C5 - Pool

78 2 0
                                    

Death Anniversary Chapter 5

------------------------------------------------------------------------

KINAUMAGAHAN...

<Violet's POV>

Mmm... Bat ang tigas ng teddy bear ko?? Hmm.. Niyakap ko pa ito ng mahigpit.

T-teka... wala pala ako sa bahay namin... Eh bakit andito teddy bear ko???

Dahan dahan akong dumilat.

Isang mukha na naaagnas ang nasa harapan ko!

Nakadilat ang kanyang mga mata... Kulubot na ang kanyang mukha...

Ang kanyang mga bibig ay puno ng dugo... Parang humihingi sya ng tulong...

Oo katabi ko sya... Kayakap ko sya!!

GUSTO KONG SUMIGAW PERO WALANG LUMALABAS SA BIBIG KO!

Napabangon ako agad at napatingin ako sa kinahihigaan ng mga kasama ko... Buhay pa naman sila... Pero ...

Lahat kami may...  MAY KATABING BANGKAY???!!!

At.... Wala palang unan dito sa kwarto na to??

So ibig sabihin...

ANG MGA BANGKAY NA ITO ANG GINAWA NAMING UNAN??!!

<End of POV>

"KYAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

"Aish! Ano ba Violet?!! Natutulog pa eh!" Reklamo ni Minhan

"G-Girls... T-tuma... T-tumayo kayo J-jan!!" Naiiyak na sabi ni Violet

"Ano ba yun?!!!"

Sabay sabay silang bumangon. Hindi nila alam kung bakit nila sinunod si Violet.

"OH MY GAAAAD !!!!!!!!!!!!!!" Sabay talon ni Coleen sa kama

Lahat sila ay may kanya-kanyang reaction...

Nanginginig sa takot...

Hindi makapagsalita dahil sa gulat...

At nakangiti... Huh? Tama ba may nakangiti???

Inalis nya agad ang ekspresyon ng mukha nya nang may nagsalita.

"P-pano nangyari t-to? A-at ano tooo??!!" Bulyaw ni Jade

"I knew it! Ramdam kong may mali!" Face palm na sabi ni Minhan

"Bumaba nalang muna tayo. nakakatakot dito guys! Hindi ko maimagine na katabi ko sila matulog!" Natatarantang sabi ni Aeae at lahat sila ay nagmamadaling umalis ng kwarto.

Bumaba sila na halos madapa sa sobrang tulin ng kanilang mga paa.

Nakita nila ang iba nilang kasamahan sa living room na natutulog. Pero dumeretso agad sila sa Pool dahil ang karamihan ay nandoon.

"GUYS GISING!" Sigaw ni Claudia sa mga kasama. Agad naman bumangon sila Nessa, Ellai, at iba pa.

"G-guys kulang tayo. Nasan yung iba?" Tanong ni Minhan ngunit nagkibit balikat lang ang iba at tila wala pa sa wisyo.

"Guys! Tignan nyo tong pool nag-iiba iba talaga ng kulay. Kulay pula naman to ngayon oh. Tara guys! Swimming din kayo! Strawberry flavor siguro to! Yee!!" Sigaw ni Younha na nasa pool na.

"Di ko pa kaya magswimming nai-istress pa ko." Hingalo ni Violet

"Nasan ba yung iba?!" Tanong ulit ni Minhan.

Lumusong naman sa pool sila Aeae at Jade

“Ay bongga! Bat ang lambot ng sahig?” Namamangha na sabi ni Jade

“At bakit ang lapot?” Dugtong pa ni Jade na may halong pagtataka

“Asan na si Younha?” Palingon lingon na sabi ni Aeae

Biglang may umahon sa harapan nila na mukha na punong puno ng dugo.

"KYAAAAAAAAAAAAA!"

Napalingon ang iba sa pool.

“Bakit guys? ako to. Hahaha” sabay punas ni Younha sa mukha niya.

Nagulat sya ng makita nya ang kanyang mga kamay.

“WAAA!!!! ANO TO?!!! D-DUGO????!!”

Sabay sabay silang nagmamadaling umahon sa pool

“OMG~ Dugo ba talaga yun?” Sabay hawak ni Coleen sa braso ni Claudia

“Pero san… San galing ang dugo?” dahan dahan na tanong ni Minhan

“Diba sabi ni Aeae malambot ang sahig?” Tanong ni Yhang

Biglang tumalon si Minhan sa pool at sinundan naman ito ni Yhang

Matagal din silang sumisid. Ang lahat ay nagaantay sa kanilang pag-ahon…

Unang umahon si Minhan na may takot sa kaniyang mga mata.. Dahan dahan siyang lumapit sa mga kanila.

“Mga bangkay ang nasa ilalim ng pool na ito.” 

Ang lahat ay natigilan. Parang natigil ang oras nung mga panahon na iyon.

“Nakatali ang mga katawan sa ilalim ng pool… Yun ang dahilan kung bakit hindi sila lumulutang… Ang iba naman ay pinagpatong-patong... Grabe ang ginawa sa kanila, nakakatakot. GRABE ANG MAY GAWA NITO!!” Naiiyak  na sabi ni Minhan

“Guys pahingi ng kutsilyo!” sigaw ni Yhang noong sya ay umahon, dahilan para magising sa katotohanan ang lahat...

Nung inabutan na sya ng kutsilyo muli syang sumisid…

 Ahon sisid… Ahon sisid…

Hanggang sa lumutang na ang mga bangkay.

Ang sampung bangkay ay nakilala nila base sa suot ng mga ito…

Ang ibang bangkay ay parang lantang gulay. Ito ay piniga hanggang sa maubos ang kanilang dugo…

Doon nila naintindihan kung bakit kulay pula ang maliit na swimming pool.

Nanghina ang tuhod ng iba sa nasaksihan, nawala ang kalasingan at gumana ang mga utak nila.

Ang kasama lang nila kagabi ay mga malamig na bangkay na.

<Someone's POV>

Magaling syang magtrabaho ah. Nice job!

Nakiluhod at iyak ako habang tinintingnan ang mga patay na kaibigan namin---

Este kaibigan nila. Pwe.

I know right? Pang Oscars award ang peg ko. :))))

<end of POV>

Death AnniversaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon