Prologue

1.5K 21 3
                                    

Prologue

"Cat, wait up!"

Diretso lang ako sa lakad at hindi siya pinansin, hinayaan ko siyang abutin ang distansya naming dalawa.

"Sabi 'ko antayin mo 'ko!" hinihingal na sabi ni Syrene. "Stubborn girl!"

Lumiko ako sa hallway para marating ang classroom namin. Hindi pa rin pinapansin si Syrene.

"Fine!" she started. "Hindi ko na ipipilit si Josh! Promise!" tinaas niya ang kamay, as sign of vow.

Tss, Syrene. I know you better.

"Wag ka ng magalit please." she added, pouting.

"I'm sorry. Hindi ko na uli ipipilit sa susunod..."

Kaysa mag-sayang ng laway sakanya inirapan ko na lang siya. Tinignan ko ang relo, sampung minuto bago ang klase kaya mas binilisan ko pa ang lakad para hindi ma-late.

Nagtataka nga ako kung bakit maaga si Syrene ngayon, madalas kasi siyang huli pumapasok. Siguro na-guilty dahil hindi ko pinansin lahat ng chats at calls niya kagabi.

Paano ba naman, may usapan kaming dalawa na manonood kami ng sine nung linggo pero imbis na siya ang sumipot, nagpakita sa'kin ang pinsan niya at siya na raw ang kasama kong manood! Ni hindi ko nga kilala 'yon!

She followed me. "I didn't mean it! Natalo ako sa game, that was the dare! Friendly date lang naman 'yon! Tsaka pinsan ko naman 'yon—"

"Cousin or not, it doesn't give you a warranty to arrange me on a date. Ano ka ba? Tinder? Bumble? Si cupid? Nasan bow and arrow mo?"

Syrene pouted. Naiinis ako because that's already the third time for this week! Hindi na bebenta sa'kin ang palusot niya ngayon na natalo siya sa dare.

I placed my bag at my seat, habang siya nakatayo naman sa harap ko.

"Natalo nga ako! And hello? I'm just concerned! I'm trying to add something new in your life." even without looking, I can sense her rolling her eyes.

Buti na lang at saktong ang dating ng teacher namin kaya parehas na kaming walang choice kung 'di manahimik.

Mabilis na lumipas ang oras, tapos na agad ang tatlong subject para sa araw na 'yon. Break na, kaya sabay kaming naglalakad ni Syrene papuntang cafeteria.

"You sure hindi ka na galit sakin?"

"May sinabi ba ako?" I replied.

I have known Syrene since elementary, she's the one and only real friend I had.

When we entered high school, she learned about dating and since that.. Palagi niya na rin akong pinagtutulakan na makipag-date! And I hate it! Kung kani-kanino niya binibigay ang number ko, at minsan may bigla na lang kung sinong susulpot!

The last addition to her 'dating app' like plan for me was Josh, 'yung pinsan niya na once pa lang akong nakita at for godness sake sa Facetime lang kami nagkita! Nasingit lang ang mukha ko nung bigla siyang tumawag kay Syrene habang magkasama kami.

"Oh, come on! Para namang bago sa'yo 'tong ginagawa ko." she said, rolling her eyes again.

Pareho kaming naupo nang makuha ang order namin. Tahimik akong kumain habang may dinadaldal na naman na kung ano si Syrene sa'kin. Sayang lang at wala na 'yung segment ne The Buzz, sure kasi ako pwede siyang proxy don 'pag absent si Kris Aquino, eh.

Queen of Talk, eh.

Her story about her crush was interrupted nang isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong cafeteria.

The Only ExceptionWhere stories live. Discover now