Chapter 6: Couple Challenge

9 1 0
                                    

***
Elaine

"COUPLE CHALLENGE!?" Parehas namin na sigaw.

O god ano ba tong trip ni sir? Bakit naman ganto ang theme ng activity namin huhu.

Nagreact naman ang isa kong classmate medyo na tuwa ako duon. Pero ang lintek na hitad sumang ayon pa sa sinabi ni sir. Grrrrr.

Magrereact sana ako pero nagsalita na agad si sir. Wala na akong nagawa kundi pag tiisan nanaman ang lalaking to.

"As you can see kaya Couple Challange ang theme ng activity natin dahil maglalaban laban kayong magkakapartner." Sambit niya na parang tuwang tuwa.

Pwes sir hindi ako natutuwa.

"Meron tayong Five Challenge. Ang una ay Hulaan mo ang Word, Pangalawa Piggy Backride, Pangatlo
Piggyback ride with a twist, Pang apat All boys Run, Panglima Eat with Me." Pahayag niya.

Title palang ng mga contest na sinabi niya ay parang ayoko ng ituloy ito or ayoko ng gawin pa ang activity na to.

"Dont worry guys, may premyo naman kung sino ang may pinakamaraming puntos na nakuha sila ay makakatanggap ng isang napakagandang regalo." Sambit ng guro namin.

Naexcite naman ang iba dahil sa premyo. Kung ako ang tatanungin? Kahit na may premyo pa yan wala akong pake. Hindi naman kasi ako lumaking maluho.

"Ayan! Mag umpisa na tayo para sa unang paligsahan." Nakangiting sambit niya saamin.

Lumapit naman na ako kay ayrton at may sinabi sa kanya.

"Ayrton, anong plano natin?" Tanong ko.

"Bahala na laruin nalang natin ito." Sagot niya.

Hay, no choice na talaga.

"Sa unang paligsahang ito. May unang partner ang maglalaro. Ang larong ito ay huhulaan ng partner mo kung anong word ang nasa kanyang noo, at kapag nahulaan nyo ito ng mas maaga pa sa ibang partner kayo ang mananalo." Paliwanag nito saamin.

"Kaya umpisahan nanatin. Ang unang partner na maglalaro ay sina Jason at Abigail." Sabi niya.

Pumunta naman na sila Jason at Abigail sa harapan at parehas na umupo sa upuan.

"Sino ang manghuhula sainyo?" Tanong ni sir.

"Si Abigail po." Sagot ni Jason.

"Okay! Let's start." Sambit ni sir.

Nagstart na nga ang laro nila at ang galing ha? Automatic na lumalabas ang word sa noo. Amazing.

"Tao?" Tanong ni abigail.

"Hindi" Sagot naman ni jason.

"Lugar ?"

"Hindi"

"Bagay?" Tanong ulit ni Abigail.

"Oo!" Sagot naman ni jason.

Madali lang naman hulaan ang word na ibinigay kay abigail. Ang word na iyon ay libro.

"Ginagamit ko ba to?" Tanong ni Abigail.

"Oo!" Sagot naman ni jason.

"Araw araw ko ba tong ginagamit?"

"Oo!"

"Tali?"

"Hindi!"

"Damit?"

"Hindi"

"Ginagamit ba ito sa school?" Tanong ni abigail.

"Oo!" Malakas na sabi ni jason.

The Legend Adventure: Atheira AcademyWhere stories live. Discover now