Sana kaya kong idaan lahat sa tula,
Sana kaya kong idaan lahat sa tula ang nararamdaman ko ngayon para sayo,
Pero wala akong magawa,
Dahil hindi ko na alam kung paano tumugma. 
                              Mahal kita,
Kahit akoy nasasaktan na. 
Mahal kita,
Kahit may mahal kang iba. 
                              Tatlong taon kitang gusto,
Pero tatlong minuto mo lang hinintay ang sagot ko. 
Ang hindi ko kayang maging tayo.
                              Hindi ko kayang maging tayo, 
Habang iba pa ang mahal mo. 
Hindi ko kayang titigan ang iyong mukha,
Habang ikaw ay nakatingin sakanya. 
                              Hindi ko kayang gumawa ng mga ala-ala na kasama ka, 
Lalo na't hindi mo pa nakakalimutan ang mga masasayang ala-ala ninyong dalawa.
                              Kaya'y mas pinili ko ang kalayaan, 
Kahit na alam kong sayang. 
                              Pinili ko man ang duwag na paraan,
Pinili ko man ang ako'y masaktan,
Pinili ko man ang mga kaibigan ko, 
Pinili ko man ang lahat kaysa sayo,
Pero ito ang tandaan mo,
                              Mahal man kita ngayon, 
Sinayang ko man ang pagkakataon,
Aasahan mo na sa huling hinga o huling pintig ng puso ko,
Kakapitan ko ang pangako ko sayo,
Na babantayan kita,
kahit na hindi mo na ako makita. 
                                      
                                          
                                  
                                              BINABASA MO ANG
Unsaid Feelings
PoetryThis is all about pain that I've experience, maybe some chapters are relatable to some of you. So I hope you'll appreciate and enjoy reading my poetries. Hehe😊
