Chapter Two: PASAWAY KASI!

2.2K 88 38
                                    

POV of Luhan

ARAY!!!!

OUCH!!!!

SHAKIT!!!

“Hyung, ayos ka lang?” tinayo ako ni Sehun, sht naman. Mukha bang ok ako neto?

“Suho anong problema mo?” tanong ko, ansakit ng kaliwang braso ko

“Bigla kasing tumirik yung kotse ko, as in automatic” sabi nya

“Aray naman”

Nagulat kami nung may lumabas na babae…

“Naku hijo, pumasok muna kayo, baka kung anong nangyari sa kasama nyo” sabi nung babae

“Aish!” sabi ko na lang, tinulungan ako nina Sehun pumasok.

Pero mas nakakatakot nung pumasok kami, may lamay pala sa bahay na yun, agad akong nag-sign of the cross bilang galang. Sila? Walang paki sa mundo.

“Whoa-“ sabi ni Baekhyun, parang ngayon lang nakakita ng lamay (- ___ -)

 “LABAS! MAY SUGAT KA! BAWAL YAN SA LAMAY!” nagulat kami nung may babaeng lumabas tapos ang sama ng tingin sakin, nakakatakot yung tingin nya eh…

“Ano ba Emily? May sugat yung bata oh, kelangan nila ng tulong…sige kukuha ako ng gamot, magpahinga muna kayo ha” sabi nung babae sakin, umupo muna kami sa mga upuan sa harap ng kabaong.

“Hyung natatakot ako” nakakapit si Tao kay Kris.

“Naku ate, wag na ho, hindi naman po malalim” sabi ko

Nginitian lang ako nung babae, “Naku hijo, wala kasi akong panggamot dyan, eto na lang, takpan mo na lang ng tela, sige, kukuha muna ako ng pagkain” sabi nya samin. Tumabi sakin si Sehun na may hawak na blue na ribbon “Sehun, san galing yan?” tanong ko, “Dun” tinuro nya yung gilid ng kabaong, ang kulit talaga ni Sehun, parang bata lang…nilaro nya yung ribbon. “Chingus, hahanap lang kami ng loading station ni Kai sa labas, dito muna kayo” sabi samin ni Kyungsoo, pumayag naman kami at umalis na sila.

“Naku Kris, ang pogi mo talaga, see? Hanggang ngayon ayos pa rin buhok mo” parang tanga na ewan si Kris na kinakausap yung sarili nya sa salamin.

“Ang vain” reklamo ni Suho at nilaro ang iPad nya.

“Laro tayo hyung” sabi ni Tao kay Kris at naglaro sila ng hampasan, parang tanga lang…

“Eto mga hijo, kain muna” sabi nung babae “Ako nga pala si Joy, kapatid namin yung namatay”

“Condolences po” sabi namin

“Sige, magpahinga kayo ah” sabi nya at umalis na

“Hyung silipin na….ARAY!!!!” napatalon si Tao, malakas kasi yung hampas ni Kris, sumilip na lang sya sa kabaong….nung nakarinig kami ng hikbi

“Tao?” nilapitan sya ni Suho

“Hyung!! NAMUMULA!” reklamo ni Tao sabay turo sa braso nya, pinaupo na sya ni Suho.

“Sarap” takam na takam si Xiumin sa pagkain nya.

“Ayyy, ang dumi naman, linisin ko lang tong kalat ni Woomin hyung” sabi ni Lay at winalis yung mga bits ng biscuits.

“Ayan Tao, nadumihan yung kabaong” pinunasan ni Baekhyun yung salamin sa kabaong.

Maya-maya nakarinig na kami ng sigaw sa labas “Yah! Malapit na yung truck na susundo satin!” cheer ni Kai, nakakatawa kasi balot sila ng putik “Anyare?” tanong ni Baekhyun “Ahh…di namin napansin yung putik” ngiti ni Kai, “Naku maligo kayo” sabi ni Ate Joy, oo, Joy pangalan nya, mabait si Ate Joy. Habang naliligo sila, nasa may lamay kami, si Yeol naman may pinulot na ewan sa gilid. May babaeng pumasok, siguro kasing edad namin. “Aila” sabi ni Ate Joy sa kanya, cute sya, mukhang probinsyana.

“Ate Joy, *sign of the cross* sino po sila?” tinignan nya kami

“Mga naligaw lang dito, mga nasiraan ng kotse”

“Ahhh…” she nodded

Lumabas na sina Kai at Kyungsoo, nakapula na shirt si Kai “Ano ba kayo?? Ilang pamahiin na ba yung nasaway nyo? Umalis na kayo dito” sabi ni Ate Emily samin, nakakatakot sya, grabe lang! “Uhm oo nga, alis na tayo” nauna na si Suho, sumunod na kami, nakakatawa lang si Chen kasi ayaw pa umalis, hinatid pa tuloy ni Ate Joy, “Ano ba Joy? Bawal ihatid palabas ang mag bisita” sabi ni Ate Emily “Hala saglit po, yung iPad ko!” binalikan ni Suho sa loob yung iPad nya “Bawal bumalik sa loob pag nakalabas na” sabi ni Ate Emily sa kanya.

“Sorry po” sabi namin, nakita na namin yung truck na papalit sa bahay.

“Umalis na kayo” –Ate Emily

Nagulat ako nung lumapit sakin yung Aila.

“Itago mo to” kinuha nya yung kamay ko tas nilagay nya yung rosary nya. “Ako nga pala si Aila”

“L-Luhan” nauutal kong sabi

“Hyung tara!” tawag sakin nina Kai

Sumakay na kami sa kotse pagkatapos ilagay sa may truck. Ang sarap ng kain ni Xiumin sa monay na tinapay “San galing yan?” tanong ni Chanyeol, “Take-out ko” he smiled, nagtawanan sila…di ba bawal kumuha ng pagkain sa lamay???

 

PAGPAG (EXO VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon