***
ElaineUmiwas agad ako ng tingin sa kanya at agad kong sinabi ito kay liya.
"Liya! Liya andiyan siya liya andiyan siya!" Ang sabi ko kay liya habang pinapalo siya sa kanyang likod.
"Ano ba elaine! Sino ba yan? Kitang may ginagawa yung tao eh." Ang nakukulitan na sabi ni Liya kay Elaine
"Yung lalaking binato ko kanina! Andiyan siya!, Classmate natin siya."
Bigla naman napatigil si Liya sa kanyang ginagawa.
"Anong sabi mo? Classmate natin siya?"
" Oo! Liya anong gagawin natin ngayon? Kitang kita ko pa naman sa muka niya kanina na galit na galit siya!"
"Nako ako ang bahala sayo magagawan natin ng paraan yan!"
"Siguraduhin mo lang liya! Hay nako salamat."
Dumating naman na ang teacher namin sa trigo at nagsimula narin siyang mag turo.
Marami siyang itinuro saamin at halos lahat yon ay naka catch up ko naman ang basic lang naman kasi ng trigo for me. Unti unti ng naglalabasan yung mga classmate namin at nakita kong lumabas na siya.
Hinintay talaga namin ni liya na lumabas siya bago kami lumabas para naman safe kaming makauwi.
Inaya ko na si liya na umuwi.Palabas na ako ng pinto ng may bigla namang humarang sa pinto. Bigla naman akong napasandal sa dibdib ng lalaking nasa pinto. Amoy na amoy ko ang pabango nito. Sobrang bango at hindi nakakahilo. Dahan dahan naman akong tumingin sa lalaking nasa harapan ko at pagkakita ko rito ay nakangiti pa ito saakin.
"Hello! Miss Elaine." Ang nakangiting sabi nito saakin.
Bigla naman akong napahinto sa ginagalawan ko. Wrong timing ang akala ko umuwi na siya. Tiningnan ko naman si liya at nagsalita ako sa hangin na pag bilang ko ng tatlo ay takbo.
Nagets naman ito ni liya. Nag bilang na ako ng tatlo hanggang sa tumakbo na nga kami papunta sa back door.
Mabilis kaming tumakbo ni Liya at mabilis din kaming nakaalis. Tumakbo kami sa hallway ng building na ito. Nakita ko namang hinahabol kami ng lalaking binato ko. Pero ang loko may kaibigan pala sa harap na tinatakbuhan namin kaya nahuli rin kami.
Bigla naman siyang tumigil sa pagtakbo at agad na umakbay sa kaibigan niya.
"Hay nako miss, hindi kana makakatakas saakin ngayon, at may kasama ka pang kaibigan mo ha?" Ang tumatawang sabi nito.
"Wala gusto ko lang naman gumanti sa ginawa mo saakin kanina sa canteen. Pero before that pumunta muna tayo sa tambayan namin para naman makapag usap tayo ng masinsinan." Ang sabi nito habang hila hila ako papunta sa tambayan nila.
Wala narin kaming nagawa ni liya dahil yung mga kamay namin ay hindi namin galaw dahil mabilis nila kaming natalian ng lubid.
Maya maya ay huminto kami sa isang kubo na maliit at puro puno dito. Presko at fresh pa ang simoy ng hangin.
Bigla bigla naman kaming pinaupo nito at agad na tinanggal ang lubid sa kamay namin.
"Ano bang problema nyo saamin ha?! Sabihin nyo na kasi uuwi pa kami ha?! Anong oras na mag gagabi na! " Ang sigaw ni liya sa dalawa.
Well wala naman akong magagawa dahil mag gagabi narin at tama magluluto pa kasi ako ng pagkain namin ni liya.
"Chilax kalang miss! May pag uusapan pa tayo, Diba nikko?" Ang sabi ng lalaking nakabunggo ko dun sa lalaking kasama niya.
YOU ARE READING
The Legend Adventure: Atheira Academy
FantasyGoddess Althea created Five Towns to train the Archers, Sorcerers, Wariors and Clerics. " You cannot trust anyone here in our village, you are the only one who can help yourself, Even if you are close to your friends im sure that they can betray yo...