Property of BipolarAsh, 2014.
-
*Morlem's POV*
Nandito ako ngayon sa Morte University. Naglalakad ako sa hallway dahil papunta ako sa classroom namin. Yakap yakap ko ang mga libro ko habang patingin tingin sa paligid.
Mukha naman itong isang normal na paaralan kaya wala dapat akong ipag-alala. Ang totoo nyan, kinakabahan ako ngayon. Dahil unang araw ng pasukan ngayon at isa lamang akong transferee.
Wala akong kakilala. Wala akong kasama. Kaya siguro ako kinakabahan kasi, pakiramdam ko wala akong magiging kaibigan dito.
Nagtransfer lang naman ako dito dahil lumipat kami ng bahay at ito ang pinakamalapit na paaralan. Ang bilis nga naman ng panahon at graduating student na ako ngayon.
Nabalik lamang ako sa realidad nang may mabangga ako. Napaatras ako dahil tiningnan niya ako ng ubod ng sama.
"Pasensiya na po." paghingi ko ng tawad habang payuko-yuko pa. Dahil siguro ito sa kaba.
Hindi ko siya matingnan sa mata dahil natatakot ako. Narinig ko siyang tumawa pero mahina lang, sapat na dahilan para mapatingin ako sakanya.
"Wag kang matakot, miss. Hindi ako nangangagat." tumawa siyang muli.
Hindi ako komportable sa presensiya ng lalaking 'to. Nginitian ko na lamang siya ng pilit at tumalikod na. Nakahinga naman ako ng malalim nang maramdaman kong umalis na siya.
Napa-iling na lamang ako. Bakit ba ko kinakabahan?
Tiningnan ko na lang yung hawak kong papel kung saan nakasulat ang section ko.
"Class 4-Mori Iuxta." binasa ko ang nakasulat.
Nagulat ako ng biglang may humawak sa balikat ko mula sa likod kaya napalingon ako.
"Hi! Sayo yata 'tong panyo na 'to? Nalaglag mo kasi kanina eh." inabot niya sakin yung panyong hawak niya. Panyo ko nga 'yon kaya kinuha ko ito.
"Salamat." nginitian ko siya.
"Ako nga pala si Gail. Mukhang transferee ka dito kasi hindi pamilyar ang mukha mo. Anong pangalan mo?" isa lang ang masasabi ko, friendly siya.
"Ako nga pala si Morem." sagot ko. Hindi ko kakalimutan ang payo sakin ni mama. Hindi ako dapat magtiwala agad.
"Ang gandang pangalan, kasing ganda mo." pagkasabi niya 'non. Ewan ko ba kung bakit parang nangilabot ako.
"Sige ah, mauna na'ko. See you around!" pagpapaalam niya at tumakbo na siya palayo na parang nagmamadali.
Ngayon, kailangan ko na talagang hanapin ang classroom ko.
Class 4-Mori Iuxta. Weirdong pangalan para sa isang klase.
Naglakad lakad pa'ko. Naabot ko na ang dulo ng 3rd floor nang makita ko na nasa pinakahuli ang room namin.
Nakatayo na'ko ngayon sa harap ng pintuan na parang tanga. Kinakabahan nanaman ako. Pakiramdam ko impyerno yung papasukan ko.
Napa-iling akong muli. Ano ano nanamang naiisip ko.
"Papasok ka ba o tititigan mo lang 'yang pintuan?" nagulat ako nang may magsalita sa gilid ko.
Hindi ko napansin na may tao na pala sa tabi ko dahil sa kaba. Teka. Ito yung lalaking nabangga ko kanina eh. So ibig sabihin, kaklase ko siya?
"Hoy miss! Ayos ka lang ba?" tiningnan ko lamang siya ng maigi. Mukha siyang mayabang. Para magaspang ang pag-uugali ng isang 'to.
"Aish!" para naman siyang nainis kaya biglaan niyang binuksan ang pintuan ng room gamit ang paa niya. Oo, sinipa niya ito ng malakas. Mayabang nga.
Dire-diretso siyang pumasok habang nakahawak sa isang strap ng bag niya. Chill na chill lamang siyang naglalakad. Umupo siya sa dulo.
Nagitla ako ng mapansin kong matalim ang tingin ng lahat sakin... at wala silang guro.
Anong klaseng klase to?
"Uhh, ako nga pala si Morem Zaballa." pagpapakilala ko.
"Ikaw yung transferee?" tanong ng isa sakanila na may nakakatakot na ngiti sa mga labi niya. Nagtaasan lahat ng balahibo ko.
Tumango na lamang ako dahil kinakabahan ako. Doble dobleng kaba naman 'to.
"Okay, Morem. WELCOME TO HELL."
-----x-----
A/N : Sorry po maiksi lang. Yun po palang picture sa gilid si Morem yun. Enjoy! :)
![](https://img.wattpad.com/cover/12969697-288-k129396.jpg)