Chapter 45: I thought

4.3K 60 3
                                    

Malalim kong iniisip kung bakit naninibago ako sa kilos at ugali ni Xander. Hindi naman siya ganun noon. Nakakalungkot lang isipin kung nalilimutan na niya yung mga katagang binitawan niya sa akin noon.

Kasi ako, di ko yun kinalimutan.

"Priscilla, sayo lang ako naging ganito. Sayo lang ako nagkaroon ng karamdamang ito. Ikaw lang nakakapagpaiba sa akin. You changed me the way I am and I can't help it but fall inlove with you. Gustong-gusto ko yung ako kapag kasama kita. I'm willing to wait. I'm willing to give you everything. Just let me." Sa pagsabi niya nun ay umiiyak siya. Sa pagsabi niya nun ay nadudurog ako.

"Xander, hindi pa ako nakakamove on kay Mentius. Aaminin kong mahal ko pa siya despite of all the pain that i went through. And i don't know pa."

Napayuko siya.

"I can't let you wait for me when I'm not so sure. I can't love you back when I'm not ready. Not when You're willing to give me everything."

May masama ba akong nasabi?
May masakit ba dun? Oo naman, Priscilla.

Pero, cold nga ba siya sa akin ngayon? O ang oa ko lang talaga?

Eh kasi naman, di naman kasi niya ugali ang mang-iwan ng tao. Lalong lalo na at babae at basang basa na sa ulan!  Oh diba? Ang weird kaya nung bigla na lang siyang umalis nang ganern ganern lang. Pak eh.

Kung cold sa akin si Xander, bakit siya nagpapadala ng mga kung ano ano sa akin sa office diba?

Ayan, Priscilla. Mag-overthink ka pa. Talagang mas lalong lalapad yang noo mo.

The only way to answer this numerous questions inside my head is to confirm kung may galit ba siya sa akin.

Dali-dali akong kumuha sa susi ko. Nasa company ako ngayon at mamaya magkikita kami ni Kuya pero uunahin ko muna to kasi baka mabaliw na ako sa ka oahan ko.

Nagpunta sa Park.

Usual spot.

Naglalakad ako patungo sa bench na palagi rin naming inuupuan dati.

Dati?

Matagal-tagal narin pala no. Yung nagiging past, dati at noon na lang ang tawag sa naganap nun. At wala nang ibang magawa kundi ang mapangiti tungkol rin nun. They're right. Ngingitian mo na lang ang masasakit na alaala at marealize mo na, Ito ay nagsisilbing dahilan para makamit mo ang ikaw sa ikaw ngayon.

Napangiti ako nung nakita ko siya roon na nakaupo mag-isa. Masaya akong naglakad papalit sa kanya. Nakatalikod naman siya kaya hindi pa niya alam.

Naglaho lang yung mga ngiti ko nong bigla niyang hinilamos ang dalawanv palad niya sa mukha niya at napayuko.

Napahinto ako.

May problema kaya siya?

Bakit pakiramdam ko... Ang bigat naman ata ng problema niya?

Ilang minuto ang lumipas bago ako makapaglakad ng patuloy. Bothered parin ako kasi nakayuko pa rin siya.

Tumabi ako sa pagkakaupo pero di niya parin pansin.

I cleared my throat.

Napatingin siya at nginitian ko.

He just... Look at me.

Hindi niya tinanggal. Matagal siyang nakatitig at kahit ako... Di ko man lang mapaalis ang tingin ko sa mga mata niya.

I can now see him Clearly. Nagmature nga siya. His hair is absolutely breath-taking... I want to touch his hair.

"Hi." Sabi ko.

"Hi."

"You're weird." Sabi ko at umayos ng pagkakaupo.

"Am i?"

I nodded.

Paano ko ba sasabihin? Na ano naman? Para ko nang inaaway ang isipan ko.

"I found out something horrible last month." Sabi niya nang hindi nakatingin sa akin. Nakatingin na siya ngayon sa malayo. I saw him smirked and all. Nagsalita muli siya.

"And i feel like... I want to die."

Napakunot ako ng noo.

"Bakit?"

He smirked again.
Napailing-iling siya at napaangat ng ulo sa langit.

"It hurts like hell, Priscilla."

Napapikit siya this time.
Napatayo ako at lumapit pa sa kanya at umupo ulit.

Tinignan ko siya.

Asaan na yung Xander na masayahin at palabiro? Wala na ngayon sa porma niya. Ang layo. Parang di siya. This one's a broken xander.

I patted his back and he was... Close to tears.

Hinawakan ko yung kamay ko at hinigpitan niya ang kapit nito.

"Ganito na lang, I'll tell you something nice para magiging okay ka kahit konti." Inihanda ko ang sarili ko at nginitian siya. Di siya umimik.

Pinag-isipan ko na tong balak kong sabihin sa kanya. And I'm ready.

"Handa na ako." I said.

He froze.

He blinked.

He was about to say a word. Pero inunahan ko siya.

"You told me before that you're willing to wait for me. And I totally took it seriously when I'm still moving on." I paused. Ngumiti at tinignan siya.

Ang lapit namin sa isat-isa.

"Ginawa ko ang best ko para maging best new version of myself. Para sa pagkita natin ulit ay matatanggap kita... Na noon ay di ko man nagawa sayo."

He just look at me.

I smiled at nagsalita ulit.



"I'm ready to like you back, xander."

Hindi siya nakapag-salita.
Napatigil ako. More on, talagang buong mundo ko ay napatigil.

Is it just me or... Napaluha talaga siya?
I laughed at him as he swiped his tears.

"Speechless ka ha. Napaluha pa nga kita." Sabi ko. Sana nakalimutan niya ang kung ano man ang problema niya.

"I'm sorry, Priscilla."

Unti-unting naglaho ang mga ngiti ko. Sorry?

"B-bakit?" Sabi ko.

Napako ang mga mata namin sa isat-isa at wala akong mabasa sa mga mata niya. Walang wala.

"I can't."

Napakurap ako.

"Anong I can't?" Sabi ko sabay hampas ng mahina ang braso niya.

"Hindi ko kayang mahalin ka. Not now. I just... Fuck... I just can't."

And just like that.
Iniwan na naman niya ako.
Umalis siya sa Park at naiwan akong napatulala at napaawang ang bibig.

Kung kailan... Gusto ko nang matutong magmahal ulit ay kailan naman sumuko na siya.

Xander, akala ko ba you'll wait for me.
Akala ko lang pala lahat yun.

Napaangat ako sa ulo ko na sinisikapang hindi maiiyak. Matagal na akong hindi napaiyak eh. Matagal na rin akong nakaramdam ng sakit sa puso.

Ang sakit.

Akala ko... Walang nagbago.
Talagang nagbago na eh.
I was too late.

My Favorite Pain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon