Karugtong

67 17 0
                                    


Hanggang kailan ko hihintayin ang mga sagot mo,

Hanggang kailan ko patitigilin ang mundo,

Babaguhin ang sarili ko, makuha lang ang atensyon mo,

Na mula pa noon ay hindi mo naman ipinangako.

Noong isang gabi, hindi ka dumating sa lugar ng tagpuan

kung nasaan natin binubuo ang pangarap na makamtan,

Tinitigan ko mabuti ang parehong lansangan,

Ang mga tunog ng sasakyan na paulit-ulit ng pinakikinggan,

Pinagmasdan ang mga taong dumadaan, ang mga ilaw na naglalaro

na tila sinasabing wala na ang walang hangganan.

At pumatak ang ulan, sumayaw ang hangin kasabay nitong kalungkutan,

Dahil ang dating taong sinabi mong mahalaga sa'yo,

Ang dating pag-ibig na tinatawag mong si ako,

Ang dating kamay na dumadampi sa iyong pisngi, naglalagay ng ngiti,

Na pagmamay-ari ng lalaking naghihintay at naghahatid sa'yo parati,

Na ngayo'y lumuluha, bumibigkas ng tula, at unti-unti ng nanghihina.

Hanggang kailan hihintayin nitong buhay ko ang sagot mo,

Hanggang kailan ako nandirito bago tuluyang kainin ng mundo,

Sana hanggang bukas ulit, sana may karugtong pa itong tulang sinasambit.

PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon