chapter 3 (ang sakit) part 1

147 3 0
                                    


*PRESENT*


Natatawa parin ako kapag naalala ko yun, dahil nga bagong couple palang kami nun. Ay nahihiya pa ako sa kanya. Nahihiyang kiligin sa harapan niya. Pinaalis ko pa siya nun sa harapan ko para makairit lang ako. 


Haist" Ranzel, Miss na miss na talaga kita. Nasaan kaba?"  Tumingin ako sa langit na para bang andun siya.


"Hi miss" Napalingon ako sa  lumapit sa aking lalaki. "Mabuti na lang pala bumili muna ako ng bulaklak. Happy anniversary Babe, bagay na bagay sa kagandahan mo."


Hindi ko alam kung ano ang irereact ko. Nagpatuloy sa pagsalita itong lalaki." After 1 year nagkita na rin tayo sa personal.  I love you babe. Nga pala babe, bakit di ka masyadong naglalagay ng picture sa facebook?   Naramdaman ko na tumingin siya sa akin. "Babe? Bakit hindi ka nagsasalita?"


"Babe!" Napalingon kami dun sa babaeng...... kahawig ko? "Sino siya!?"


"Ba-babe?" Paglapit nung lalaki sa babae. "Akala ko--"


"I'm sorry" Putol ko sa kung ano mang sasabihin nung lalaki " Napagkamalan niya lang ako" Lumapit na ako dun sa babae" I think, para sayo ito" binigay ko sa kanya yung bulaklak. 


"Salamat miss, kung ibang babae ka lang siguro, baka kinuha na nila siya sa akin"
Tukoy niya sa boyfriend niya. "Alam mo na" at ginalaw niya yung balikat niya.

Ngumiti na lang ako sa kanila. Naiintindihan ko siya" Bagay kayo"


"Babe, tara na, naghihintay na sina mama sa atin"


Nagpaalam na sila sa akin, umupo na ulit ako sa bench. Hinabol ko silang dalawa ng tingin. At makikita mo sa lalaki na mahal na mahal niya yung babae. Pero bakit ganito? Bakit sumasakit ang dibdib ko. Sino yung lalaking yun? At dun sa babae namang yun. Bakit kahawig ko siya? Posible palang makaharap mo yung kahawig mo. Iniling-iling ko yung ulo ko, na para bang mawawala yung naiisip ko.


Tiningnan ko ulit silang dalawa, at sa scene namin na yun kanina ay isang ala-ala muli ang bumalik.

  "Hey! bakit ka nakikipag-laro kay Ranzel?"  


Tumingin siya sa akin, mula ulo hanggang paa.".Because I like him.. AND I want him to be my boyfriend"


Nung sinabi yun nang bata, nag-init agad ang ulo ko."No way.. he's mine"

"Yes way... bleeh.." Dinilaan niya pa ako. Ang kapal ng mukha niya para gawin yun sa akin. Syempre di ako papatalo" No"


"Yes"

"Noooooooo................................."Sigaw ko sa kanya, tapos sinabunutan ko . Kase naman ei! Akin nga lang si Ranzel. Ayaw kong nakikipaglaro siya nang ganung ka sweet.


"Hannah tama na yan" Tumigil ako sa pagsabunot nung sawayin kami ni Ranzel


"Bakit? Inaagaw ka niya sa akin. Maiyak-iyak kong sabi.


"Nakikipaglaro lang siya" mahinahon niyang sabi.


"But Ranzel......(sob)


"Sabi niya kase (sob) Gusto ka daw niya maging boyfriend"


Lumapit sa akin si Ranzel tapos ngumiti."Wag kang magselos :) hindi naman ako ang nagsabi. Tandaan mo ikaw lang ang gusto kong maging girlfriend Hannah."

He's my happy endingDonde viven las historias. Descúbrelo ahora