C1 - Banner

288 6 9
                                        

Death Anniversary Chapter 1

------------------------------------------------------------------------

 "As usual tayo na naman ang nauna dito"

Nakasimangot si Claudia habang napaupo na lang sa isang bench sa kanilang meeting place. Naalala niya yung huling christmas get together ng KPP ay sila ni Mikee ang nauna at halos naghintay sila ng napakatagal.

"Oo nga. Sabi dapat 8Am daw nandito na. Malayo layo pa naman yung biyahe natin. At 10 days vacation din yun. Hayahay lang! Di ko makikita yung mukha ng magulang ko ng sampung araw!"

"Tuwang tuwa ka naman diyan. Eh kung itext mo na lang kaya mga kasama natin. Mahigit bente tayo tapos dalawa pa lang tayong nandito. OMG at pasikat na yung sun,mahuhurt na naman balat ko"

Dali daling kumuha ng payong si Claudia sa kanyang malaking bagahe.

Tumango na lang si Mikee tsaka kinuha ang cellphone at nagsimulang magpadala ng GM sa kanilang mga kasama.

"Hi guys! Kayo pa lang?"

Napaangat ng ulo si Claudia para makilala ang nagsalita. May katangkaran kasi ang bagong dating. Napangiti naman si Mikee sa kanya dahil sa wakas tatlo na rin sila.

"Te Younha!" Nagbeso beso muna ang tatlo at maya maya ay naki-upo na rin sa tabi ni Claudia.

"Excited na talaga ko mga te! Resort resort ang peg natin ngayon ah asensado!" May halong saya at pananabik na wika ni Younha habang naglalagay ng foundation sa mukha.

"Ako nga rin eh! Ang dami kong nilagay na damit at baon. Para sa biyahe. May kalayuan yun diba?" Naghahalungkat ng bag si Claudia at inilabas ang isang plastic ng chichirya.

"Penge!"

Dumukot naman ang dalawa sa supot at halos di magkasya ang kanilang kamay naging dahilan upang mabitawan ni Claudia ang hawak hawak na pagkain.

"Sheez! Sayang!" Panghihinayang ni Mikee, na nakakuha lang ng ilang piraso.

"Sayang pala eh. Pulutin mo te!" Tawang sabi ni Younha na chumichicha na sa kanyang nakuha.

Nag-iba ang timpla ng mukha ni Mikee at magsasalita pa sana siya nang may isang van at isang pajero ang huminto sa harapan nila.

Bumaba naman sa van ang isang magandang babae at nagsalita.

"Hoy mga te kayo pa lang? Maaga pa pala ako" Natawa tawang sabi ni Minhan.

Tumango naman sina Younha at Mikee. Habang si Claudia ay kumuha na naman ng panibabong pagkain at binuksan ito.

Bumaba naman ang ibang tao pa sa Van. Sina Violet, Linzy, Coleen, Jhonna, Yvileth, Naima, Rahmuma, Aeae, Robert at Michelle.

Nang makita ni Linzy si Claudia ay sinimulan na naman niya tong asarin.

"Mga te, labas na hoy!" Sigaw ni Minhan sa Pajerong nakapark sa tabi ng van.

"Ay kasama pala natin yan?" Gulat na tanong ni Younha.

"Ay Hindi. Mga alipin ko lang yan! Malamang kasama sila!" Tinaasan siya ng kilay ni Younha pero hindi niya to napansin.

Nakatawa naman bumaba ang mga tao sa Pulang Pajero. Sila, Jade, Emilina, Julien, Joyce at Joel.

Death AnniversaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon