Tahimik lang kami sa mga upuan namin. Nandito na kami lahat sa classroom kasi pinatawag kanina yung mga wala kanina. Nakatayo sa harap yung principal naming demonyo habang katabi yung president ng student council na si Kuya Stevan na may hawak na papel."Para sa mga hindi pa nakakaalam kung bakit kami nandito, nandito kami kasi may nalaman na kami na clue about sa daga na nakita sa baunan kanina" panimula ng principal namin. Nagkaroom naman agad ng bulungan sa buong classroom.
"May nahanap na?"
"Nakakatakot naman"
"Sino sa tingin mo ang gumawa?"
Agad naman sumigaw si Raquel ng 'tahimik' kaya tumahimik ang buong klase. Nakita naman namin na ngumiti ng matamis ang bulok naming principal kay Raquel. Tss, favoritism.
"As I was saying, nakita namin sa daga na may nakaukit na X, kaya naisip namin na ang gumawa nito ay mula sa Grade 10" nagkaroon ulit ng bulungan sa buong klase. Grade 10? Sino naman gagawa nito sa mga seniors?
"Ahm, bakit niyo po nasabing Grade 10?" Tanong ng isa naming kaklase.
"Bakit Grade 10? X ay roman numeral ng 10, mag-isip ka nga" natigilan naman kami sa sinabi ng demonyo naming principal. Napalingon kami sa kaklase naming si Mac, na nagtanong kanina, nakatungo na siya habang kinakausap ng mga kaibigan niya.
Napaigting panga naman kami, kahit kailan bastos itong principal namin lalo na pag sa klase namin pero pag nasa labas siya kala mo kung sinong anghel na nalaglag sa langit.
"Ngayon iniimbistegahan na namin kung sino ang gumawa sa mga seniors, babalitaan nalang namin kayo at Justin, sumumod ka sa akin" sabi ng Principal namin bago lumabas ng classroom, yung president ng SC, naiwan sa pintuan, aantayin yata si Justin.
"See you later guys" paalam ni Justin bago lumabas sa classroom. Sumunod naman ang president at siya na mismo ang nagsarado ng pintuan.
Bumalot sa amin ang katahimikan, walang umiimik kahit isa sa amin. Narinig ko napabuntong hininga si Annalyn.
"Something wrong?" Tanong ko sa kanya. Umayos siya ng upo sa arm chair namin bago itukod ang siko sa table niya.
"It's nothing, nagtataka lang ako kung bakit ganito nararamdaman ko" Napakunot naman ang noo niya.
"What do you mean?"
"I feel that the principal know something pero nah! Nevermind what I said, baka guni-guni ko lang ito" sabi niya. Napakibit balikat nalang ako bago sumandal sa upuan ko. Sakto naman pumasok ang math teacher namin.
---
"Bihis muna tayo bago mag PE" Yaya ni Princess. Tumango naman kami bago lumabas sa classroom at tumungo sa locker.
"Sa wakas nakapag PE na tayo" sabi ni Zion.
"Sinabi mo pa" sang-ayon ni Maria. Nag high five sila dalawa. Napailing nalang kami bago buksan ang aming mga locker.
"Girls, bilisan niyo daw magbihis sabi ni Maam Jess, para makasimula na tayo" sabi ni Raquel. Tumango naman kami bago siya umalis kasama ang mga alipores niya. Sakto naman na nakakuha na kami ng extra tshirt at nagtungo na sa CR.
"GO AVE!" sigaw ni Maria sa boys na naglalaro ng basketball sa court. Tumira si Raquel at pinalo ng malakas yung bola ng volleyball.
"Mine!" Sigaw ni Zia at nireceive ang spike ni Raquel.
"Evy!" sigaw ni Raquel kay Evy na isa sa mga tahimik sa classroom. Sinubukan niya ireceive ang bola pero hindi.
"Hay naku Evy, gumalaw-galaw ka naman kasi kahit minsan" inis na sabi ni Maria bago habulin ang bola na papalayo na. Napakamot nalang sa batok si Evy, si Raquel naman napailing.
Tinira ni Maria ng spike ang bola na sinalo naman ni Raquel. Nireceive ko naman ito at papunta na ito kay April, nireceive niya at pinalo naman ito ni Princess. Patuloy-tuloy lang ang laban hanggang sa hindi ulit ito masalo ni Evy.
Raquel just groan in annoyance habang nakaharap kay Evy. Napatingin ako sa ibang boys na nanonood lang kasama na dun si Zero. Parang may tinatago ito.
"Hey!" Narinig kong sigaw ni Raquel kaya napatingin ako sa kanya.
"Tawag niyo ba a----" *blag* napasalampak ako sa sahig dahil sa pagtama ng bola sa mukha ko. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa hapdi, agad naman nagsilapit sa akin ang mga kaibigan ko.
"Are you alright?" -Annalyn
"May masakit ba?" -Princess
"Sinong tumira nun?!" -Maria
"Si Evy" -Zia
"Dalhin na natin siya sa clinic" -Zion
Tumango naman sila kaya inalalayan nila ako makatayo para madala sa clinic. Pagkadala dun, agad ako inasikaso ng nurse.
"Wala namang problema sayo, nahilo ka lang kaya ka natumba" sabi ng nurse. Nakahinga naman sila lima ng maluwang.
"Sabi sa inyo eh, wala naman nangyari sa aking masama"
"Mas maganda na, na sigurado tayo" sabi ni Princess. Lumabas na kami at naglakad na pabalik sa court.
"Buti walang nangyaring masama sayo"
"Oo nga"
"Nahilo lang naman kasi a---"
"Mag-ingat ka nga sa ginagawa mo" natigilan kami ng makarinig ng boses ng lalake sa loob ng isang room. Nagkatinginan kami apat bago lumapit doon. Hinawakan ni Maria ang door knob pero naka lock.
"Sino yung nag-uusap?" Nagtatakang tanong ni Zia. Nagkibit balikat naman kami. Dinikit namin ang tenga namin sa pinto at sinubukan marinig ang pinag-uusapan nila.
"Nag-iingat ako ikaw lang itong pabaya, muntik pa nga tayo mahuli eh"
"Swerte mo dahil nakaisip siya ng paraan para hindi ikaw ang pagdudahan"
"Tss, as if, porket X ang nakalagay dun ako na agad, dapat nga mas malala pa ang gagawin ko kay Justin eh"
Nagulat kami sa sinabi ng lalake. S-Siya ba ang nagpakana nito?
"Wag ka muna magpadalos-dalos, baka minamaliit mo naman ang mga kaklase mo"
"Of course, alam lang naman nila lumandi, magpaganda, magpagwapo at mag-aral, sino namang tanga ang lalaban sa akin? Tss"
"You will eat your words"
"Minamaliit mo ba ako hah?!"
"Sorry, hindi naman iyon ang ibig kong sabihin"
"You just shut your fucking mouth, let's go"
Kinabahan naman kami ng makarinig kami ng yabag ng paa.
"Ano gagawin natin?" Kinakabahang tanong ni Zia.
"There" turo ni Annalyn sa isang kwarto na patay ang ilaw. Agad kami tumakbo dun at swerte namin nakabukas iyon kaya pumasok na kami.
Napabuga naman kami ng lumagpas na ang yabag ng paa sa lugar namin. Napasalampak kami sa sahig dahil para bang nanghina ang tuhod namin sa narinig.
"Sino yung mga taong iyon?" Tanong ni Zion.
"I have mo idea" sagot ni Annalyn. Binukan ni Princess ang pintuan at sinulyapan ang paligid.
"Clear" pagkasabi niya nun lumabas na kami.
"Sino yun?" -Zia
"Whoever he is, he underestimated us" sabi ni Annalyn.
"Yeah, if it's a game he wants, then a game he gets"
---
Yie nakaupdate na kami! Hehe, sorry dahil natagalan update, naging busy kasi eh hahaha, lovlots.
BINABASA MO ANG
Devilled Section
Mystery / ThrillerHighest Ranked Achieved: #150 in Mystery/Thriller. Hindi mo gugustuhing mapunta sa section namin. Mararanasan mo na nasa langit ka araw-araw. Mababait kami sa mabait Masasama kami sa masasama Wag niyong tangkaing kalabanin kami. Masaya kami kasama...