***
ElaineHello! My name is Elaine Zamora at andito ako ngayon saaming village na tinatawag na Vastaia. Kasalukuyang ginaganap dito ang aming festival, tinatawag itong Vastaia Festival na ipinagdiriwang ang tungkol sa kabayanihan ng mga dating Sorcerers.
Maraming activities, palaro at mga pagaent ang ginaganap dito dahil sa ayaw naman nila maging boring ang kanilang festival kung puro handaan lamang ang magaganap.
Kilala ang Village namin dahil sa ganda at kaayusan nito. Well hindi na rin ako magtataka dahil ang sabi saakin nila nanay ay mabait kasi ang gumawa ng mundo namin.
Papunta ako ngayon sa isang Pagaent na nasa kaliwang bahagi ko lamang hanggang sa may narinig akong isang pagsabog na galing duon.
"Boogsh!"
Malakas at sobrang sakit sa tenga ang pagsabog na naganap duon.
Nagtilian at nagsitakbuhan ang mga tao at isinisigaw ang mga pangalan na minsan ko ng narinig. Hanggang sa naalala ko ang sinabi saakin ng aking magulang.
Flashback
"Anak kapag narinig mo ang pangalan na Dark Vesterious wag kang titingin sa kanilang mata at agad kang tumakbo ha?" Paalala saakin ni inay habang kumakain kami sa harap ng lamesa.
Ilang ulit na ba tong sinasabi saakin ni mama? Siguro hindi ko narin mabilang dahil sa sobrang dami.
"Bakit naman po inay?" Ang curious na tanong ko. Sino ba naman hindi macucurious dun dahil laging pinapapaalala saakin ni inay iyon pero hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit.
"Dahil sila ang malapit na kaaway ng village natin anak, o sya kumain kana basta lagi kong sinasabi sayo na wag kang makipagtitigan sa kanila at tumakbo ka kaagad kapag narinig mo ang mga pangalang ito maliwanag?" Mahabang pagpapaalala nanaman saakin ni inay.
Wala naman akong nagawa kundi alalahanin at ipasok sa kokote ko ang mga sinasabi saakin ni inay.
End of Flashback.
"Dark Vesterious .." Mahinang sabi ko hanggang sa nakita ko ang kanilang itsura nagulat ako dahil ibang iba talaga ang kanilang mga itsura. Hindi sila tao kundi isang Muk-Dahl.
Nakita ko sila kung paano kainin at kung paano nila saktan ang mga sorcerers. Naalala ko naman ang sinabi saakin ni mama.
Agad agad akong tumakbo papunta sa bahay maging saaming mga kapit-bahay ay alam narin ang nangyari.
"Jusko! Kaawan tayo ni Althea, Iligtas nyo po kami!" Ang nagmamakaawa na sabi ng aming kapit bahay na si Aleng Jeben.
"Ang mga Dark Vesterious! Malapit na sila!" Ang sigaw naman ng isa kong kalaro sa village namin.
Lumingon naman ako sa likod ko at sobrang dami na nga nila.
Agad kong tumakbo at agad na pumasok sa bahay namin. Hinanap ko sila mama hanggang sa nakita ko silang naghahanda para sa labanan.
"Inay! Itay! Anong gagawin nyo?" Amg naguguluhan kong tanong.
"Anak tumakas kana sige na" Ang sabi ni inay saakin habang tinutulak ako sa likod ng pinto namin.
"Sige na anak sumama kana kay Master Tamara at pumunta kayo sa ligtas na lugar!" Ang sabi naman saakin ni papa habang may binibigay saakin na kwintas.
"Pero Itay! Inay! Hindi ko kayo maiiwan dito!" Ang umiiyak na sabi ko habang akap akap sila. Ayoko silang iwan dahil ayoko maging mapag isa.
"Boogsh!"
YOU ARE READING
The Legend Adventure: Atheira Academy
FantasiGoddess Althea created Five Towns to train the Archers, Sorcerers, Wariors and Clerics. " You cannot trust anyone here in our village, you are the only one who can help yourself, Even if you are close to your friends im sure that they can betray yo...