***
King CasusIsang malakas na pagbukas ng pinto ang bumungad saakin at isang hingal na hingal na lalaki. Napataas naman ang kilay ko dahil sa ginawa niya.
"Anong sayo? Bakit ka naparito at bakit hingal na hingal ka?" Ang nagtataka kong tanong sa kanya.
"Ki-ng Ca-sus.." Ang hingal na sabi ng lalaking nasa harapan ko. Ayan takbo pa kasi.
"Ano ba? Sabihin mo na dalian mo!" Ang malakas na sabi ko na may autoridad.
"Nilusob po ng mga Dark Vesterious ang Ellumia at ang Vastaia." Ang sabi nito saakin na siyang ikinagulat ko.
Nagumpisa na ang mga Dark Vesterious. Dapat matulungan agad ang mga taong anduon.
"Sabihin mo kay Master Kul na maghanda ng mga tauhan at tayo'y pupunta duon ngayon din!" Ang madiin kong sabi sa lalaking nasa harap ko pero mas lalo akong nagulat sa kanyang muling sinabi.
"King Casus wala na pong natirang mga tao duon, at mabilis lang pong naubos ng mga dark vesterious ang mga tao duon."
"Anong sinabi mo! Saan mo naman na kuha ang balitang iyan?! Sabihin mo saakin sabihin mo!" Ang galit kong sigaw sa lalaking nasa harap ko.
Hindi maari iyon! Hindi maaring maubos ang mga Archers at Sorcerers!
"Kay Master Edianne po ng Ellumia at kay Master Tamara naman po ng Vastaia." Ang kinakabahang sabi ng lalaki saakin.
Hindi maaari! Nangyayari na ba talaga ang nasa propesiya? Hindi pa kami handa!
"Sabihin mo sa dalawang Master nayan na pumunta saakin ngayon din!" Ang Mabilis kong utos sa kanya.
"Opo Mahal na hari masusunod po!" Ang kanyang tugon.
Mabilis din namang umalis ang lalaki sa harapan ko at agad agad ding tumakbo.
"Naguumpisa na sila hindi dapat ito mangyari."
***
ElaineTakot, hinagpis, pangmamaliit sa sarili ang aking nararamdaman ngayon. Andito na kami ngayon sa Atheira Kingdom at masasabi kong maganda nga ang kingdom na ito base sa mga sinasabi ng tao na taga saamin.
Nakaupo lang ako dito ngayon sa isang sulok dahil sa masyado akong nabigla sa lahat ng nangyari.
Hanggang sa bumukas ang gate ng Atheira at nakita kong may tatlong tao ang papasok. Nakita ko ang isang babae na nasa likod ng isang babae.
Sa tingin ko hindi nalalayo ang nangyari saaming dalawa. Sigurado akong parehas lang kami nilusob ng mga Dark Vesterious at parehas na hindi nailigtas ang sariling bayan.
Lumapit naman saakin si Master Tamara at Master Davidat sinabi na sila'y pinapatawag ng Prinsipe.
"Elaine, dito ka muna ha? Kakausapin lang kami ng hari hayaan mo at babalik din kami agad." Ang paalam saakin ni Master Tamara.
Tumango naman ako bilang pagsang-ayon sa kanilang sinabi. Nang makita nila ang aking pagtango sila naman ay agad ng umalis.
Tumingin naman ako sa bagong dating na babae at lalaki. Parehas lang din sigurong pupunta ang mga master namin para kausapin ng Hari.
Hanggang sa umalis na nga ang master ng babae at iniwan na siya.
Nakita ko ang babae na naghahanap ng mapupuntahan hanggang sa nakita niya ako. Nginitian naman niya ako bago pumunta saakin.
Hanggang sa umupo na siya sa tabi ko at nagsimula siyang magpakilala.
"Magandang araw ako si Liya Servantes, Ikaw anong ngalan mo?" Ang tanong saakin ng babaeng katabi ko.
YOU ARE READING
The Legend Adventure: Atheira Academy
FantasíaGoddess Althea created Five Towns to train the Archers, Sorcerers, Wariors and Clerics. " You cannot trust anyone here in our village, you are the only one who can help yourself, Even if you are close to your friends im sure that they can betray yo...