Sobrang lungkot ng gabing ito.
Kung paanong narito ang hangin ngunit walang nakakaramdam.
Kung paanong tinatago ng ulap ang mga bituin.
At kung papaanong wala ka na sa aking paningin.Ito ang Walang Hanggang Tadhana.
Nang mahulog ako sa lalim ng paghanga.
Na sa bawat buntong-hininga, pagpikit ng mata,
ang nasa isip ay ang iyong mukha.
Ngunit ang tanging natitira sa lalaking ito ay ang salitang "sana".Ito ang pinakamahirap na sandali.
Na para bang sa kalul'way di lumilipas ang dagli.
At sa kabila ng pag-dagundong ng mga sigaw, sa pagwawala ng isipan, at sa alab ng damdamin, sa sarili'y di pa rin maamin.
Wala na ang kahapon sa akin.At tutuloy ang buhay.
Iinog ang mundo bagama't wala pa ring magbabago.
Ganoon pa rin sa daan kung saan patungo...
Ikaw... at ang Walang Hanggang Tadhana.
BINABASA MO ANG
Poetry
PoetryA collection of some of poems made from random thoughts. Most of which made before going to sleep.