Chapter 7 : Unwind

435 15 0
                                    


" you're so messed up bes. what's happening to you? " isang linggo. isang linggong stress isang linggong feeling ko walang saysay ang mga bagay bagay na umiikot sa mundo ko isang liggong walang maayos na tulog o kain. isang linggo na ang lumipas pero bakit ang sakit sakit padin ng pag iwan sa akin ni Dylan?

" ganun ba talaga Ja? kapag ba biglaan ang kasiyahan biglaan din ang pag ka-wala nito? bakit lahat napaka panandalian lamang sa mundo? nahulog ang loob ko at napamahal sa isang lalaking nagbigay ng ibang kasiyahan sa akin at mga bagay na never kong inexpect na mangyayari at magugustuhan ko ng ganun kadali at ganun kadali lang din na pawi at napalitan ang masasayang ala ala na binigay nya sa kin ng masasakit na ala ala. tangina lang Ja ang sakit! nung una nagpapasalamat pa ako sakanya dahil sobrang naaamaze ako kung paano ko nadidiskubre yung mga magagandang bagay kapag nainlove ko pero ngayon Ja ngayon parang nagsisisi na ako, pero hindi ko magawang tuluyan na magalit sakanya dahil wala eh mahal ko sya! mahal nya din ako nagmula sakanya 'yon pero tangina lang ng dahilan nya kung bakit kailangan nyang tuluyang lumayo at wag ng magpakita sa akin! " iinumin ko pa sana muli yung alak na nasa baso ko na kanina ko pa pinag titiisang inumin dahil ito daw ang mabisang sagot para maalis ang mga sakit na nararamdaman mo.

napapailing na lamang ako habang tinitignan ko ang mga bote ng mga alak na pinabili ko na walang laman at nakakalat, can you imagine that? one of my hatest type of drink ngayon ay nakakayanan ko ng tiisin at inumin para lang mawala yung sakit. fvck ano pa bang mga weirdong bagay ang magagawa ko dahil sa lintik na pagmamahal at sakit na 'to?

" nakakatawa kang pagmasdan Lyñer, that's what I'm worrying about since noon. late bloomer ka sa ganto kaya kahit matanda ka sa edad pero yung way of act mo at pag handle sa heartache ay masyado pang bata " lumapit ito sa akin at inalis na ang mga natitira pang alak. " but let me tell you. this is not the end Lyñer and hindi ka nararapat sa katayuan mong 'to. look what's happening to you nangangayayat ka tapos nabalitaan ko pa na galit na galit si Mr Toledo dahil hindi mo daw pinasabi na hindi mo ginawa yung paintings na pinagawa nya sa'yo and now drinking beer diba ayaw na ayaw mo nyan? stop na bes maligo kana at may pupuntahan tayo "

" Ja how can i move on? gusto ko kapag gising ko wala na 'tong sakit, itong mga alaala ko sakanya? pero kahit anong gusto ng isip kong kalimutan ang lahat hindi pumapayag tong puso ko! " at napayuko na lamang ako sa mesa. bakit ba kasi kailangan nyang lumayo?

" valid reason naman na kasi ayaw ka nyang magaya sa kanya, lumabas na sa mismong bibig nya na ang buhay nya ay walang tamang direksyon at diba nga sabi mo never syang nag sabi sayo ng about sa background nya? what if killer pa sya? or murderer sya at kapag dinadalaw sya ng kabaliwan nya ay mapatay ka nya? oh diba kaya stop na Lyñer madaming lalaki dyan " hinawakan nito ang bewang ko at pinilit na itayo.

" i don't need other guys Jared! baka nakakalimutan madami ka ng lalaking pinakilala sa akin pero ni isa wala akong nagustuhan, yung akala natin na wala na akong lalaki na magugustuhan pero nung dumating si Dylan lahat napaka hindi kapani paniwala. kaya paano ko sya makakalimutan agad? how can i will forget him kung sya yung unang lalaki na minahal ko? " dinala nya ako sa harap ng banyo.

" iligo mo lang yan tas magbihis ka agad tas may pupuntahan tayo, make it faster friend. I'll make sure na mag eenjoy ka " tinulak na nya ako ng mahiga at sinara ang pinto.

inalis kuna ang damit ko at humarap sa shower, pipihitin ko na sana faucet ng biglang makita ko ang scenario namin ni Dylan nung pangalawang beses naming gawin ang pag eentertain ng init ng bawat isa. sobrang nag aalab na halikan, mga matang nakakatunaw dahil sa hindi maalis na titigan sa bawat isa. " aaaaargh! " nasapak ko yung pader. kailangan ko ng alisin 'to this is not healthy for me my life and every person na nakapaligid sa akin.

sinimulan ko na ang pagligo. ang bawat butil ng mga tubig na tumatama sa aking nangangayayat na katawan ay tila isang maiinit na haplos mula kay Dylan, pinikit ko ang aking mga mata at pumasok sa aking isipin ang isang gwapong lalaki may mga nakakaakit na mga mata mga matatamis na ngiti mapupulang labi na kay sarap halikan. nakatitig ito sa akin nakangiti na para bang may gusto itong banggitin, inaangat nito ang kamay ko napatingin ako sa tinignan nito at nabigla ako ng makita ko ang isang hiwa mula sa aking pulso napakalalim nito at napakaraming dugong umaagos.

" shit! " napadilat ako bigla at natumba dahil sa sobrang takot sa aking nakita mula sa aking isipan, anong ibig sabihin noon?

" hoy Ly ano na? dalian mo dyan? " nabigla ako sa pag tawag ni Jared mula sa labas ng banyo. kahit nanginginig pa ang aking katawan ay pinilit kong tumayo at kinuha ang tuwalya at nagmamadaling magpunas pero nandun padin ang panginginig ng aking katawan, anong ibig sabihin non?

-

nakaupo ako sa likurang upuan at pinagmamasdan ang mga dinadaanan namin ni Jared, " hoy Ly kanina pa kita tinatawag " napatingin ako kay Jared.

" ha ano 'yon? " pagtataka ko sakanya.

" sabi ko kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ako naririnig? ano nabingi kana? " wala naman akong naririnig na tumatawag sa akin mula kanina pa sa biyahe? o dahil lang sa hindi ko napapansin dahil pansin ko kanina lumilipad ang isipin ko? kanina pa kasi ako ginagambala nung tila panaginip na iyon.

" are you okay? after mong maligo namumutla ka tas natutulala? gusto mo bang dalhin kita sa ospital? " napailing lamang ako.

" no I'm okay " even I'm not sure what's happening to me, isang pilit na ngiti lamang ang binigay ko kay Jared upang hindi nadin sya mag alala pa.

umabot ang byahe namin ng tatlong oras at kayong ay tila namamangha na ako sa saking nasasaksihan, patago na ang haring araw at tila nagiging salamin ang malawak na dagat sa mga sinag nitong unti unti ng naglalaho.

" finally nagkabuhay din yang mukha mo Lyñer, masyado ka na kasing stressed so idecided na take you away from the polluted city and bring you here sa isang maganda lugar. " lihim ako na pangiti ito yung mga unusual na ginagawa sa akin ni Jared kapag alam nyang nawawala na ako sa hulog sa buhay.

" wait hanggang ilang araw tayo dito? i didn't bring any things " pag aalala ko.

" don't worry habang naliligo ka I'll pack some of your needed things here and dalawang araw lang tayo, may buhay din kasi ako girl pero dahil nag aalala ako sayo kaya dinala kita dito "

nakarating kami sa isang maliit pero maganda ang pag kagagawa na bahay na hindi kalayuan ang pagkakatayo sa baybayin walang ibang tao at kami lang ni Jared nakakamangha din tong taong to sa pag hanap ng magagandang lugar.

napaka banayad ng pag galaw ng tubig ang masasarap na sariwang hangin na tumatama sa aking mga balat ay talagang napaka sarap sa pakiramdam ang tahimik na paligid at mga huni lamang ng mga tubig na humahampas at ang mga dahon mula sa puno puno sa gilid ay talagang nakakapang hinahon.

" Ly tara na kumain na muna tayo bukas na tayo mag swimming gabi na " pag tawag ni Jared mula sa aming tinutuluyan, tumalikod na ako upang pumunta sa aming tutuluyan ng tila ba may nahagip ang aking mga mata.

nakatayo ito sa malayo, nakatingin sa aking pwesto nakajacket ito at nakasumbrelo na tila ba nagtatago at ayaw ipakilala ang kanyang pagkatao. pero dahil kilalang kilala ko ang mga matang iyon ang mga matang tila diyamante na kumikinang hindi nga ako nagkakamali si Dylan iyon.

" Dylan!!! " nagtatakbo ako papunta rito, habang papalapit ako ng papalapit sakanya ay nakikita ko ng maayos ang kanyang mga mukhang masaya at nakangiti.

" hoy Lyñer san ka pupunta " pag sigaw ni Jared pero hindi ko ito inintindi dahil gusto kong mapuntahan si Dylan at mayakap, makausap, matanong kung  babalikan na ba nya ako? kung hindi na ba nya ako ulit ako iiwan.

" Lyñer stop san ka ba pupunta " patuloy na pag sigaw ni Jared mula sa aking likuran. pero tila ba wala akong ibang pakealam sa mga nangyayari gusto ko lang malapitan si Dylan.

konti na lang ang pagitan namin ng bigla itong tumakbo papunta sa tubig. " Dylan teka san ka pupunta " wala itong naririnig patuloy lang ito sa pagsulong sa tubig. " teka Dylan bumalik ka dito tumataas na ang tubig " nagtatakbo ako para sundan sya sobrang layo man ay pinilit ko pading makahabol sakanya,

" Dylan teka lang " huminto ito at lumingon sa akin ngayon napaka lungkot ng kanyang mukha.

" Lyñer bumalik ka doon Lyñer! " bigla itong sumigaw at biglaan kong naramdaman na tila ba sumasakit ang aking paa at pataas na ng pataas ang tubig hanggang sa hindi kuna maramdama ang aking paa, lumubog na ako sa aking kinakatayuan pilit kong nilalangoy ang aking paa upang umangat pero hindi ko magawa dahil sobrang sakit ng aking paa. pinilit kong umangot winawagwag ko ang aking mga kamay umaasa may makapitan upang makaangat pero wala ramdam kong bumibigat na ang aking mga mata at wala ng hangin na lumalabas. is this how my life ends?

Lost Boy (Wild Fools Book II) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon