Chapter 2

305 13 2
                                    

Chapter 2

"Sungit," sambit niya nang hindi nawawala ang ngiti sa labi.

"Hindi ka papasa diyan bud!" sigaw naman ng isa sa kaibigan niya.

I stormed out of the room after getting my things. Beside me is Syrene with a mocking smile plastered on her lips.

"May pag-hawak pa sa cheeks, eh."

Hinawi ko ang kamay niyang pinipindot ang pisngi ko. "Tumigil ka nga."

"Alam mo 'yung kantang Classmate by Hambog ng Sagpokrew?"

Inirapan ko siya. Of course alam ko 'yung kantang 'yon! Naririnig ko kay Cassie 'yon noon nung elementary ako.

"Unang araw pa lang, minahal na kita. Bakit ba ganito ang aking nadama? 'Di man kita lubusan pang kilala, eh ano naman—"

Tinakpan ko ang bibig niya para matigil siya sa pag-kanta. Naiinis na nga ako, inaasar niya pa ako!

Pagkatapos magbihis, humiga ako sa kama at binubuksan ang Facebook ko,
tinignan ko ang mga minention sa'kin ni Syrene na memes. Binuksan ko lahat 'yon tsaka tumawa-tawa mag-isa na parang baliw.

Lakinh pasalamat ko talaga naimbento ang memes, everytime na kailangan kong tumawa sila ang takbuhan ko. Si Syrene kasi madalas corny, eh.

Matapos sa Facebook dumiretso ako sa YT para manood ng mga house renovations, may nag pop up na notifaction galing FB.

Zacarias Gabriel Molina III wants to be your friend.

The last name was familiar, but I still clicked his profile to make it sure.

His profile picture was a stolen photo of him, naka-basketball jersey may hawak na bola at akmang mag du-dunk.

Right, siya nga 'to.

The guts to add me! Anong tingin niya, friends kami?

Ni-swipe ko pa at nakita ang picture niyang naka-upo sa hood ng ferrari at seryosong naka-tingin sa camera. My eyes darted to his shirt. He's wearing a Balmain polo shirt. And his shoes, gucci!

I smirked. Ang rich.

I quickly tapped the decline button. Wala pang isang minuto tumunog na naman yung notification.

Zacarias Gabriel Molina III wants to be your friend.

Dinecline ko ulit. Pero in-add niya lang din ako ulit. I declined it again, but he just fucking added me again!

Binitawan ko saglit ang phone ko, para pumikit. Breathe in, breathe out. Relax.

'Wag mong hayaan na tuluyang masira ang araw mo, Cat.

Tumunog pa ulit ng tatlong beses.

zacmolina3 followed you on instagram.

zacmolina3 liked your photo.

zacmolina3 liked your photo.

Nasa instagram naman siya ngayon!

Mukhang pati sa SNS balak niya akong asarin! I figured he'll not leave me alone. So before turning my internet off, I cancelled all his requests and turned my accounts to private.

Kinabukasan matagal bago dumating ang adviser namin kaya nakasuksok ang earphones sa tenga ko, as precaution.

"You like eraserheads?" hindi malakas ang volume kaya narinig ko siya. Pero s'yempre hindi na ako lumingon at nag-kunyari na walang narinig.

The Only ExceptionWhere stories live. Discover now