Chapter Two

36 5 2
                                    

Napabuntong hininga nalang ako habang nasa loob nang office. How long are we gonna still stay in this damn place? Psh Magkakatabi kami lima habang nakatayo yung iba naman nakaupo sa sofa o sa sahig (mahirap lang kasi yung principal kaya sobrang liit nang office), yung iba naman nakatayo kagaya namin.

"Bakit ba tayo nandito?" bulong sa akin ni Maria. Nagkibit balikat lang ako.

"Sa tingin niyo, bakit ko kayo pinatawag dito?" panimula nang principal naming bulok. Napairap naman ako. Ano yun? Pinatawag niya kami dito para itanong yun? Geez. Narinig ko naman na napa tsk si Annalyn sa sinabi ng Principal. Kagaya ko nagtitimpi na yan nang inis.

"Ahm k-kasi, maingay po kami" sagot ni Raquel, ang aming president na hilaw. Napairap naman si Annalyn. Napangiti naman ako. Pareho lang pala kami nang iniisip, nagbabait baitan lang si Raquel sa harap nang principal namin. Famewhore.

"Very good answer Ms. Gramiño" sabi nang Principal. Napayuko naman si Raquel pero pustahan nakangiti na yan kasi naimpress niya nanaman ang Principal."I called all of you here to discuss what is the reason why are you shouting inside the room earlier, and didn't I told you to minimize your voices because we have important guests today, aish, you kids, our school will not increase its reputation if our guests seen your attitudes, luckily the guests are in the laboratory having a meeting right now" dagdag niya. Para sa estudyante nga ba itong ginagawa niyo o pambulsa niyo lang?

"Were sorry, hindi na po ulit mauulit" malungkot na sabi ni Raquel. Plastik alert.

"Oh sige, Raquel you better keep an eye to your classmates, okay, you may go" sabi nang Principal namin. Agad ko binuksan yung pinto at kami agad lima ang lumabas.

"God! Ayaw ko na dun sa langit na yun" sabi ni Maria at umupo sa upuan niya at tinaas ang paa. "Aray!" sigaw niya. Napatingin naman yung ibang boys sa likod namin.

"Ibaba mo kasi yang paa mo, wala ka sa bahay noh" sermon ni Princess.

"School is our second home, eh di bahay na rin natin ito, psh" Pagtataray ni Maria at padabog na binaba ang paa sa sahig. Umupo na kami lahat. Nakapasok na rin yung iba sa classroom. Dumiretso naman si Raquel sa harapan.

"Hays, guys! Wala na muna masyadong mag-iingay sa inyo kasi may mga visitors tayo" sabi niya sa amin pero wala naman nakikinig kaya umupo nalang ulit siya sa upuan niya.

---

"Hay! Sa wakas uwian na" sabi ni Zia. Agad naman namin nilabas lahat nang cellphone namin at umupo sa upuan. Kami nalang lima nandito sa classroom. Nag-uwian na sila, at dahil ayaw pa namin umuwi tumambay muna kami dito.

"Zion! May naghahanap sayo" bungad ni Annalyn pagpasok sa loob nang classroom. Tumayo naman siya at lumapit sa pinto.

"Hello!"

"Kuya Riel!" Sabay naming sabi habang nakangiti. Pumasok si Riel sa loob nang classroom. Actually, si Annalyn lang ang nagtatawag sa kanya nang Kuya dahil daw mas matanda sa amin, galang noh? Lahat naman nang nakakatanda tinatawag niyang ganun. Kami Riel lang kasi close na rin naman kami.

"Hi din sa inyo!" Bati niya pabalik at umupo na sa tapat ni Zion, ang kanyang MU. Ayaw pa kasi maging sila, bawal pa kasi si Zion may boyfriend baka mapatay ni Tita. Dito lang tuloy sila sa school nakakapag usap.

"Ano na nangyari sa inyo? Narinig ko pinatawag kayo ah" sabi ni Riel.

"Eh di yun pinatawag kami kasi maingay daw kami" sagot ni Annalyn habang nakatingin sa phone niya habang nakapatong ang baba niya sa kamay niya na nakapatong sa table.

"Paano nga pala umabot sa section niyo yun?" Tanong ni Princess.

"Basta, oo nga pala hinahanap ka ni Arthur" sabi ni Riel. Tumayo naman si Princess at lumabas sa classroom. Si Arthur pala ay kaklase ni Kuya Riel na 4th year high school din. Manliligaw ni Princess si Arthur, mag-iisang buwan na.

"Hi girls! Hi Riel!" Bati ni Kuya Arthur sa amin pagpasok. Tumango naman kami apat. Umupo na siya sa tabi ni Princess at nag-usap.

"Aray! Ang sakit!" Biglang sabi ni Maria habang nakamot sa katawan. Nagkatinginan naman si Zia at Annalyn tila alam na ang pinaparating ni Maria.

"Aray! Oo nga, saan ba nanggaling yun?" Pagsali ni Annalyn

"Ang kati sobra!" Sabi naman ni Zia.

"Ay alam ko na! Nilalanggam tayo!" Sabi ni Maria habang nakamot sa braso. Tumungin na sila sa amin tatlo na nakakunot ang noo.

"Ang sweet kasi eh, noh? Nakakalanggam tuloy" sabi ni Annalyn

"Woah! Ang kati sobra! Patayin niyo nga yung langgam" sabi naman ni Zia. Nakita naman nila na napairap si Zion at Princess sa pinag gagawa nila.

"Eh di wow!" Sabay nilang sabi sa amin at tinarayan kami. Napatawa naman sila tatlo sa inasal nang dalawa. Natawa rin si Riel at Arthur sa inasal nang dalawa.

Ikaw kaya, nakitang may couple sa harapan hindi kayo mailang, naku! Kaka OP guys! Haha Nakakaloka. Tumigil na kami sa kalokohan namin at nag cellphone nalang.

Nang marinig namin na nagring na. Tumayo na kami at lumabas na sa classroom. Nagpaalam na kami sa isa't isa at lumabas na sa school.

Another day done, another day has passed. Sa dadating na araw. Marami nanaman mangyayari sa loob nang classroom. Pwdeng masama, pwede rin maganda nasa amin na yun kung ano ang mangyayari sa amin at kung ano ang magiging tadhana nang section namin.

The Devilled Section

---

Thanks po sa mga nagbabasa. Gagalingan pa po namin, take note namin, hahaha charot! Haha sige magandang gabi o umaga sa inyo.

Devilled SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon