Kinabukasan..
Pag bukas ko ng pintuan ng aming classroom gulo gulo ang mga upuan at parang wala lang ang mga kaklase kong nag chi-chikahan doon. Nandito na rin naman sila bakit hindi pa nila ayusin?
"Annalyn! " pag pasok pa lang ni Maria tumingin agad sa kanya mga kaklase namin. Napatawa naman si Zion dahil sa inasta ni Maria.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit naging kaibigan ko silang lahat.
"Anu na? Tara na! "-yaya ni Zia
Napakamot naman sa ulo si Zion habang naka tingin sa mga kaklase naming lalaki na nag tutulukan.
"Huy anu ba?! "-awat ni Mark sa dalawang nag tutulukan.Alam na mag susuntukan na itong dalawa halata naman sa inaasta nila eh.
"Sapakan! sapakan! "-sigaw ng mga kaklase kong babae.
"Ayus ayusin mo lang Justin! "-tss.Ang laki laki nya tapos napatol sa maliit na lalaki. Wala talagang modo itong si Josh
"Bakit? Matapang ka na?"-Aba ayaw pa ata nitong tumigil
"TAMA NA NGA SABI DIBA?! "- sigaw ng president naming si Raquel. Uhh...
Lahat nag si tigil sa sigaw nya, pag pasok mo pa lang kasi maririnig mo na ang bangayan nila.
"PLEASE LANG WAG KAYO DITO MAG HASIK NG KA DEMONYOHAN NYO, DOON KAYO SA COURT! NG MAKITA NG IBANG STUDENTS NA GANYAN KAYO! "Sigaw nya.
"Ano na? Tara na kasi! "-yaya ni Maria
So ayun wala kaming nagawa kung hindi lumabas kami. Tsaka di pa naman time para mag aral syempre dapat mag chill muna.
"Wala pa si Princess?? "-tanong ni Annalyn
"Kita mong wala Pa diba? "-kahit kailan talaga ma prangka Pa rin sya. Nako ganyan talaga si Maria.
"Sorry naman! "- Sabi ni Annalyn
Palakad na sana kami papunta tindahan ng tita ni Zia ng may sumigaw, pagkalingon namin
"Uy! Wait lang"-Princess
"Ayan na yung hinahanap niyo," -Saad ni Zion.
"Lagay mo muna yung bag mo sa classroom" -Ani Zia
Tumango naman si Princess tsaka pumunta sa classroom, kami naman ay kumain na, gutom na kasi talaga si Maria at Zion.
Habang nakain, nagkaroon ng sigawan sa classroom kaya dali-dali kaming tumakbo,
Pagpunta namin doon, nagkukumpulan ang mga babae naming kaklase malapit sa teacher's table habang nanginginig sa takot ang mga boys naman ay pinagkukumpulan ang isang bag, pumunta kaming magbabarkada sa bag na iyon.
"Alis makikiraan!" -Maria
"Tumabi nga kayo!!" - Sigaw ni Zion
Nagsitabihan naman sila, tinignan namin ang laman ng bag,
Putek!! Halos masuka ako sa nakita ko! Nakakabaliktad ng sikmura at sobrang baho pa!! Dalawang malaking daga, pugot ang ulo at may naka-ukit na letter X sa katawan nito. Who did this!? Sa bag pa ni Justin di kaya!?
"Sinong gumawa nito?" -takang tanong ni Princess sa kanyang sarili habang nakatitig parin sa bag,
Naging seryoso naman ang muka ni Zion na nag-iisip, pati na rin si Maria at Zia, Si Annalyn naman ay pinagmamasdan ang paligid.
Eh diba nag away kanina si Justin at Brandy?
"Hoy!! Brandy! Baka naman ginawa mo ito!?" -Sigaw sa kanya ni Maria.
"Oo nga! Diba nag away kayo kanina!?" -Sabi naman sa kanya ni Zia,
"Oo nag away kami pero hindi ko magagawa ang ganyang bagay!!" -Pagtatanggol ni Brandy sa kanyang sarili.
Napadako ang tingin ko kay Xavier, ang kaklase naming siga sa room, parang ngumisi ito, pero napalitan din ng walang emosyon,
Napatingin ang lahat sa Pinto ng bumukas ito,
"What is happening in here!?" -Mr. Principal,
Lumapit si Mr. Principal sa bag ni Justin, ng makita niya ito halos masuka siya at gusto ng umalis sa classroom namin,
"Kuya Alberto pakilabas naman ho itong bag" -Ani Mr. Principal
Kinuha naman ni Kuya Alberto ang Janitor namin dito sa School ang bag ni Justin at nilabas ito,
Bago lumabas ang Principal may sinabi pa ito,
"Walang lalabas sa inyo, go back to your proper seats and we will talk about that bag" -Paalala ni Mr. Principal tsaka siya lumabas,
Hanggang ngayon hindi parin naimik si Zion at Princess, parang ang lalim ng iniisip nila, kasing lalim ng Marianas Trench.
Ilang minuto din ang lumipas tahimik ang lahat, at walang planong magsalita.
Halatang may after shock ang lahat, After ng 30 minutes pumasok na ulit ang dakilang Principal,
"What happened? Anyone? Tell me the whole story" - Mr. Principal
Tinaas naman ni Justin ang kanang kamay niya,
"Ako na po, dumating po ako dito ng sobrang aga tanging si Xavier, ako, Zero at Mico ang nandito sa classroom maaga na po talagang dumadating yung tatlo, nung pagkababa ko po nung bag ko sa upuan di na po ako umupo ulit, lumabas po muna kami at hinihintay ang ibang kaklaseng lalaki sa labas, tapos ayun na nga po nag away kami ni Brandy, dahil nanghahamon, tapos po nun sumigaw si Raquel, edi nagsitigil po ang ingay, tapos po nangheram sakin ng ballpen si April sabi ko dun sa bag mamili nalang siya don di parin po ako naupo sa upuan ko nun tapos dun na po sumigaw na po bigla si April at halos maiyak sa nakita niya, eh bago po ako umalis ng bahay malinis po ang laman ng bag ko tanging libro, papel, notebook at ballpen lang po ang nandoon" -Kwento ni Justin.
Napatango naman ang Principal, nagtagal din ng ilang segundo bago siya ulit magsalita
"Papalagpasin ko itong pangti-trip niyo dahil alam kong naglalaro lang kayo, pero sa susunod na mangyari ulit ito, Alam niyo na ang mangyayari" -Sabi ni Mr. Principal at..
*blaag*
Lumabas si Mr. Principal at binalibag ang pinto namin.
"Hindi ito laro diba!? Kung maglalaro man kayo diba kasali ang iba!?" - Mangiyak-ngiyak na sigaw ni April
Akala ni Mr. Principal naglalaro kami..
"This is a game" -Sabay na sabi ni Princess at Zion.
To be continued..
----------------------
Ayun! Ito na ang hinihintay niyo mga mahal kong readers! Magsisismula na ang kababalaghan Bwahahahahaha!!
*cough* *cough*
Powtek na Isda ito natinik na naman ako!!!!! Enjoy! Vote! Read! Comment! And Share of course! Mwaaaa :*
BINABASA MO ANG
Devilled Section
Mystery / ThrillerHighest Ranked Achieved: #150 in Mystery/Thriller. Hindi mo gugustuhing mapunta sa section namin. Mararanasan mo na nasa langit ka araw-araw. Mababait kami sa mabait Masasama kami sa masasama Wag niyong tangkaing kalabanin kami. Masaya kami kasama...