Chapter Seven: Egg-cident

1.2K 55 21
                                    

Dedicated to @ReynCruzklover dahil sya nag-request ng AiHan (Aila + Luhan) moment…enebe pereng KathNiel ampeg!!!

POV of Aila

“Seryoso…wala kang kinalaman sa mga nangyayari” sabi sakin ni Luhan

“Eh kasi yung tropa mo…feeling nila masama akong tao…”

“Hayaan mo sila, kung ano gusto nilang paniwalaan”

“Kaso…”

“Aila” hinawakan nya yung magkabilang balikat ko

“Luhan…”

Inaantay namin si Sehun ngayon, nasa depatment store kami, nagpasama kasi samin si Sehun mamili ng damit…panlamay. Pupunta kami kina Kai…ako nga pala si Aila, ako yung probinsyanang babaeng nakita nila sa lamay ni Kuya Pedro sa may Pampanga. Maraming nang-aaway sakin hindi ko alam kung bakit nila sinasabing mangkukulam ang nanay ko, alam kong may ginagawang kakaiba yung mama ko, pero di sya mangkukulam…may sakit sya. May sakit sa utak yung mama ko kaya kina tita ako nakatira…sya na nagpapa-aral sakin kasi wala na kong tatay. Sina Ate Joy, mga kapitbahay ko sila at kababata ko si Kuya Pedro, 1 taon lang yung tanda nya sakin.

“Sehun tara” sabi ni Luhan, he turned to me and smiled

“Tara na Aila” sabi nya sakin at inabot nya yung kamay nya sakin

“Hindi ako anak ng mangkukulam Luhan” sabi ko sa kanya, he smiled and nodded, nginitian din ako ni Sehun

“Aila noona, naniniwala kami ni hyung sayo” sabi ni Sehun.

Hinatid nila ko sa girls’ dorm. “Aila…salamat sa pagsama samin ni Sehun ahh” sabi sakin ni Luhan, hinatid nya pa kasi ako sa mismong room ko…si Sehun hinintay sya sa lobby. “Ahhh…sige salamat sa paghatid…bye” sabi ko sa kanya, ewan ko kung bakit pero namula si Luhan…siguro namumula ako kaya ginaya nya ko…ang init ng pisngi ko…lalo nung nagka-eye contact kami, pero agad syang lumingon sa ibang direksyon “Sige, bye” nag-wave sya sabay naglakad palayo. Next day maaga akong nagising since may pasok na…mamaya din sila pupunta kina Kai.

“Ayan si babaitang lumalandi kay Luhan” ang lakas ng bulungan nila! Wapakels ka Aila!

“Di naman maganda”

“Mangkukulam daw nanay nya like…DUH”

“OMG baka patayin nya si Luhan…my GOD!”

“OMG GIRL! SHE’S A WITCH!”

“Eww, awa lang ni Luhan yan…mukhang cheap naman”

“Panget kaya, manag manamit”

“Baka napulot ni Luhan tas naawa si Luhan”

Nakakainis yung napakalakas nilang bulungan ah. “Hoy miss” nagulat ako nung may dalawang babaeng malaki as in MALAKI na mukhang whales na humarang sakin…amoy putok pa take note… “May fireworks ba ngayon? Nakakaamoy ako eh” sabi ko na lang, asar na asar na ko sa brats ng school na to. “MAY SINASABI KA BA? MATAPOS MONG PATAYIN YUNG APAT NA HEARTTHROBS NG SCHOOL MAY MUKHA KA PANG IHAHARAP?” sabi ni whale#1 “Hndi ako killer” sabi ko, they both chuckled.

“Guys…nasan yung surprise natin?” –whale#2

“A-anong…” nagulat ako nung pinalibutan ako ng hindi baba sa 20 na babae…

“Malandi ka! Kapal naman ng mukha mong lapitan si Prince Luhan” sabi nila.

*blaagg*

(le throws eggs)

“Ewww” sabi nug mga babae sa may second, floor and above…mga nanonood sa pambu-bully sakin.

“Dapat lang sayo yan eh! Ang baho ng identity mo witch!” sabi nila…

Pumikit na lang ako…wala akong magagawa, mahirap lang naman ako eh…ang sakit sa balat… “BAGAY SA KANYA YAN!” sigawan nila “HOY TEKA STOP!” may isang sumigaw…nasan na yung shells? Wala na kong maramdaman na itlog…anong nangyari?? “Tsss…ilang beses ko bang sasabihin na tigilan nyo na si Aila?” nagulat ako…ang manly nya ngayon…I opened my eyes, nakita ko yung likod nya…he was covering me…

“L-Luhan” sabi ko sa kanya.

“Ok ka l-lang?” he turned to me…may nakita akong dugo…

“OMG GUYS! NASUGATAN NATIN SI PRINCE LUHAN! SORRY PO! *bow*” sabi nilang lahat

“Aila…ayos ka lang?” tanong nya, parehas kaming naligo sa itlog, I nodded

“Hyung…noona…” sumingit sa crowd si Sehun

“Tsss…Sehun payakap!” nagulat ako kay Luhan nung tumakbo sya at hinabol si Sehun

“HYUNG! PLEASE!!”

After nung habulan, dumiretso kami sa clinic para maligo. Paglabas ko…wet look si Luhan…tas medyo basa yung uniform nya…kaya bakat yung ano nya….yung…

ABS.

Natulala tuloy ako “Oh? Parang nakakita ka ng multo” sabi nya, di namin namalayan na hapon na, lunch kasi naganap yung egg-cident eh. “Di ba pupunta kayo kina Kai?” tanong ko “Oo…sila, di na ko makakasama, may sugat ako oh” sabay turo nya sa noo nya, “Pamahiin di ba” sabi nya pa…I turned to him…and he turned to me as well “Di kaya….” Sabi ko sa kanya, he nodded…

“Di kaya…kasi di kami nagpagpag?” tanong nya sakin…

PAGPAG (EXO VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon