Chapter 3

269 10 1
                                        

Chapter 3

Naging abala ako sa pag-practice ng lakad para sa elimination at pati na rin sa Talent Portion ko. Katulad ng naunang sinabi ni Ma'am, interpretative dance ang gagawin namin.

Sobrang positive si Ma'am na makaka-pasok ako sa coronation kaya maaga pa lang gusto niya ng paghandaan ang portion na 'to. Ewan ko ba, ako nga ayaw ko nang umabot sa coronation eh.

Tumugtog ang pamilyar na musika at nagsimula na kaming dalawa.

Unlike nung nauna kong partner, mas matangkad 'tong bago atsaka medyo bulky na ang katawan. Mukhang mas kaya na akong buhatin nito, para sa part na ia-angat ako sa ere.

"Hold hands! Come on, be affectionate!" Sigaw ni Ma'am. "Alcoran! Landian pa ang galaw please."

Ugh, Ma'am ano bang landian?!

Hindi naman 'to madali, mas inisip ko lang na mas ayos 'pag may kasama para may kasamang mapapa-hiya. Tsaka hindi naman ako sanay na malapit sa ibang tao. Tapos lalandian pa?!

It was our break, nagpupunas ako ng pawis nang mamataan ko ang pagdating ni Zach sa pinagpa-praktisan namin.

Mula nung eksena sa SB, palagi na siyang lumalapit sa'kin kahit madalas 'di ko naman siya pinapansin. 'Pag excused ako sa class dahil sa biglaang meeting sa pageant, kukunin niya ang notebook sa bag ko at siya ang mag-susulat ng notes sa mga missed lectures ko. Nag effort pa talaga siyang ayusin ang penmanship niya dahil my notes were written in a cursive format. May pa highlight pa!

Nung nalaman ni Syrene 'yon, inasar niya ako. Ang ending inasar na rin kami ng buong klase.

Tuwing uwian naman, nago-offer siyang ihatid kami ni Syrene. Lagi akong tatanggi pero sasamahan niya kaming mag-abang ng jeep at 'pag nakasakay na kami, sasakay na rin siya sa service niya. Tapos 'yung service naman susundan ang jeep na sinasakyan namin. Pagbaba sa village, hihinto 'yon at aantayin muna makasakay ako sa coaster bago umalis.

Thats how it has been for a while.

"Hindi pa tapos ang rehearsal namin. Antay ka muna hijo, mamaya na kayo mag-date." si Ma'am Corpuz.

See? Kahit si Ma'am inaasar na rin kami!

Pinatugtog ulit ang kanta, nagsimula na ulit kaming mag rehearse.

"Forgive me Ma'am, but is that stunt necessary?" sabat ni Zach.

Ang stunt na binabanggit niya ay ang parte na bubuhatin ako at iikot sa ere habang i-aangat ko naman ang paa ko. I'll admit... I really hate this part, at kung magagawa ni Zach na mapa-alis 'to baka sampalin ko siya ng pasasalamat.

"May problema, Molina?"

"Dapat ang hawak po ay sa baywang, and clearly hindi niya ata kaya. Baka mahulog pa si Cat,"

I hate to agree, but Zach is right. Medyo bulky nga ang katawan nitong partner ko pero dahil siguro sa hiya, hindi niya ako mahawakan ng maayos. Sana tanggalin or palitan na lang ang part na 'to.

"Can you do it, instead?"

He shifted his gaze at me. "Sure, Ma'am." lumapit siya agad sa'kin.

Ang hiling ko tanggalin sana ang part na 'to, pero bakit bagong partner na naman ang binigay? Lord naman, eh.

"Lets see.." si Ma'am.

"You make it look like its magic..
'Cause I see nobody, nobody
but you, you, you..."

I repeated all the steps, nakaka-sabay si Zach sakin. I'm a bit surprised, kaka-nood niya ata samin pati siya kabisado na 'yung steps.

Kabado ako sa bawat kilos dahil may mga parte na dapat idikit ko ang katawan ko sakanya. Dahan-dahan kong hinaplos ang balikat pababa sa kamay niya. Nung mag-salikop ang kamay namin, ramdam ko ang pag-init ng pisngi. Sobrang awkward. Ano ba 'yan!

Nag-bitiw ang mga kamay namin sandali. Nilagay niya ang kamay sa bewang ko, at nang hinaplos ng daliri niya ang pisngi ko halos mapa-pikit ako. Matapos 'yun nag-harapan kami para mag-slow dance, ito ang part bago niya ako i-angat sa ere.

Hindi na talaga matatapos ang awkwardness rito!

Maingat at marahan siya ng i-angat ako at iniikot sa ere, he held me like a precious porcelain that'll surely break when crashed in the ground. Hindi siya mukhang hirap sa ginawa, sa itsura niya parang unan lang ang ini-angat niya. I too, did my part and gracefully lifted my feet in the air.

Ibinababa niya ako, naghanda kami para sa huling parte. Kung saan ididikit niya ang tungki ng ilong niya sa leeg ko at yayakapin ko naman siya.

Kung pwede lang mag-inarte hindi ko gagawin ko. Pero nakakapagod mag-practice. Gagawin ko na lang ng maayos kaysa paulitin kami.

"'Cause girl you're perfect..
You're always worth it,
And you deserve it, the way you work it..
'Cause girl you earned it...
You earned it.."

We striked our final pose as the music begins to die.

"Ang galing niyo!" pumalakpak si Ma'am. "Bakit ba 'di ko naisipan si Molina na i-partner sa'yo?"

"Ang ganda ba ng chemistry, Ma'am?" si Zach.

Tumango-tango ang guro. "May spark."

Binalewala ko sila at naupo para mag-pahinga. Sumunod naman sa'kin si Zach, umupo rin siya at inabutan ako nang gatorade. I'm impressed dahil na observe niya color blue lang ang gusto kong flavor.

Tinaasan ko siya ng kilay, pero tinanggap ko rin naman 'yon. "Salamat,"

May inabot rin siyang paperbag sakin, tinanggap ko ulit. Pagtapos sakin, sila Ma'am naman ang binigyan niya ng meryenda.

Binuksan ko ang paperbag may isang pack ng oreo at food container. He even noticed that I ate oreo, almost every after meal!

Like always, may note ulit na naka-dikit.

"You did well! You should eat well too."

Inangat ko ang tingin sa kung nasaan siya. Naka-ngiti siya habang nakikipag-usap.

Ano ba 'to? Alam kong obvious naman na. Pero ayoko din naman mag-assume. Ayoko din naman magtanong dahil paano kung mali ako?

Pinilig ko ang ulo ko at winala ang iniisip. Hindi ang bagay na 'yon ang mahalaga para sa'kin ngayon. Lalong hindi 'yon, ang bagay na kailangan ko.

I have an unpleasant point of view with love and with men. Siguro wala pa akong naka-relasyon pero base sa kwento ng pamilya ko, at sa maraming kwento na narinig ko. I find love as a manipulative thing. Its something that can control you, can damage you, can hurt and destroy you. The past have inflicted me doubts and uncertainties about love. It made me suspect its intent.

I'm too young to be controlled, too young to be damaged, hurt and destroyed.

Humarap si Zach sa'kin, tsaka ngumiti.

I don't want it.

The Only ExceptionWhere stories live. Discover now