Kung umiiyak ka, pagmamasdan kita,
sa 'yong pagluha, itutuon ang mata.
Katulad ka nga pala ng isang bata,
tulad din ng puso kong sayo ang punta.
Kung umiiyak ka, ika'y pakikinggan,
ang paghikbi mo at paghinga'y titignan,
iuukit ito sa aking karunungan
mula ngayon, bukas, at sa walang hanggan
Kung umiiyak ka, ika'y sasamahan,
pagka't sakin maaari kang tumahan.
Ang mga kamay mo aking hahawakan,
sisigaw sa langit "di ka bibitawan!"
Kung umiiyak ka, ika'y maniwala
buhay ang araw, nakangiti ang tala
nariyan ang Diyos, wag kang mabahala
narito ako, di na mangungulila.
Kung umiiyak ka, ngiti!, ayos lang yan,
naghihintay na sa'yo ang kasiyahan.
Kung iiyak ka, isigaw ng tuluyan,
ngiti dahil nasa'yo ang kalayaan
BINABASA MO ANG
Poetry
PoetryA collection of some of poems made from random thoughts. Most of which made before going to sleep.