Chapter 12: Laughter

6.5K 98 4
                                    

Kuya told me na tumawag daw ako sa kanya. He knew my phone's lost kaya naman sinabihan niya ako na magmeet up daw sa park ang kung sino man ang nakapulot.

I asked kuya na siya na lang ang makipagkita kasi gusto kong mapag-isa sa bahay at magmukmok sa kwarto pero naging ganito na lang ang nangyari. Pinilit niya akong lumabas to get some air.

I parked my car sa parking lot ng Park.

Inayos ko ang suot kong maroon-colored beanie. Pati na rin ang Harry-Potter-styled glass. Lumabas ako at nagtingin tingin sa paligid. Maraming tao ang mga nakapaligid at sa kagustuhan kong makuha na ang cellphone ko, nagmamadali akong naghahanap sa taong naka 'Stripe T-shirt at denim pants daw sabi ni kuya.
He told me na ganun raw ang sinusuot ng lalaking nakapulot sa cellphone ko.

Lumingon-lingon ako nang may nahagip ang paningin ko sa di kalayuang distansya.

Alam kong siya yung nakita ko kaya naman dali-dali akong napapunta roon.

Umupo ako sa isa sa mga bench, yung sakto lang na makita ko ang mga likod nila.

"Are you cheating on me now, mentius?" Sabi ko sa sarili ko.

Di ko nakita ang mukha ng babae pero kitang-kita ko na si mentius yung kasama niya. Pero pakiramdam ko naman, umiiyak ang babae.

Lalapit na sana ako sa kanila pero biglang may pumatong na kamay sa balikat ko.

Sinipatan ko ang familiar na lalaki na katabi ko pala.

"I have your phone." Sabi niya sabay itinaas niya ang cellphone ko.

Naisip ko si Mentius kaya lumingon ako pabalik sa direction kanina.

But they're not there Anymore. Disappointment shot my face.

Sino kaya yung kasama niya?

Nabalik naman ang attention ko sa taong katabi ko.

"Nasa akin ang cellphone mo, why don't you treat me a meal? Dinner? I'm starving." Sabi niya.

Napataas ang kilay ko.

Ang fc niya.

"Sino ka?" Sabi ko. "Akin na cellphone ko." Sabi ko ulit.

"Di mo ako naalala? Who am i?" Mas lalo pang napataas ang kilay ko.

Tumayo siya at nakibit-balikat.

"Ako lang naman si Alexander the Great. Ang Alex ng lahat at ang xander sa puso mo." Sabay wink niya.

Napaawang ang labi ko sa expression ng mukha niya. Nakakaloka siya.
Kung nasa mood ako, kanina pa ako natawa.

"It's xander. Alexander James Locke!" Sabi niya sabay taas ng kamay niya at kumakawaykaway sa mga taong dumaan malapit sa bench namin. Di ko alam anong nakakatawa pero humugis ang ngiti sa mukha ko.

"See? You look more beautiful when you're smiling." Sabi niya at umupo ulit.

I rolled my eyes.

Natahimik kami kaya nagsalita na naman siya. He really have this habit of not wanting to end the conversation that's why he'll try to say something out of the blue.

"Hi." Sabi niya na para bang kakakita pa lang namin. Umayos siya ng upo.

Di ko siya pinansin at kinuha ang cellphone ko na nilagay niya sa distansya ng bench, sa pagitan namin.
"So, masyado palang overprotective yung boyfriend mo no?" Sabi niya kaya napakunot ang noo ko.

Napatitig ako sa brownish niyang mata. It's attractive, you see.
It's like theres a whole galaxy that's trapped on it.

"He's not that... Protective." I corrected him.

My Favorite Pain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon