Chapter 5: Activities

11 1 0
                                    

***
Elaine

Umaga nanaman same routine nanaman ang gagawin ko. Maaga ulit akong pumunta sa apartment ni Ayrton para kunin at dalhin ulit ang kanyang nga gamit.

Kahit sobrang bigat nito para saakin ay tinitiis ko na lamang.

Kararating ko lang ngayon sa room namin at agad ko naring nilapag ang gamit niya sa upuan niya. Matapos iyon ay tumabi narin ako agad kay liya.

Sa araw ngayon, tatlong subject lang meron kami pero ito ay whole day.

First subject namin ay History
Second subject ay Music
At ang huling subject naman ay ang P.E.

Kaming lahat ngayon sa room ay kumpleto na iniintay nalang namin si teacher angelica.

Habang wala pa si teacher angelica ay kinausap ko muna si liya.

"Liya, dalawang araw palang natin dito sa academy na to pero bakit parang ang tagal nanating nag aaral dito?" Ani ko.

"Oo nga e, siguro dahil sa sobrang dami nating ginawang kalokohan dito." Tumatawang sabi niya.

Hindi ko naman mapigilan na mapasinghap nalang sa hangin. Ang tagal kasing dumating ni ma'am nakakaboring na dito.

Maya maya nalamang ay dumating narin si Teacher angelica dala dala lamang nito ang kanyang isang folder at isang libro.

"Goodmorning class." Bati niya.

"Goodmorning Teacher Angelica." Bati namin.

Matapos namin na bumati ay umupo narin kami agad.

Nagsalita naman na sa harap si ma'am kaya ang lahat ngayon ay nakikinig.

"Dahil sa pinag-aralan nanatin ang tungkol sa history ng Atheira Kingdom, Bubuo kayo ngayon ng isang grupo na binubuo ng walong tao. Dahil mag aact kayo ng tungkol sa Past ng Atheira Kingdom. " Pagpapaliwanag niya saamin.

Bigla namang nag-ingay ang klase siguro dahil naeexcite ang iba o kundi naman naiinis ang iba.

"Sa ngayon humanap na kayo ng magiging ka grupo nyo. I will give you ten minutes to find your groupmates." Turan niya saamin.

Nang marinig namin iyon ay tiningnan ko liya at nginitian.

Sa ngiting namin iyon ay pinapahiwatig nito na kami ay dapat magkasama sa isang grupo.

Tatayo na dapat kami ni liya para humanap ng ka grupo pero laking gulat ko dahil lumapit saamin si Ayrton at si Nikko.

"Ano naman ang ginagawa nyo dito aber?" Sambit ni liya sa dalawa.

"Naghahanap ng ka grupo ayaw nyo ba?" Sambit naman ni nikko.

"Andito kami para makipag grupo sainyo, okay lang ba sainyo yun? Elaine?" Tanong saakin ni Ayrton.

Hindi ko naman sila mahindian dahil sila na ang lumapit saamin para maging ka grupo kami.

"Oo, okay lang saamin iyon ngunit kaylangan pa nating mag hanap ng apat para makumpleto tayo." Ani ko.

"Sige kami na bahala ni Nikko dun, diyan nalang kayo at maghahanap na kami." Aniya.

Agad naman niyang tinawag si nikko at pumunta na sila sa harapan.

Maya maya ay bumalik na sila dito na may kasamang dalawang lalaki at babae.

"Ito ayan kumpleto na tayo." Ani ni Ayrton.

"Mabuti kung ganun pero pwede ba naming malaman ang pangalan nilang apat?" Singit naman ni liya.

Pinakilala naman saamin ni ayrton ang apat. Ang kanilang ngalan ay Jeffry, Lyod, Jessica at Nadine.

The Legend Adventure: Atheira AcademyWhere stories live. Discover now