Chapter 4

270 9 4
                                        

Chapter 4

After the preliminary last friday, kung saan ang unang pormal na rampa namin bilang mga kandidata, ngayon naman gaganapin ang elimination round.

Mula sa 26 representatives from different sections in Junior and Senior High School, malalagasan kami ng sampung kandidata ngayon. At ang 16 naman na matitira ang tutuloy sa coronation night.

Five hours bago ang actual elimination ang call time namin para sa briefing at last practice ng flow ng rampa namin.

Last friday, I'm surprised na hindi ako kinabahan nung rumampa ako at nagpa-kilala. Today, wala rin akong kaba na nararamdaman. Weird. Because considering that I'm new to this, I should feel even an ample of anxiety, right?

Ginala ko ang paningin sa mga kasama. Unlike me, some contestant were upset, some were enthused and frenzied.

Normal na reaksyon naman 'yon, lalo na kung masaya ka sa ginagawa at lalo na kung gusto mong makuha ang korona. Kahit papaano naitindihan ko din na ang kawalan ng emosyon para sa pegeant na 'to—ay dahil sa mas pabor sa'kin na matanggal at hindi na magpatuloy pa.

All of the candidates were beautiful. Hindi nga ako nagtaka nung kasali rin si Felice, yung sinasabing girlfriend daw ni Zach. Sometimes I'm wondering kung totoo ba 'yon, o kung hindi man, alam niya kaya na nilalapitan ako ni Zach? And there are times too that I feel guilty, kahit wala naman akong ginagawa. Dahil paano kung sila nga talaga? Ito ang rason kung bakit 'di panatag ang loob ko kay Zach. The reason why I often reject his act of kindness.

Kinurot ni Cassie ang pisngi ko. "Are you nervous?" she asked.

Hindi pa naman kailangan ng supporters ngayon dahil eliminations pa lang, but since I have the most OA sister, nandito siya ngayon.

"Why would I be?" Inirapan ko siya. "Mas okay na nga matanggal."

"And why?" she arched her brow.

"Look at them..." pertaining to the other contestants, "They're happy to be here, they want to be here. They enjoy it. Sila ang dapat manatili at manalo."

Umiling siya. "You're not the one to judge who should stay and who should win. While you're still here, might as well savour this experience! Have fun."

I sighed. I guess so, I'll just have fun.

Nang dalawang oras na lang bago ang pageant ay nagsimula na kaming i-make over. Ang mahaba kong buhok ay mataas na naka-bun. Gaya ng hiling ko, minimal make up lang ang nilagay sa'kin. With my brows naturally brushed up, contour, highlight, blush and a gloss on my lips, I looked gorgeous. Ang tanging extra lang sa mukha ko ay ang white winged eyeliner sa mata, na ipinilit pa ni Vince.

"Picture!" Cassie yelled, tsaka pwinesto ang ring light sa harap ko.

"OMG!" sigaw ni Syrene at madramang nilagay ang kamay sa bibig. Nang maka-lapit siya sa'kin niyugyog niya ako. "You're so gorgeous!" her mouth stuffed with nothing but good remarks at me.

Nagsama si Cassie at si Syrene kaya kahit dalawa lang sila, minsan sumasama si Vince, ang ingay nila! Ramdam ko tuloy ang tingin samin ng ibang contestant.

"In five minutes, you'll walk out there. Get ready ladies!" sigaw nung organizer.

Tumayo na kami at luminya bilang paghahanda. Inayos ko rin ang ribbon sa damit na may nakalagay na number eight. Tatluhan ang labas ng candidates kaya sa pangatlong batch ako lalabas.

The Only ExceptionWhere stories live. Discover now