" shit ang sakit ng katawan ko " namulat akong nasa isang maliit pero maayos na kwarto, " nasan ba ako? " marahan akong bumaba sa kama at muling nilibot ang paningin sa buong kwartong kinalalagyan ko. nandito nga pala kami sa isang coastal house ni Jared, muling pumasok sa isip ko yung huling nangyari sa akin yung paglubog at pagwawala ko sa ilalim ng dagat upang masagip ang aking sarili." oh ano nangyari sayo? " sakto pagpasok ni Jared ay natumba ako dahil sa panghihina ng tuhod sa muling pagkakaalala sa nangyari. shit this is my second life given by God naiiyak ako at binalot ng nginig ang aking katawan. " dapat hindi ka muna bumangon. buti nasundan kita sa pagloka loka mong pag sugod sa tubig at pasalamat ka dahil marunong akong humandle ng mga nalulunod or else nako " bigla akong napaakap kay Jared. he saves my life not once but many times na. he's always there if i need some help and now na talagang kailangan na kailangan ko sya ay andyan padin sya. sobrang salamat God you gave me this great superhero to me.
" thank you Ja I'm sorry if nagiging pabigat o kailangan lagi mo akong nililigtas sa mga bagay na pinapasukan ko pero hindi ko malabasan at lagi kang nandyan ako para suportahan I'm very thankful i met you " mas humigpit ang aking yakap sakanya at nagsimula na akong maluha dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko.
" shhhh you don't have to say thank you for one hundred times, you all need is to promise me one thing na dapat gawin mo " kumalas ako sa pagkakaakap sakanya.
" ano naman 'yon? " pinunasan ko ang aking mga luha.
" please kalimutan muna sya hindi ko sinasabing madalian mo pero please Lyñer do it step by step at simulan muna ngayon, bring back your old self yung dati kong kaibigan na walang pake at hindi nagpapa epekto sa mga gwapong lalaki dyan. nagsisi din ako kung bakit kita pinilit na pumunta sa bar na 'yon ayan tuloy napunta ka sa sitwasyon na to " sinabutan ko sya bigla, kalokang baklang to mas lalo akong nakukunsensya sa pagsisi nya sa sarili nya.
" oo na hindi mo na kailangang sisihin pa sarili mo mas pumapatong patong tong kahihiyan ko sa'yo, and alam mo ba nung habang nalulunod ako at nawalan ng malay ay nakita ko sa panaginip ko yung mga pinag gagawa ko noong nawala si Dylan. sobrang nagsisisi ako dahil para akong baliw sa pinag gagawa ko at masyado kong kinakainisan ang sarili ko na halos finocus ko lahat ng oras isip at pagmamahal sa isang lalaking walang bayag na kagaya nya. " inalalayan ako nito at dinala sa may kusina.
" so paano mo gagawin ang pag momove on mo? jusko kung hindi ka pa muntikang mategi bambam ay ngayon ka lang magtatanda, jusko ganyan ka pala mainlove bes buwis buhay " pinaglagyan ako nito ng makakain sa aking plato.
" hindi ko din alam, gusto ko nga lumipat ng condo kasi every time na papasok ako sa kwarto ko ay puro ala ala namin ni Dylan ang naiisip ko. pero kung lilipat naman ako ay hasstle pa kaya siguro babalik na muna ako sa pamilya ko dun muna ako until i healed myself from anything na nangyari sa akin " nagsimula na akong kumain, sobrang gutom na gutom ako kaya lamon talaga ang ginawa ko.
" omg so ibig sabihin pupunta ka dun sa blue neighbourhood village? omg bes nung una nating pagpunta dun sobrang nainlove talaga ako sa lugar na yan lalo na yung sa papasok sa village nila na parang open na space tas may konting damo damo tas yung medyo kataasan na nag iisang puno sa may gitnang parte sobrang ganda " hindi ko naikukuwento kay Jared ang pinaka tunay na kwento ng tinutukoy nya or ang lugar na pinangalan nila daddy na BlueTroye place. sa totoo lang noon ng bata pa ako ay may mga maliit na puno ang nakaharang doon na tila nagkukubli sa pinaka magandang parte at kung saan nagtatago ang isang hindi kataasan na puno na naging saksi sa pagmamahal ng isa sa pinaka malapit sa aking buhay.
pero nung lumipat ako sa tinutuluyan ko ay napansin ko na ang unti unting pagbabago nito nawala na ang mga maliliit na puno at tuluyan ng naging mas malawaka ng buong lugar pero ang hindi nabago ay ang puno na nakatayo sa gitna nito.
" kung gusto mo kapag lilipat na ako doon ay ikaw na maghatid sa akin? for sure miss kana din nila daddy at mommy " lumapad naman ang mga ngiti nito.
" omg can't wait! kapag tapos ng dalawang araw natin dito ay lilipat kana? " tumango tango ako bilang sagot. " omg kaexcite "
-
" make it faster bakla ha? hantayin nalang kita sa may parking lot " pumasok na ako at sinimulan ang pagkuha ng aking mga damit. dahil ayokong mabungangaan ni Jared ay talagang binilisan ko konti lang naman kasi ang kinuha may mga naiwan din akong mga gamit sa bahay nila Daddy kaya hindi ko na papahirapan pa ang aking sarili na magimpake.
" excuse me po Sir " napatabi ako sa isamg lalaking may dala dalang dalawang malaking bag.
" ay talagang may kukuha na nitong kabilang unit? " matagal kuna din kasi napapansin na lagi itong pinapaayos at dinadalhan ng gamit pero ngayon palang mukhang lilipat na ang nakakuha ng kabilang unit.
" ah opo Sir madami daw po kasing inaasikaso yung lilipat dyan kaya nung wala pa sya ay pinapaayos at pinalalagyan ng ibang gamit nito pero ngayon na talaga sya lilipat " napatango na lamang ako sa sagot nito.
" ah ganun ba. teka alam nyo ba pangalan ng lilipat dyan? saka andyan na ba sya papunta na dito? gusto ko sanang makilala sya " ewan ko ba pero may parte sa akin na gusto kong makilala yung magiging katabing unit ko. medyo weird pero siguro gusto ko lang makipag kaibigan para naman maganda ang pakikitungo namin sa bawat isa.
" ah hindi ko po alam pero ang sabi nya na pangalan nya - "
" hoy bakla ano na? dali may pupuntahan pa ako after ng paghatid ko sayo kaya dali dalian mo na dyan " wala na akong nagawa kaya sumunod na lamang ako sakanya hanggang naabot namin ang kanyang kotse, talagang madaling madali si bakla at walang pake kung may babasagin sa bitbitan ko at hinihagis lamang yung dala ko sa loob ng kotse nya.
-
" bakla ayan na yung favorite kong spot bago pumasok sa loob ng Blue Neighbourhood village! " hininto nito ang kotse sa may gilid at nagmamadaling lumabas. sumunod ako sakanya at natawa ako dahil para syang isang bata na nagtatakbo papunta dun sa hindi kalakihan at matandang puno na nasa gitna ng lugar na pinangalan ng aking Daddy at ang kanyang minahal noon.
" Ly omg dalian mo may nakita ako dali " paglapit ko dito ay may itinuro syang nakaukit sa may puno. " kapangalan ni daddy mo oh tas may isa pa Blue yung name. kaso bat ganto mukhang may gustong mambura nyan? oh tas ito din oh may mga hiwa yung puno mukhang balak syang putulin pero mukhang matibay to. " sino naman ang magbabalak na putulin to? alam ko ni wala ngang nagtatambay dito since nung lagi akong dinadala ni Daddy dito at kinukwento ang mga nakaraan nya.
" actually Ja si Daddy at ang kababata nya and lover nya na nagngangalang Blue ang unang nakadiskubre ng lugar na 'to. actually noon madami pang punong nakaharang dito upang hindi makita sa daan tas itong punong ito? ito yung naging saksi sa pagmamahalan nila pero may mga bagay na hindi naayon sa gusto nilang pagmamahalan kaya nauwi sila sa hindi kagandahang pagtatapos " bakas sa mukha ni Jared ang pagkabigla at pagkamangha sa aking nakwento.
" taray like father like son hindi biniyayaan ng happy ending " bigla akong natawa sakanya kahit kelan masyadong matabil ang dila ng baklang to.
" letche " sinipaan ko sya ng buhangin dahil para maubo ito. " tara na gaga ka talaga " pabalik na ako sa kotse ni Jared ng manigas ang aking buong katawan sa muling nasilayan ng aking mga mata. si Dylan nakatingin sa akin sa kabilang kalsada.
" oh mukhang nakakita ka ng multo dyan? " tinuro ko ang kinaroroonan ni Dylan ngunit may dumaan na isang malaking truck at ng makadaan na ito ay nawala din si Dylan na kanina lamang ay nakatayo doon sa kabilang kalsada ngayon ay tila bulang naglaho nalang bigla.
" oh sinong tinuturo mo dyan? "
" nakita ko si Dylan "
" ay ano 'to? pati dito te? aba naman ano yan teleporter kapatid ata yan ni Goku at may lahing Super Sayan kaya lumilitaw litaw kung saan saan, tapos ano hahabulin mo nanaman? girl wala ng tubig dito kaya hindi kana malulunuod masasagasaan ka ng mga naglalakihang truck dyan at wala na akong powers na iligtas ka. girl maganda lang ako pero wala akong powers na bumuhay ng nategi na "
" letche ka dami mong sinabi " sabay kaming natawa sa sinabi ko.
" nagbabaliwan baliwan ka nanaman kasi dyan! tara na nga " sabay na kaming sumakay at pinuntahan ang magulang ng aking magulang.
BINABASA MO ANG
Lost Boy (Wild Fools Book II) (Complete)
RomanceDylan is a lost boy are you ready to find him?