•Pamilya•

77 5 1
                                    

Pamilya, na kung saan ako nagsimula.
Pamilya, na kung saan natutunan ko kung paano magsalita.
Pamilya, na akala ko panghabang buhay magiging masaya.
Pero lahat ay may katapusan, dadating ang dulo na ikaw nalang lumalaban.

Sa bahay na ako'y nakatira, na puro sumbatan sa umaga.
Puro ba naman utos, kapag hindi ka susunod, malaya kang makakaalis, ikaw pa ay ihahatid.

Bakit ganito ang aking pamilya? Palaging pinamumukha saking akoy walang kwenta? Kapag hihingi ka ng pera. Hindi! Wag! Wag kang hihingi kasi mamalasin sila.

Ano bang meron sa akin?
Na para bang kay hirap tanggapin.
Parte lang naman ako sa isang pamilya.
Na laging ipinamukhang walang magawa.

Laging sinasabihan ng bobo kasi sumasabay sa uso.
Isang maling galaw,
bibig naman nila'y umaalingawngaw.

Kailan ba aangat ang isang katulad ko? Kung ang tingin nila'y mahina ako?

Isa sana akong ibon na malayang nakakalipad eh.
Kaso isa akong saranggola, nakakalipad nga, pero nakatali.

Minsan nga'y sinisisi ang mga bagay-bagay kung bakit ganito ang aking buhay. Kailangan ba talagang harapin ang hinaharap? Kung para sa akin ay sobrang hirap?

Hindi magawang maging masaya kaya'y ang tanong...
Sobrang hirap naba talaga?

Mayroon namang kinikilalang ina't ama,
Hindi naman kaya sa iyo'y maniwala.
Nakakapagod.
Yun bang gusto mo ng sumuko kasi hindi na kaya ng katawan mo.
Pero kailangan mong tumayo at sabihin sa kanilang "Kaya ko".
Pamilya ko to eh, ipaglalaban ko to hanggang sa huli.
Huling araw ko man sa mundong ito basta't napatuyan kong ipinaglaban ko ang pamilya na meron ako.

XxJcbnxX

Unsaid FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon