Ni Wallflower
Ikaw ay aking tinitigan
Naglalaro mga tanong sa aking isipan
Kung may pag-ibig pa bang nakalaan
Kung may pag asa pa bang kakapitan
Tinanong ko ang puso ko
Ngunit tila ito'y sarado
Pag-ibig ko sayo ay naglaho
Ako na nga ay tuluyang nagbago
Wala na ang dating galak at saya
Wala na ang matatamis na ngiti na abot sa mata
Napalitan na ng tamlay dala ng aking pagluha
Pag-ibig ko ay nawala na tila parang bula
Siguro panahon na para kalimutan ka
Salamat sa mga iniwang alaala
Panahon natin ay lumipas na
Tanggap ko nang wala na talaga
Malabo na ang ikaw at ako
Hindi ko na makita ang tayo
Ni hindi ko na makilala ang iyong anino
Dala ng iyong pagbabalatkayo
Dala ng pagbangon ay ang paglimot
Sa lahat ng sakit na naidulot
Paglimot ay pagkubli ng poot
Dahil ito ay walang magandang naidudulot
YOU ARE READING
Wallflower
PoesíaTo those who loves poems, may you be inlove or brokenhearted this one is for you. I hope you'll love Collection of poems written by Wallflower. Thank You! Please comment and share. God bless! 😇
