Chapter 4 : Am I inlove with Dylan?

596 20 0
                                    


" at talagang dito mo pa talaga ako niyaya makipag usap ha? bakit umaasa kang makita ulit sya dito? " dinala ko si Jared sa bar kung saan nya ako dinala nung Graduation Party nya at kung saan nagtagpo ang landas namin ni Dylan, pero hindi talaga sa gusto ko lang umasa na magkikita ulit kami dito. mahilig kasi sa alak si Jared at isa 'tong bar na ito sa may pinaka masasarap na alak. well I'm not sure pala hindi ko pa natitikman mga alak dito at wala akong balak.

" manahimik ka bakla, diba adik ka sa alak kaya dinala kita dito sa bar na to. " i looked around with the conviction na nandito si Dylan, na makikita ko ulit sya pero walang lalaking matipuno at may magandang mata ang aking nasilayan. naupo kami at umorder na si Jared ng mixed drink while ako juice lamang.

" let's be honest to each other baklang Lyñer ha? ikaw ba inlove na dun sa naka one night stand mo? what's his name again? " out of words ako, kung makabira naman kasi tong si Jared akala mo may pupuntahan lang sa pagmamadali ni hindi pa nga umiinit yung pang upo sa kinauupuan namin.

" birada agad bakla? fast talk agad? " pagbibiro ko dito, pero mukhang seryoso si bakla habang matalim na nakatingin sakin. " okay okay i understand Jared, but can you stop with that dagger look? ninenerbyos ako sayo eh "

" okay spill it " bumuntong hininga ako,

" okay ganto kasi Ja, napaka weird kasi ng dating sa akin eh you knew me well I've never hooked up in anyone pero the night i saw him parang nawala yung mindset ko na katagal tagal. isang tingin lang yun Ja it's so weird na nakakatakot dahil tinignan nya lang ako bigla akong nawala sa sarili lalo na nung tinignan ko yung napaka ganda nyang mata para nya akong nahiptosismo na gawin yung bagay na never in my life na ginawa ko, I'm the first one who approach him na alam mong hinding hindi ko ginagawa tas ayun na nga hanggang sa umabot kami sa pagsesex and now na I'm acting like shit to the point na iniisip ko na lagi sya not just the scene na nagsesex well most of the time naiisip ko yun, tas hanggang sa ito na hindi na ako makapakali pati sa pag gawa ko ng paintings sya naiisip ko okay sana kung motivation at nakakagawa pero worst hindi ako makagawa walang pumapasok sa isip ko kundi sya. na gusto ko ulit syang makita... "

shit! this is the most awkward yet awesome thing i did in my life. Finally i confess something about a Guy and with these different kind of feelings. nakakatawa dahil madaming lalaki na ang dinidikit sakin pinipilit nitong si Jared na idate o ipafall ako. all of those well not all maybe half of them like me not being a big headed ah pero ni isa wala akong nagustuhan pero itong unang lalaki na nakilala ko biglaan dahil sa kung anong meron man sya na hinahanap hanap ko.

" jusko gorl nobela! pwede namang ayun love at first sight kasi gwapo nadala sa ganda ng mata mas nainlove pa dahil natikman mo tas ngayon baliw baliwan effect dahil bet mo pang maka round 2 o dahil hindi ka nakakuha ng contact kaya ayan hindi makapakali juzku ka Lyñer " kung ipalamon ko kaya tong basong iniinuman ko dito sa baklang to.

" umayos ka Jared kailangan ko ng utak mo hindi yang kagagahan mo " tas bigla syang natawa, maybe i need to consult some psychiatrist for my friend nakakabother na din sya minsan.

" pero sa nobela mo ang pinaka maikling salita lang dun ay inlove ka, ayan kasi sabi kong mag try mag boyfriend hanggat bata pa para naman hindi aanga anga sa weird feelings ngayong matanda na " bad influence si gaga.

" ano ba Ja umayos ka nga mukhang mali ata ako ng napag tanungan! uuwi nalang ako bwiset ka! " akmang aalis na 'ko pero sinabutan ako ni gaga. gaganti sana ako kaso inambahan ako ng kamao eh maton sya kaya hindi nalang ako gaganti.

" biro lang yun pa keme ko kanina natatawa lang ako sayo Ly confused na confused ka pero that's normal, pero ito kasi talaga na love at first sight ka dun sa tao weird kasi madami ka ng nakilalang lalaki pero hindi ka nagkaganyan? well the answer to that question is baka kasi yung features ni fafa Dylan ay suits sa standards mo or let's say type mo siguro yung ganung pangangatawan itsura lalo na yung rare diff eye colour kaya siguro hindi mo natitipuhan yung nirereto ko sayo kasi nga type mo yung ibang kulay na mata, tas about sa sabi mo nga na hindi ka makapag paint imbes na motivation sya ay nagiging cause of destruction delay kung ano mang exact word for that well gorl you miss him already kaya ganun. tas yung mind mo nafofocus sa palaisipan na hindi ka sure kung magkikita pa kayo dahil ni walang iniwang phone number or etc. gorl congratulate may gusto kana sa lalaki tao kana and i think it's not crush only, ganyan ako nung nainlove but tragic story to tell omg gorl I'm so proud of you ngayon dama ko ng tao ka "

Lost Boy (Wild Fools Book II) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon