Chapter 6

234 8 2
                                        

Chapter 6

A day before the coronation, talaga namang pukpukan na ang ginawang rehearsal. Routine check at dress rehearsal ang objectives ngayon.

All of us lined up to our designated spot, suot ang mga damit namin para sa entrance walk at sa intermission number.

Umalingawngaw sa speakers ang tugtog ng intermission number namin para sa contest.

"5..6..7..8.. One more! 8..7..6..5..4..3..2 and 1! Very good ladies!" Sigaw ng baklang organizer.

Nagsi-babaan na kami sa stage. Inaayos ko na ang gamit ko dahil may practice pa kami nila Zach ngayon.

Paalis na akong nang nakita ko si Felice, naka-tingin sakin. Parang may gustong itanong pero naga-alangan.

I did her a favor and I stayed a bit, kunwari ko na lang na inayos ulit ang gamit ko.

"Uhm.. Excuse me.. Alam mo ba kung nasaan si Zach?"

"Hindi." I simply answered.

"Ah... Diba partner kayo sa.... Sa talent portion mo... May practice ba kayo?"

This time tumango nalang ako. Inantay ko kung may sasabihin pa siya pero tumahimik na siya. That's my signal. So I guess, I'll leave.

But then she held my hand. "Please don't steal Zach away from me."

Nag iba na ang ekspresyon ng mukha niya, kung kanina mukha siyang nawawalang tuta ngayon mukha siyang matapang na aso, handang ipaglaban ang amo niya.

Napa kunot ang noo ko. "Huh?"

Hindi ko maintindihan kung anong ipinupunto niya. Steal Zach away from him? He's the one who's always around! Hindi naman ako ang lumalapit.

"He likes me, I know. Nagka problema lang kami. But we can still fix it. Wag ka munang um-eksena.."

Oh holy.. What is she blabbering about?

"You're a woman, I bet you know the pain. Wag kang kumuha ng hindi sayo. Wag kang mang-agaw."

She haven't heard of my side, yet she have already concluded. Hindi ko nakayanan ang mga ibinibintang niya kaya sumagot na ako.

"Stop concluding things, I haven't done anything. Why put the blame on me?" I remained as passive as I can, after all wala naman akong ginawa.

"Because you're seducing him! You're luring him to come with you.. To be with you—"

I cut her off, hindi malayo na may makarinig samin and I don't want to give them the wrong idea.

"Are you hearing yourself? I'm seducing Zach?" Natawa ako. "Don't make me the mistress of your story. If you want Molina's ass, its all yours."

I left her. Napa-iling na lang ako, I thought she's nice. Para siyang kuting na lumapit sakin tapos... Whatever, looks can really be deceiving.

Mabuti na lang iilang mga kandidata lang ang natira don. Mahirap nang ma-issue. I'm not usually in to fights like this, pero hindi ako basta't tatayo na lang at magpapa-kawawa.

Kinabukasan. Kaswal ang trato ko kay Felice, though I can feel her gaze at me, all the time.

Isang araw nalang bago ang competition.

"Guys! Tomorrow is the day! Hindi ako makapaniwalang aabot ako dito kasama ang mga nag-gagandahang dilag! Come on guys! Selfie tayo." Aya ni Pia.

Hula ko siya ang magiging Miss Congeniality. Nagtanong na kasi samin kahapon at siya rin ang ibinoto ko.

Hindi ako lumapit sakanila para makipag selfie. Sa halip sila ang lumapit saakin.

"Sige, kami maga-adjust sa'yo."

Nagtawanan kami. Kanya kanyang pose sila habang ako ay ngumiti lang.

General practice namin ngayon. Kasama ko ang baklang hinire ni Cassie as hair and make up stylist ko. Parang nagiging mentor ko na rin, dahil pala comment siya sa mga kung paano dapat gawin.

Isa isa na kaming naglalakad. Ipina-practice namin yung evening gown part. Dapat slowly and graceful ang dating. 

Nang nagbreak ay tumabi ako sa stylist ko.

"Sino yung babaeng morena kanina?" Tanong niya.

Tinignan ko ang kumpol ng candidates sa gilid ng stage para malaman kung sino ang tinutukoy niya.

"Yung number three." Patuloy niya.

"Ah, si Pia Tanhueco. Bakit?"

"Maganda. Malakas ang dating. E yung black beauty? Ayan oh, yung nag aayos ng buhok." Tanong niya uli

"Si Yvette."

"Hindi siya bago sa ganito no? Magaling lumakad e. Sanay sa pag rampa."

Tumango lang ako. Magaling siya, dahil naobserbahan niya ang mga yon.

"How about this girl? Who is she?" Maarteng tanong niya.

Nilingon ko ang babaeng tinutukoy niya. At agaran ang pagsagot ko.

"Felicity Yu" I shortly replied.

"Oh. She's an eye catcher. Siya yung tipong mapapatingin ka."

Hindi ako nag salita.

"They're the major contenders Cat." Bumaling siya sakin. "Pero kung tatanungin ako? Parang kayo lang niyang Felicity na 'yan ang magbabanggaan."

Napunta sakanya ang atensyon ko dahil sa sinabi niya.

"Parang hindi korona ang pinaglalabanan niyong dalawa..." Inilagay niya ang kanyang daliri sa kanyang baba.

"Pero for me? Para sakin ha. Mas bet ko ang beauty mo." At sinimulan niyang suklayin ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.

Hindi ko alam kung sinasabi niya ba iyon dahil iyon ang totoo o baka dahil ako ang kaharap niya. But to show some decency, I remained silent and listened to him.

"Yung aura mo kasi parang... Hindi ko ma-explain. Parang hindi mo siya lalabanan pero alam mong panalo ka. Ganon!" Excited niyang sabi.

"She's an eye catcher. Yes, but you... You're a head turner. Ikaw yung tipong titignan tapos lilingunin uli. Maka bali leeg at batok ang beauty mo! Iba yung dating mo e. Siya titignan lang. Pero ikaw tititigan. Alam mo yun?"

I just rolled my eyes to her. Ine-exaggerate niya lang.

"Madaya ka."

My forehead creased.

Tumawa siya. "Hindi ka nag hihirap at hindi mo rin gusto ang korona. Pero ang korona mismo ang may gusto sayo."

Dahil sa kadaldalan niya ay pakiramdam ko tuloy sobrang haba ng break namin.

Habang naglalakad ako pabalik sa stage. Iniisip ko lahat ng sinabi niya.

The crown...

Am I going to get it?

The Only ExceptionWhere stories live. Discover now