TAMA NA PWEDE BA?

7 0 0
                                    

Ni Wallflower

Tama na pwede ba
Mga salitang sayo nagmula
Mga salitang dahilan ng aking luha
Puso ko ay nagmamakaawa

Hindi ko alam kung saan ako mali
Bakit pag ibig mo ay umikli
Na tila ba napapadali
Sa bawat sandali

Tama na, Oo naiintindihan kita
Hindi mo kailangan pagmukhaing tanga
Hindi mo na kailangang pilitin pa
Dahil alam ko wala na talaga

Napapansin ko ang unti unting paglayo
Ang dahan dahang paglaho
Mga pangakong napapako
Mga salitang kaysakit na tila palaso

Lumamig na ang hangin
Pag ibig mo ay lumipas na rin
Ulan ang bumuhos sa akin
Na nagsasabing sakit ay papawiin

Kaya tama na masakit na
Hinding hindi ko na kakayanin pa
Kung magbibigkas ng pamamaalam sinta
Bilisan lang at tumalikod na

WallflowerWhere stories live. Discover now