Chapter 13 : Streetlights

406 18 0
                                    

sobrang nakakapagod at napakasakit ang mga nagdaang araw, nahuli ang boyfriend ni Jared at umusad nadin ang kaso pero nung araw na pinuntahan namin 'to ay parang wala lang sakanya iyon. at nakangiti pa 'to sa amin kaya hindi ko napigilang ang sarili ko sinaktan ko sya sapak at tadyak ang inabot nito sa akin. kulang pa iyon sa ginawa nya kung maari nga lang ilagay sa aking kamay ang batas ay ginawa ko na at buhay din ang kabayaran sa ginawa nya, pero ang pinakatumatak sa akin bago kami umalis ni Dylan ay ang mga katagang " Hindi lahat ng nakapaligid saiyo ay kaagapay mo  " sobrang nakakapagtaka ang mga binitiwan nyag mga salita, parang bang kilala nya ako sa pagkakasabi nyang iyon.

" hey Lyñer? are you tired? gusto mo nalang bang matulog? " nahinto ang aking pagiisip ng maramdaman ang mahigpit na yakap mula sa aking likuran mula kay Dylan.

" no hindi pa naman ako inaantok " hinawakan ko ang magkabilang kamay nito at medyo paluwagan, umikot ako at hinarap sya. ito na dapat ang tamang pagkakataon para nadin maklaro na ang mga bagay bagay na nasa isipan ko. " Dylan is there's something you didn't told me yet? may mga kwento mo pa ba ang hindi ko alam? " napalayo ito at naupo sa kama seryoso ang mga ekspresyon nito. lumapit ako sakanya at tumabi.

" nasabi ko na ang mga bagay na dapat mong malaman tungkol sa masamang nakaraan ko Lyñer, at yung iba pang mga detalye ay hindi na gaanong kahalaga " bakit hindi padin ako kumbinsido? fvck parang sasabog na ang utak ko. napasandal ako sa sofa at naiyak habang nakatingin sa kisame.

" bakit biglang gumulo Dylan. akala ko dati noong araw na nalaman kong bakla pala ako ang nagpagulo sa isipan ko at yun na ang pinaka highlight ng buhay ko pero bakit may ganto pa? I'm not good at this mahina ang loob ko gusto ko ng mag give up pero kapag naalala kong hindi ko natulungan si Jared ay nagkakaroon ako ng lakas ng loob pero hindi ko alam kung tatagal ako. sobrang nahihirapan na ako madaming mga bagay bagay na sumasagi sa isip ko and i can't handle them all " lumapit sakin si Dylan at inalalayan ang aking ulo at ipatong ito sa kanyang balikat. hinaplos haplos nito ang aking uluhan habang nakahawak ang isang kamay nito sa kamay ko.

" I'm sorry Lyñer ng dahil sa pagdating ko ay gumulo ang lahat, ng dahil sa gagong gaya ko ay naging komplikado ang lahat at ngayon ay nararamdaman mo itong mga bagay na 'to pero give me some time tutulungan kita at sisiguraduhin kong mapapawi lahat ng 'to pero ngayon gusto ko munang maalis yang stress mo tara may pupuntahan tayo " napatingin ako dito isang matamis na ngiti, isang ngiti na kahit paano ay nagpagaan sa loob ko. pinunasan ko ang aking mukha at madaling kumuha ng jacket dahil mag aalas nueve na ng gabi.

-

malamig na simoy ng hangin, mga magagandang ilaw mula sa mga bukas na tindahan na tuwing gabi lamang nagbubukas ang sumasalubong sa amin habang nakasakay sa big bike ni Dylan at mahigpit na nakakapit sakanya dahil sa tulin ng pagtakbo namin.

" i want you to try new things " bumaba kami sa isang convenient store. " magbantay ka na lang dito Lyñer ako ng bibili " naglakad na 'to papasok pero bigla ding itong bumalik at nakatitig lamang sya sakin habang matamis na nakangiti. natawa na lang ako dahil ang weird nyang pagmasdan.

" oh anong nginingiti mo dyan? " mas lumapit ito sa akin at halikan ako sa labi akala ko basta halik lang na dampi pero sobrang init ng mga halik nya umakap pa ito sa akin at mas idiin ako sakanya. nakarinig kami ng mga tawanan mula sa gilid kaya kahit ang sarap ng mga halik ni Dylan ay huminto na ako dahil sa kahihiyan.

" i love you Lyñer "

" i love you too Dylan. dalian munang bumili " pagtulak ko dito gusto nanaman kasi akong halikan napaka pasaway.

saglit na oras at may bitbit na 'tong dalawang paper bag. " ano naman yang pinagbibili mo? "

" some snack beer and some cigarettes " akala ko pa naman mag eenjoy kami eh sa mga binili nya halos lahat sya lang ang matutuwa. ang galing din ng lalaking 'to.

Lost Boy (Wild Fools Book II) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon