Chapter 30: Touch

5.2K 77 0
                                    

"I'm getting married." Sabi niya kasabay nang blanko na expression niya. Naguguluhan ako kung bakit parang... Malungkot siya.

Tinignan ko lang siya.

What Priscilla? You should be happy for him!

Naalala ko lang kasi si Mentius. Edi sana kinasal rin kami. Noon pa.

"That's... Great. Who's the lucky bride?" Sabi ko kasabay sa Ngiti ko. Mapait na ngiti. Ikakasal na pala ang nag-iisa kong kaibigan na nakakaintindi sa akin at laging andito sa akin.

Pero bakit, kahit kailan naman wala siyang binanggit na ikakasal o may ka in a relationship siya.

Ngayon pa lang.

Napangiti rin siya pabalik. Pero ibang storya ang nagpapahiwatig sa mata niya. He seems sad.

Pero...

Ikakasal na pala siya? Oh. That's good to know.

"I don't think you know her." Sagot niya sa akin. "And actually, I also think it's not a good news after all." Sabi pa niya.

Napako ang tingin ko sa kanya.

"Bakit?"

Umalis siya sa titigan namin at tumayo. Napamulsa siya habang itinaas niya ang kanyang ulo.

"Arrange lang kami." Sabi niya.

He sighed.

Napanganga naman ako.

"Eh? Anong ibig mong sabihin?"

"It's not about business actually. It's about her parents and my parents desire. Kahit naman di ko sila tunay na mga magulang. They still treated like one. Thats why I cant help it but grant what they want. I have no choice."

Ah.
Kaya pala.

"You love her?"

Tinignan niya lang ako.
Bumalik siya sa pagkakaupo.

"I met this girl and I fall for her."

"Sino ba mahal mo?"

He looked at me, "Siya."

"Edi siya ang piliin mo. Napipilitan ka lang sundin ang kagustuhan ng Parents mo. And, marriage is not a joke. Pang walang hanggan na yan. Paano ang gusto mo?"

I'm trying to put my heart advising him. Gusto ko lang rin naman na masuklian siya sa lahat ng mga pinagsasabi niya sa akin nanakatulong talaga para sa sarili ko.

And i want him to prove his worth as well. He's not just a good guy. He could be a great man for that one lucky girl he met.

Parang kumirot naman ang loob ko non. Why?

Priscilla, bakit ka ganyan?
I'm so confuse with what I am feeling right now.

"But I can't love that girl anyway."

"Why do you think so?"

"She's still inlove with someone."

And I felt that.
Masakit kung pasukin niya ang sitwasyon na yan. Mahihirapan ka lang xander.

Mahirap mahalin ang taong hindi pa tapos mahalin ang taong maha niya.

The only thing that I can say to him is...

"You know what, just do what you love." Sabi ko. I paused and he didn't move.

He didn't look away at all. He just stared at me.

"Piliin mo to." Sabi ko sabay turo sa Dibdib niya kung saan ang puso nalolocate. "Para sa sarili mong gusto at desisyon. Hindi sa iba." Patuloy ko.

Bago ko man maalis ang daliri kong nakaturo sa kanya. Hinawakan niya ito bigla. Dahilan para magulat at magkatingana na naman kami sa isat-isa.

Napaalis ako sa titig niya at napako ang tingin ko ngayon sa Kamay niyang hawak ang kamay ko.

His skin touched my skin and I can't help but wonder why I'm feeling this way.

It's different.

Big different.

Napatingin ulit ako sa kanya.

"Thanks." Sabi niya sabay ngiti sa akin. Inalis niya ang kamay niya and that strange current that flowed throughout my body is now gone.

Strangely gone.

"You're welcome."


Natapos ang usapan namin ni Xander and the wedding is set on Saturday. But, i have this feeling na pipiliin niya ang babaeng nagustuhan niya.

He's smart.

At sana... Magdedesisyon siya para sa sarili niya.

My Favorite Pain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon