lumipas ang ilang buwan na pagtuloy sa aking parents, and I'll say I'm better now not just what happened but I'm im my better version Lyñer version 2.0 ganern! at ngayon nagiimpake na ako dahil gusto ko na ulit ituloy ang aking nasimulan ang aking buhay. nakausap ko na ulit si Mr Toledo at nanghingi ako ng kapatawaran dahil sa hindi ko nagawa ng maayos ang aking trabaho, pasalamat na lamang ako at mabait ito pinagbigyan pa nya ako at yung kaibigan nito na mahilig sa paintings ay nireto nito sa akin kaya pagbalik ko sa unit ko ay gagawa agad ako." hello bes " sinalubong ako ni Jared na may kasama lalaki, maputi may katangkaran at maganda ang pangangatawan. " meet Alex he's my boyfriend " nilahad nung boyfriend nya ang kamay nito sa akin at nakipag kamay sa akin pero pilit kong inaalis yung kamay ko ay hindi padin nya 'to binibitawan tinignan ko sya iba ang mga tingin nito sa akin. " bitaw na kaya ayokong ipakilala ka Ly sa mga nakakalandian ko, ako nahihirapan maghanap tas mukhang masusulot mo pa " natawa ako sa kagagahan ng Jared na to.
" alam mo na kasi ang dahilan Ja. " sabay sabay na kaming sumakay sa kotse nya, ako sa back seat at silang dalawa sa harap pero hindi ako makapakali sa kasama nitong si Jared i mean boyfriend pala panay kasi ang lingon sa akin. kaya to avoid his presence nagcheck nalang ako ng phone at kung ano ano pang ginawa.
maghahapon na ng makarating kami sa tinutuluyan ko, " thanks bes ha, by the way hindi sa sinisiraan ko yang boyfriend kuno mo but as earlier as you can hulihin muna ang kulo nyan mukhang malandi eh. ikaw din baka magaya ka sa akin hindi ka na nga maganda magiging baliw ka pa " napakabilis ng kamay nya at nasabunutan ako iiwas pa nga lang ako nawagwag na nya yung ulo ko,
" kapal ng mukha mo Lyñer! osya aalis na kami maglalandian pa kami ni Alex " napairap nalang ako, sumakay na ito sa kotse nya at pinaandar pero yung boyfriend nya ayon titig padin sa akin. sarap tanggalan ng eyeballs eh kairita!
pagdating ko sa harap ng aking unit ay naalala ko may ibang tao na palang kumuha ng kabilang unit, should i greet him? for a start of a great friendship. well mukhang hindi naman siguro sya busy kaya gagambalin ko na din.
" tao po? hello I'm Lyñer from the other unit. i just want to meet you po " nakailang katok na ako pero wala pading respond, baka busy sya at ayaw medyo hapon nadin kaya siguro busy busyhan o baka din naman tulog.
-
nasimula kuna ang pagpapaint at medyo malapit ng matapos, sobrang sarap sa feeling kasi nagbabalik na ang dati kong pagmamahal sa aking unang kinahilagan binuhos ko ang buong atensyon ko para mahigitan ang inaasahan nila Mr Toledo sa aking obra. I failed him before but i will not let that happen again, konti na lamang upang matapos na ang aking ginawa. nangingiti na ako Lyñer you're back!
" holy shit! " nabigla ako sa sobrang lakas na tugtugin mula sa kabilang unit. what the fvck! baliw ba 'tong bagong lipat at naisipan nyang magpatugtog ng malakas hindi ba pumasok sa isip nya na may katabi sya?
hindi kuna lamang iyon binigyan pansin dahil once na pinansin ko at alisan tong ginawa ko ay mawawala na ulit yung inspiration ko at tatamarin na akong tapusin, Ly focus isipin mo nalang na walang baliw sa kabilang unit na nagpapatugtog ng malakas na akala mo huling araw na nya para makinig ng music at ganyan feel na feel nya ang ganyang lakas na volume.
tinuloy ko na ulit ang pagpipinta at talagang wala akong kiber sa malakas na music pero putcha i can't take this! nawala na ako sa hulog sa ginagawa ko, hindi na umaandar yung isip ko dahil naiirita talaga ako sa bwiset na yan ipapalamon ko talaga sakanya ng buo yang music equipment sakanya.
" can you turn down your volume please! " pag sigaw ko mula sa labas ng unit nya pero wala padin ang lakas padin ng music nya. " hey lumabas ako ngayon ng madungis puro mga pintura sa mukha sa damit at hindi pa ako naliligo simula nung umuwi ako because i want to finish my work in sort of time but i can't continue dahil may paevent ka eh! " wala padin punyeta! kumatok ako halos masira na yung pinto nya pero walang bumubukas irereport ko 'to.
nagdidial na ako ng biglang bumukas yung pinto.
" holy shit! " putangina kakaayos lang ng buhay ko, masaya na ako ulit ako bakit kailangan pang bumalik 'tong ugok na 'to.
" language Lyñer, by the way i miss you " miss daw ako ng hayop at nakangiti pa sya dyan yung bang parang wala syang sinabi na hindi na kami pwede pang magkita muli pero ngayon, lumipat pa talaga sya dito sa tabi ng unit ko at sinasabihan ako ng mga kalandian nya.
" pakihinaan yung sounds thank you " hindi ko na lamang sinagot ang kahibangan nya, tumalikod na ako para bumalik sa unit ko at tapusin ang naudlot kong ginagawa.
" hey " bago ko pa masara ang pinto ay naituko na nito ang isa nyang kamay sa pintuan ko.
" mister if you can see busy ako " nilakasan ko yung tulak ko pinto pero dalawang kamay na nya ang pinangharang sa pag sara nito, at talagang pinipikon ako ng taong to.
" hindi mo ba ako namiss? " napataas ang kilay ko sa kahibangan ng lalaking 'to. ano to instant amnesia? kung sinasampal ko kaya tong lalaking to ng takong.
" just to refresh your mind nung huling araw na nandito ka at saktan ako sinabihan mo lang naman ako na kailangan mong lumayo dahil hindi ako nababagay sa mundong ginagalawan mo. hindi mo alam kung anong kalagayan ko noong mga panahong nawala ka kaya don't you ever try to talk to me again kaya please hinaan mo yang patugtog mo or else irereport kita " at binagsak ko ng malakas ang pagsara ng pinto sa wakas at hindi na nya ako ginulo.
-
ilang oras since matapos ang pagpipinta ko ay talagang hindi ako makapakali. what the fuck bakit sya pa? sa lahat ba naman ng lilipat dito sya pa? is he coming back again? fuck Lyñer if ever he will be back to your life should you let him?
" stop! " i need to freshen some things masyado nanaman ako naiistress sa lalaking yan. sya lahat nagpagulo ng buhay ko ngayon na tinatry kong ibalik ang lame at boring kong buhay ay magpapagulo ulit sya? aba baka masampal ko na talaga yan.
kumuha ako ng masusuot gusto kong manuod ng penikula. sakto may pinag uusapan na palabas ngayon kaya gusto kong panuorin na agad, kulang nadin ako ng mga pintura at mga paint brush at gusto ko ding mag try ulit sa pag gawa ng calligraphy.
Jared is calling. . .
bakit kaya napatawag tong baklitang 'to?
" hello bak- - " napalayo yung tenga ko sa sobrang tili ng baklang to sa kabilang linya.
" Lyñer umalis ka na dyan " napakunot yung noo ko sa pinagsasabi ng baklang 'to. ano nanaman bang trip nya?
" umayos ka nga at hindi kita marinig at maintindihan ng maayos " pag papahinahon ko dito.
" i need your help Lyñer! please tulungan mo ako " what the hell is this kind of Jared's joke? pero iba na yung kabang nararamdaman ko.
" ha? wait are you joking or what Jared this is not funny!? " iritadong sagot ko dito.
" no please Ly i need you - - " biglang naputol ang tawag. sobrang binalot ako ng kaba kaya madali akong lumabas ano nanaman bang nangyayari don? if this one of his joke sisiguraduhin kong may ikakasira pa yung mukha nya.
BINABASA MO ANG
Lost Boy (Wild Fools Book II) (Complete)
RomanceDylan is a lost boy are you ready to find him?