. Our love story is not a happy ending :'( Is happy ending exist? Is there someone who'll make it real? or ...