C4 - Bedroom

72 2 0
                                    

Death Anniversary Chapter 4

------------------------------------------------------------------------

Kinagulat ng lahat ang pagbukas nila sa ganoong usapan. Lahat ay nangilabot, ang ilan naman ay natahimik pero bakas pa din ang kakaibang takot.

"S-so ano ibig mong sabihin dun t-te?" Kinikilabutan na sabi ni Angelica

"It means. Tayo lang ang tao dito..." Dugtong ni Yhang sa sinabi ni Minhan

"EDI MASAYAA!!! WOOOO!!" Sigaw ni Aeae

"Pwede bang wag kang blunt at maging manhid? Tingnan mo nga kung masaya yang mga kasama natin" Naiinis na sabi ni Claudia.

Hindi niya maatim ang pagiging manhid ng kasama. Mula pa nung nagkairingan sila bago umalis.

"Sana lang walang mangyari saatin na hindi maganda... Kasi kung meron man, walang tutulong satin." Buntong hininga ni Yvileth

Natahimik silang lahat.

"Hay nako! Masyado kayong seryoso! Haler Anniversary natin to! Dapat happy!!" Sabay sayaw ni Mikee na dahilan para bumalik ang mood nilang lahat.

Nagpatugtog sila ng kung anu-anong kanta. Kpop at pang-party pa na mga kanta. Kahit papano ay nakalimutan nila ang takot at tensyon na naramdaman kani-kanina lang.

Inom. Sayaw. Bulyawan. Walang humpay. Para bang..

 Huling gabi na nila na magkakasama.

Pagkalipas ng ilang sayawan at tawanan nakaramdam din sila ng antok...

Ang iba ay tila nawalan nalang ng malay dahil sa sobrang kalasingan.

"Tara na sha beeeeeedroom!" nakapikit na sabi ni Aeae

"Gigishingin ba natin sila?" Tanong ni Minhan na nagsusuot na ng kanyang heels

Nakatingin sila sa mga kaibigan nila na nakahiga na lang sa kung saan saan.

"Wag na. tulog na eh. mahirap pa silang buhatin... Tayo nalang matulog sa bedroom. Hindi ko kayang matulog sa hindi kutson." inarte ni Coleen

 "T-teka antayin nyo ako. Don't leave me alone here!" sigaw ni violet kaya nagising din sina Claudia at Jade

 "Shhh... baka magising pa ang iba. tara na." bulong ni Coleen

-BEDROOM-

Pumasok silang lahat sa isang bedroom na pinakamalapit sa hagdanan. Bahala na kung san sila mapunta basta gusto na nila matulog. Dahil siguro sa pagod at antok kaya tinamad na silang maglakad papunta sa ibang bedroom. Pagbukas ng pintuan kakaiba ang amoy nito pero dahil siguro sa kagustuhang matulog agad hindi na nila pinansin ito. Antok na rin ang mga senses nila dahil sa tama ng alak.

Wala din nagbukas ng ilaw. dumeretso sila agad sa kama.

"Shakto lima ang kama.. Hayyyy..." Sabay higa ni Minhan sa kama

"Bakit ang tigash ng unan dito?" reklamo ni Jade na nakapikit na

"Oo nga e. at ang baho ng mga unan parang hindi nalabhan pwe Kasing baho ni Aeae!" bulyaw ni Claudia 

"Guys silence!! natutulog na ko e." badtrip na sabi ni Coleen

"Natutulog ka eh bakit nagsasalita ka pa? haha shunga"

"Goodnight na mga te." bulong ni Violet

Wala ng sumagot at maya maya pa ay hilik na lang bumalot sa kanilang kwarto.

<Someone's POV>

Dinilat ko ang mga mata ko at unti unti akong bumangon.

Akala nila maswerte sila dahil matutulog sila sa malambot na kama.

Goodluck na lang sa sorpresa ko sa inyo. Mga lasing sila at wasted pa. Mukhang najackpotan nila yung mga inumin na nilagyan ko ng pampatulog. Salamat sa sinabi nya kanina at nakalimutan nila ang tensyon. Dahil malamang kapag nagkatuloy tuloy yun, mahihirapan na naman ako kumilos dahil sa pag-iisip ng isang yun. Tss.

Sinipa sipa ko ang ilan at talagang mga plakda na.

"It's showtime baby!"

Kinakabahan ako habang kinukuha ang isang bagay nasa ilalim ng upuan.

Kutsilyo.

< end of POV>

Death AnniversaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon