Tahimik pa din ang buong classroom dahil sa nangyari kanina. Tanging aircon at hikbi lang ni April ang maririnig sa buong classroom kahit yung maiingay na boys natameme na lubha kong pinagtataka, sa buong buhay ko ngayon lang naging tahimik ang buong section.
Si Annalyn nakahalumbaba sa desk niya pero nag-iisip yan, ganyan lang talaga siya mag concentrate. Si Zion at Princess na malalim parin ang iniisip, Si Zia nakahalumbaba sa desk niya at yan, yan naman ang tulog. Lastly si Maria na tahimik lang na pinagmamasdan ang buong classroom.
Napaisip naman ko. Sino ang maaring gumawa nun? Si Brandy ba? Eh tumigil din naman siya nung sinaway sila ni Raquel eh. The rest wala na ako maisip.
Dumating ang lunch na wala pa rin sa amin nag-iimikan tila hindi pa rin makalimutan ang nangyari. Tatlong oras na kami walang ingay maliban nalang sa mga nagrerecite kagaya ni Annalyn, Julia at Raquel na currently nasa higher rankings.
"Students?" Sabay-sabay naman kaming napatingin kay Maam Eunice, ang aming Values and Filipino teacher na isa na rin sa mga malalapit na teacher.
"I've heard what happened earlier, kung ano man yun pansamantala niyo munang kalimutan para makakain kayo at magkaroon ng lakas para sa afternoon classes niyo, don't worry iniimbistigahan na din ang nangyari, go eat your lunch" sabi ni Maam Eunice. Dahan-dahan naman kaming tumango kahit wala kaming gana kumain. Tumayo na ang iba sa amin at lumabas.
"Come on guys, kahit wala tayong gana kailangan natin kumain" sabi ni Annalyn. Tumango naman kami. Papunta na kami sa pinto ng bigla kaming nakarinig ng malakas na mura mula sa classroom.
"PUTANG INA!!"
Nilingon namin ang sumigaw ng murang iyon, pagtingin namin may nakakalat na kanin sa sahig.
Unang lumapit doon si Zia sumunod si Princess, Maria, Annalyn, ako at si Zion,
"Y-yung baunan k-ko!" - nanginginig sa takot na sabi ni Justin.
Tinignan naman namin ang baunan ni Justin, sa pangalawang pagkakataon ngayong araw halos masuka na naman kami,
May sariwang utak at atay ng di namin malaman kung saang hayop ito kinuha, ang laman ng baunan ni Justin ang dami ding dugo,
Kaya pala ang daming kanin sa sahig dahil natapon ng iba ang kanin nila ng makita ang baunan ni Justin.
"Tara na bago pa ako masuka dito" Sabi ni Zia
Tumango naman kami at pumunta na ng canteen. Pagkapunta namin doon, agad kaming umupo sa isang table,
"We need to investigate" -Mahinang sabi ni Princess
"Dahil wala namang balak ang mga tao dito na alamin ang nangyayari," -Mahinang saad din ni Zion.
"Paano?" -Tanong ni Maria
"We need to find some clues" -Ani Zion
"Gaya nung letter X right?" -Sabi ni Annalyn
"yes" - Pagsang ayon ni Princess
"Pero walang iniwan na clue ang suspek sa baunan" -Zia
"Meron siyang iniwan," -Zion
"Ano?" -Sabi ni Maria at Zia.
BINABASA MO ANG
Devilled Section
Mystery / ThrillerHighest Ranked Achieved: #150 in Mystery/Thriller. Hindi mo gugustuhing mapunta sa section namin. Mararanasan mo na nasa langit ka araw-araw. Mababait kami sa mabait Masasama kami sa masasama Wag niyong tangkaing kalabanin kami. Masaya kami kasama...